You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Region VI- kanlurang Bisayas


Dibisyon ng Antique
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO BAITANG 7

I. Talasalitaan
Panuto: Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may salungguhit. Gawing gabay ang
pagkakagamit nito sa pangungusap
1. Madalas na nag-iisa at walang imik ang batang babae.
a. Maingay b. tahimik c. natutulala d. natutulog
2. Tinigpas isa-isa ng hardinero ang mga damo sa hardin.
a. Iginupit b. sinunog c. winalis d. pinutol
3. Tumitindi ang pambubukas at panlalait ng mga kaklase sa batang babae.
a. Pang-iinis b. pang-aapi c. pag-aalipin d. pang-aalipusta
4. Napatigalgal ang aking ina ng magsimula akong kumanta sa entablado.
a. Napatigil b. natutulala c. balisa d. natatakot
5. Naghunos na mga bituin ang mga hiyas at mutya ni Alusina.
a. Nagpalit anyo b. nawawala c. natunaw d. nagkikislap
6. Ang dibdib koy kumakabog tuwing nakikita ko ang aking crush.
a. Na excite b. galit c. kinakabahan d. nahihimatay
7. Ginagad niya ang kilos at pananalita ng kanyang idolong artista.
a. Kinopya b. kinutya c. ginaya d. inangkin
8. Namamalirong ang mga sugat ko sanhi ng inpeksyon.
a. Namamaga b. namumula c. natutuyo d. nadudugo
9. Biglang tinutop ng kaibigan niya ang kanyang mga bibig habang nagsasalita ito.
a. Tinakpan ng kamay b. hinawakan c. sinampal d. sinuntok
10. Mahilig kaming magpadausdos sa palaruan.
a. Bumababa b. rumaragasa c. maghahabulan d. magtakbuhan
11. Akin siyang kinakamusta na kami ay makasabat sa daan.
a. Makahuli b. makain c. makasalubong d. mag-usap
12. Ang dibdib koy kumakabog tuwing nakikita ko ang crush ko.
a. Kinakabahan b. galit c. nahihimatay d. na excite
13. Langkay ng mga lasenggo ang natangay ng cellphone at pitaka ko.
a. Kapatiran b. kasamahan c. Utusan d. grupo
14. Tanging sa pag-aagwador lng umaasa ang pamilya nina Impen.
a. Utusan b. taga-igib ng tubig c. kargador d. namamasura
15. Nakatinghas ang mga balahibo ko nang marinig ko ang huni ng aswang.
a. Nakatindig b. nangangapal c. nanlalamig d. nangangati

II. TAYUTAY
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang tayutay na ipinahihiwatig sa bawat pahayag.







16. Yumuyugyog ang puno ng niyog
17. Pakiramdam ko nilitson ako sa sobrang init
18. Sintaas ng Tore ni Kiven ang bagong gusali
19. Kapag, mas amoy paa ang bagoong, mas masarap
20. Pakiramdam koy nasa loob ako ng freezer.
21. Katalino mo naman upang ikaw ay maloko.
22. Diyos Ama, ituro niyo po sa amin ang tamang daan.
23. Kumakaway ang bulaklak sa hardin.




a. Pagtutulad d. Pagmamalabis
b. Pagwawangis e. Pagtatao
c. Balintunay f.Pagtawag


IV.
PANUTO: Kilalanin at tukuyin ang mga sumusunod na tanong.

24. Ito ay elemento ng kuwento kung saan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang pinaglalaban.
a. Kasukdulan b. Tagpuan c. Kakalasan d. Tunggalian
25. Salitang naglalarawan ng laki, hugis o katangian ng pangngalan o panghalip na binibigyang
turing.
a. Pandiwa b. pang-abay c.pang-uri d. pang-angkop
26. Bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
a. Pandiwa b. pang-abay c. pang-uri d. pang-angkop
27. Binubuo ito ng pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng
isang buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.
a. Sanaysay b. tula c. Epiko d. Talata
28. Isang uri ng paglalarawan na naghahatid ng artistiko at buhay na paglalarawan batay sa
nasaksihan, pananaw, guniguni at damdamin ng naglalarawan.
a. Masining na paglalarawan b. payak na paglalarawan c. banghay d. talata
29. Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng bawat pantig sa bawat taludtod.
a. Tugma b. Saknong c. Tono d. Sukat
30. Ito ay element ng tula kung saan ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkasing tunog.
a. Ritmo b. Tugma d. Tono d. Sukat
31. Ito ay pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang matalinhaga o di
tahas ang kahulugan upang lumikha ng isang larawan.
a. Tula b. idyoma o sawikain c. talata d. maikling kuwento
32. Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin, kaisipan, o saloobin
ng isang tao.
a. Tula b. Idyoma o sawikain c. sanaysay d. talata
33. Tumutukoy sa uri ng taludturan na walang sukat at tugma.
a. Tradisyonal na Tatunturan b. malayang taludturan c. blangko berso d. wala sa
nabanggit.
34. Ito ay tumutukoy sa linya ng bawat saknong.
a. Sukat b. tugma c. taludtod d. pantig






35. Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
a. Maikling kuwento b. Alamat c. Kwentong bayan d. Epiko
36. Ang tinutukoy na mga damit sa kuwento na Saandaang damit ay pawing mga
a. Larawan lamang b. iginuhit lamang c. imahinasyon lamang d. mga lumang damit
37. Uri ng paglalarawan na tinatawag ding karaniwang paglalarawan na nagbibigay lamang ng tiyak
na impormasyon tungkol sa isang bagay.
a. Payak na paglalarawan c. masining na paglalarawan
b. Masusing paglalarawan d. tambalang paglalarawan
38. Sa kuwento na Impeng Negro, ano ang mensahi na ipinahiwatig ng may akda.
a. Pagtanggol ng sarili pag inaapi c. tiisin lahat ng hirap
b. Pagiging matapang d.pagtanggap sa sarili
39. Ito ay bahagi ng tula na binubuo ng taludtod.
a. Saknong b. sukat c. tugma d. taludturan
40. Tumutukoy ito sa isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salin lahi sa pamamagitan ng
bibig.
a. Maikling kuwento b. kuwentong bayan c. Alamat d. Pabula
41. Katumbas ng imagery sa Ingles. Ito ay salitang napapaloob sa tula na kapag binanggit ay
nagiiwan ng tiyak na larawan sa kaisipan.
a. Tayutay b. Larawang diwa c. Idyoma d. Sanaysay





V. PAGSUSURI.
Panuto: Isulat kung masining o payak na paglalarawan ang ipinakita ng bawat bilang.

42. Ang bata ay maganda.
43. Si Shiela ay mabait
44. Ang kanyang mga daliri ay hugis kandila
45. Sadyang malusong ang kanyang katawan.
46. Ang kutis niya ay namumula tulad ng makopa.
47. Kumikinig ang kanyang katawan sa poot.
48. Maasim na mangga.
49. Halos paanas kung magsalita ang batang babae.
50. Mahina ang patak ng ulan.
51. Ang hubog ng kanyang katawan ay hubog-gitara.






GOOD LUCK AND GOD BLESS!


Inihanda Ni:
































Ang pandaraya ay di nagtatamong pala.

You might also like