You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS

DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10
S.Y. 2018-2019
Pangalan: Seksyon: Petsa: Iskor:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na mmay liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara
Pinapatay bawat malapi sa kanya.

Hango sa “Ang Matanda at Batang Paruparo”. Rafael Palma

1. Ano ang sinisimbolo ng ilaw sa saknong ng tulang binasa?


a. bisyo b. panghihikayat c. tukso d. kayamanan
2. Anong damdamin o saloobin ng persona sa tula?
a. nagbabala b. nag-aanyaya c. nangangako d. nagpapayo
3. Ano ang angkop na matalinghagang pananalita sa imahe ng saknong ng tulang binasa?
a. bukas na kaisipan b. ibaon sa hukay c. isang kisap-mata d. ikurus sa noo
4. Paano mo sinusuri ang akdang pampanitikan bilang isang salin?
a. maayos ang pagkakasalin
b. malaya at madaling maunawaan
c. lahat ng wika ay may sariling bias at kakayahan sa pagpapahayag ng kultura
d. Nauunawaan ang nais ipabatid ng isinasalin
5. Sa pagsasalin, anong mga hakbang ang dapat na isaalang-alang?
a. rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal
b. magdagdag at magbawas ng salita
c. pagbabago ng paniniwala
d. iliteral ang pagsasalin
6. Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsalaysay ng isang tao sapagkat ito ay
hango sa pangyayaring maranasan ng mismong nagsasalaysay.
a. panaginip/pangarap b. nabasa c. sariling karanasan d. likhang-isip
7. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin?
a. panlapi b. gramatika c. pagpapakahulugan d. pagsasaling-wikang
8. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
a. Pangangatwiran b. paglalarawan c. paglalahad d. pagsasalaysay
9. Ito ay nagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng
maraming tao.
a. Tula b. sanaysay c. talumpati . balagtasan
10. Ang tulang ito ay walang sukatat tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang salita.
a. Pandamdamin b. malaya c. blangko berso d. tradisyonal
11. Maihahambing sa tulay na nagdurudtong ng nakaraan sa hinaharap; salaysay ng buhay ng
mga naglahong bayaning kalahating tao at kalahating supernatural.
a. Epiko b. calabash c. dagli d. sanaysay
12. Ito ay uri ng panitikan na nagbibigay ng sariling mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang
nais nitong talakayin.
a. Talumpati b. sanaysay c. balagtasan d. tula
13. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtud.
a. Tugma b. sukat c. kariktan d. talinghaga
14. Ito ang pagkakapareho ng mga tunog ng huling pantig ng bawat salita.
a. Tugma b. sukat c. kariktan d. talinghaga
15. Ito ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.
a. Tugma b. sukat c. kariktan d. talinghaga
16. Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may
akda.
a. Tugma b. sukat c. kariktan d. talinghaga
17. Ito ang pagkakapareho ng ibig sabihin ng salita.
a. Kahulugan b. kasalungat c. kasingkahulugan d. kaisipan
18. Ito ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na
mahiwaga at metapisikal.
a. Kariktan b. talinghaga c. simbolismo d. tayutay
19. Anong hayop ang inaalagaan ni Kibuka nang siya’y magretiro?
a. Aso b. pusa c. ahas d. baboy
20. Ito ay pagpapalitan ng kaisipan tungkol sa isang paksa na ilalahad sa harap ng maraming tao
na isinasaulo.
a. Debate b. pag-uulat c. talumpati d. balagtasan
21. Ito ang tawag sa nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento.
a. Banghay b. tauhan c. tema d. tagpuan
22. Ito ay mabisang instrument ng komunikasyon na nanghihimok sa mga manonood,
tagapakinig at mambabasa na patuloy na kumilos o gumawa.
a. Debate b. anunsyo c. balita d. balagtasan
23. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuei Ezeudu. Nakaramdam ng kaunting
sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuei Ezuedu ay
noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemeuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang sinalungguhitan?
a. metal bell na ginawa ng mga igbo
b. yari sa shell na palamuti at gamit pangritwal
c. gamit pangmusika na yari sa kahoy, isang tambol
d. espiritu ng mga ninuno, gumagamit ng mascara ang mga tribu at sumasanib kung may
krimen
24. Pillin ang pinakamalapit na salin ng kasabihang, “Anegative mind will never give you a
positive life”
a. Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.
b. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.
c. Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.
d. Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng postibong buhay.
25. Inaakala ko na manghihina ang kanyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili
siyang matatagat nakakapit sa Diyos. Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitan na salita?
a. Paghihinuha b. paglalarawan c. panghihikayat d. pangangatwiran
26. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbabala?
a. Tara, punta tayo roon.
b. Huwag kang basta-basta magtuwala, ikaw rin.
c. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
d. Makabubuting ipaglaban mo muna ang iyong pag-alis.
27. Ibaon mo na sa hukay ang kanyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. Itago b. ilibing c. kalimutan d. magpatawad
28. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa Bathala ng
Lupa?
a. nagkasakit si G. Brown
b. sinunog ang tahanan ni Enoch
c. sumanib ang isang masamang espiritu
d. hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu
29. Sino ang pumatay kay Liongo?
a. asawa niya b. kanyang anak c. ina niya d. kanyang kapatid
30. Saang bahagi ng katawan ni Liongo na kanyang ikakamatay kung ito’y matamaan ng
karayom?
a. Batok b. leeg c. pusod d. noo
31. Ano ang kakayahan nina Toby at Sarah na kanilang itinatago sa karamihan?
a. Makakalipad b. magbalatkayo c. makagawa ng hangin d. makabuo ng apoy
32. Ano ang trabaho nina Toby at Sarah?
a. Kasambahay b. magsasaka c. agwador d. bangkero
33. Sino ang anak ni Mang Simon na gusto niyang paaralin?
a. Roy b. Lion c. Iloy d. Ireneo
34. Saan inihambing ng punungguro ang pag-aaral na kahit matagal ito ay puno naman ng bunga
habang tunatagal?
a. Narra b. akasya c. kalabasa d. mahogany
35. Anong katangian mayroon si Mullah Nassredin?
a. Mabait b. matulungin c. mapagbiro d. mapang-api
36. Bakit hindi nagkwento si Mullah sa harap ng maraming tao?
a. hirap siya sa pagsasalita
b. alam na ng iilan ang kanyang kwento
c. iilan lamang ang mga taong dumalo
d. umalis ang mga tao dahil sa inip
37. Bakit nagalit ang Sultan nang siya’y napadaan sa isang Mongheng Mohametano?
a. masakit iting magsalta
b. hindi siya nagtaas ng ulo
c. nagmumura ito
d. umalis agad ito
38. Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin.
a. babalang may kasamang pag-aalala
b. nagpapayo at nagmumungkahi
c. pangungusap na may pagsang-ayon at pagsalungat
d. babalang may kasamang pananakot
39. Isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat;
panukalang buod ng komposisyon.
a. Balangkas b. sanay c. sanaysay d. talumpati
40. Siya ang ama ng sanaysay.
a. Alejandro G. Abadilla
b. F.W. de klerk
c. Nelson Mandela
d. Michael de Montaigne
41. Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa isang lugar.
a. Tulang paglalakbay b. talambuhay c. tulang pasalaysay d. travelogue
42. Ang Poo’y di marapat pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. Hangad b. mithi c. nais d. pangarap

Para sa bilang 43-44

Bata pa lamang si Sundiata ay nagging mahusay nang mangangaso. Naging matalik niyang kaibigan
si Manding Bory, ang anak ng kanyang ama sa ikatlong asawa. Nang mabigo ang balak ng pang-utas kay
Djata nina Sassouma at Dankaran, ipinatapon nila ang mag-anak. Ang bayani sampu ng kadugo ay nakahanap
ng kanlungan sa kaharian ng Mema.

43. Batay sa pangyayari, sino ang binalak ngunit nabigong patayin?


a. Dankaran b. Manding Bory c. Sundiata d. Sassouma
44. Saan namalagi ang pamilya ni Djata matapos silang itaboysa Niani?
a. Mema b. Dayala c. Niger d. Sosso
45. Ito ay matagal ng ipinaglaban ni Manuel Luis Quezon upang mas magkaunawaan ang bawat
Pilipino.
a. Lahi b. watawat c. Wikang Pambansa d. katarungan
46. Alin sa pahayag ang naglalahad ng damdaming nagmumungkahi o nagpapayo?
a. Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno.
b. Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.
c. Walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.
d. Tingnan mo ang iyong sarili.

Para sa bilang 47-48

Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak na pagkatao
ng kanyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina at walang kwenta sapagkat
ni isang laban ay walang naipanalo ang kanyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kanyang kapalaran,
nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang saptat upang magkaroon ng tatlong asawa,
titulo sa mga laban at higit sa lahat, pakilala mula sa mga katribo.
47. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay?
a. mapaghiganti
b. malakas ang loob at determinado
c. may sama ng loob
d. may isang salita
48. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na mailala siya ng mga katribo?
a. gusto niya ng karangalan, pangalan at katanyagan
b. gusto niyang maghiganti
c. dahil walang kwenta ang kanyang ama
d. mahina ang kanyang ama

“Love excuses everything “Mapagpatawad ang pag-ibig, pinaniniwalaan ang


believe all things, lahat ng bagay, puno ng pag-asa sa mga bagay,
hopes all things endures all things.” nakakaya ang lahat ng bagay.”

49. Batay sa pagsasalin sa kahon,alin ang unang pamantayan na dapat isasalang-alang sa


pagsalin?
a. basahin ng paulit-ulit
b. ikumpara ang ginawang salin
c. may sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
d. tingnan ang bawat salita sa isinasalin
50. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang: “You are the apple of my eyes.”
a. Ikaw ang gusto ko.
b. Ang mga mata mo ay mala-mansanas.
c. Gusto kita.
d. Ikaw ang aking paborito.

You might also like