You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
BACNOR NATIONAL HIGH SCHOOL
50
Pangalan_______________________Seksyon______________Petsa________________ Puntos
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 7 (S.Y. 2022-2023)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o katanungan. Itiman ang bilog sa katapat na letra ng napiling kasagutan sa
iyong talasagutan.

1. Ito ay bahagi ng katutubong panitikan na karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito
nagsimula at lumaganap.
a. Alamat b. Kuwentong-Bayan c. Epiko d. Sanaysay
2. Alin sa mga sumusunod ang kuwentong-bayan ng mga tagalog?
a. Ang Batik ng Buwan c. Si Manik Buangsi
b. Ang Bundok ng Kanlaon d. Si Mariang Makiling
3. Alin sa mga sumusunod ang kuwentong-bayan ng Mindanao?
a. Ang Batik ng Buwan c. Si Manik Buangsi
b. Ang Bundok ng Kanlaon d. Si Mariang Makiling
4. Ang panangis ng dalaga ay hindi man lang pinakinggan ng ama. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakadiin sa
pangungusap?
a. Pagkagalit b. pag-iyak c. panunuyo d. pagsigaw
5. Ang malupit na sultan ay nasawi nang lumindol sa kaharian. Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan sa
pangunusap?
a. Nahirapan b. namatay c. nasaktan d. nasugatan
6. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan. Mahihinuhang ang lugar ng sultan
ay…
a. Mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
b. Ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao
c. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak
d. Tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatag si Usman
7. Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng ma lalaking nakahihigit
sa kanya ang pisikal na anyo ay dapat kitilin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang tinutulan ng kanyang mga
tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na…
a. Malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan
b. Kinatatakutan ang makapangyarihang sultan d. masipag at maipagmamalaki ang sultan
8. Ano ang tawag sa isang kataga na ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita at kahulugan?
a. Pang-angkop b pandiwa c. panlapi d. pantukoy
9. Sa salitang ‘pagtumibayin’, ano ang salitang-ugat nito?
a. Pag b. tibay c. tumibay d. -yin
10-13: Suriin kung paanong nagbago ang kahuugan ng mga salitang hango sa salitang ugat na lamig batay sa
panlaping ginamit sa bawat isa.
a. Giagawa ng tao o hayop para guminhawa ang pakiramdam lalo kapag mainit
b. Nagiging asal ng tao na nagpapakitang ayaw na sa isang relasyon
c. Taong madaling makaramdam ng lamig
d. Tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan
10. ‘Lamigin si Joanna kaya lagi siyang nagdadala ng jacket’.
11. Malamig sa Baguio kaya maraming tao ang nais bumisita doon.
12. Nagpapalamig ang mga usa sa batis
13. Nararamdaman ni Rico na nanlalamig na ang kanyang nobya sa tuwing sila ay magkasama..
14. Sino ang itinuturing na ama ng mga sinaunang pabula?
a. Aesop b. Phaedrus c. Planudes d. Socrates
15. Isa siyang manunulat ng koleksyon ng mga pabulang nasusulat sa wikang Griyego.
a. Aesop b. Babrius c. Marie De France d. Odon
16. Ano ang katangian ng pabula kung bakit nagiging kawili-wili ito sa mga batang mambabasa.
a. Gummagamit ito ng mga tauhang hayop na umaastang parang tao.
b. Nagpapahayag ito ng mga pangyayaring makatotohanan
c. Nagpapakita ito ng mga pangyayaring kaugnay sa tunay na buhay
d. Sumasalamin ito sa kulturang kinabibilangan ng mga mamamayan
17. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Anong katangian ang makikita kay
Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
a. Mahusay b. Mapagpakumbaba c. Masipag d. Matalino
18. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok. Ano kayang mensahe ang nais ipaabot ng
mga hayop kay Pilandok?
a. “Kawawa ka naman Pilandok” c. “Nakahanap ka rin ng katapat mo Pilandok”
b. “Ikaw pa rin ang idolo namain Pilandok” d. “Pnakamagaling ka pa rin, Pilandok”
19. Isang baboy-ramo ang nakatago sa malalabay na sanga. Ano ang kahulugan ng salitang nakadiin sa pangungusap?
a. Malago b. Malinis c. Mahaba d. Matibay
20-25: Tukuyin ang pinakaangkop na salitang nagpapahayag ng posibilidad sa loob ng pangungusap.
a. Baka b. Posible c. kaya d. Sa palagay ko
20. maganda ang suhestyong ‘yan lalo na kung marami ang magkakaisa.
21. makatutulong kung magkakaroon ng ngipin ang batas.
22. ipilit niya ang kanyang gusto.
23. Kayang lumago ang negosyo kahit kakarampot ang puhunan?
24. makabubuti na sa Maynila niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral?
25. ________naman ang bagay na iyan, basta may konkretong pagpaplano.
26. Ano ang tawag sa maliit na ibon na nauuri sa mga loro?
a. Balinsasayaw b. Kalapati c. Kulasisi d. Pipit
27. Tumutukoy sa pangkat ng mga tao, pamilya o angkang nagmula sa iisang ninuno.
a. barkada b. katropa c. lahi d. tribo
28. Tumutukoy sa isang uri ng matulis na patalim na magkabilaan ang talim.
a. balaraw b. kris c. espada d. palakol
29. Ang kasaganaan at kapangyarihan ni Tulalang ay natanyag hanggang sa malayong lugar. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang nakadiin?
a. narinig b. nakita c. napabantog d. natukoy
30. Ang pagbabalat-kayo ni Tulalang bilang alipin ay natuklasan ng hari ng Bagyo. Ano ang kahulugan ng salitang
nakadiin?
a. pagkukunwari b. pagtatago c. pagtatraydor d. pag-iwas
31. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na Epiko ng mga Ilokano?
a. Bantugan b. Hudhud c. Lam-ang d. Tulalang
32. Ito ay isang element ng maikling kuwento na tumutukoy sa lugar at panahon kung saan nangyari ang kuwento.
a. Banghay b. Tagpuan c. Tauhan d. Wakas
33. Ito ay banghay ng kuwento kung saan matatagpuan ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento.
a. Kakalasan b. kasukdulan c. Simula d. Wakas
34. Ito ay ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwentong maaaring masaya o malungkot.
a. Kakalasan b. kasukdulan c. Simula d. Wakas
35. Ito ay seremonya ng mga Muslim na katumbas o kahalintulad ng seremonya ng pagbibinyag ng mga kristyano.
a. Bawtismo b. Pagislam c. Panunuluyan d. Senakulo
36. Ito ang panahon o araw na isinasagawa ang paggugunting ng mga Muslim.
a. Ikapitong araw c. Ikapitong buwan
b. Ikapitong lingo d. ikapitong taon
37. Ang imam ay umanas ng maikling panalangin sa tainga ng sanggol. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakadiin?
a. bumulong b. nagdeklara c. sumambit d. nagsabi
38. Ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
a. pangatnig b. pandiwa c. pang-angkop d. pang-ukol
39. Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.
a. pangatnig b. pandiwa c. pang-angkop d. pang-ukol
40-43: Tukuyin ang pinakaangkop na pangatnig sa patlang sa bawat pangungusap.
a. Ngunit b. sapagkat c. kaya d. kapag
40. Nanalo siya sa paligsahan__________ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya.
41. Ginawa niya ang lahat___________iyon talaga ang nakatakda niyang mapanalunan.
42. Ginalingan niya ang pag-awit________siya ang napiling kumatawan sa kanilang seksyon.
43. Nangako siya sa kanyang sarili na gagawin ang lahat______nabigyang uli ng pagkakataon.
44. Ang palendag ay isang instrumenting pangmusikang tinutugtog na parang_______.
a. gitara b. piyano c. plawta d. tambol
45. Sa alamat ng Palendag, hindi natupad ng binata ang pangakong pagbabalik sa kasintahan dahil siya ay__________
a. Ikinasal sa ibang babae c. namatay habang naglalakbay
b. Natalo sa sinalihang labanan d. nakatagpo ng magandang kapalaran
46-50: Tukuyin sa bawat bilang ang salitang may kakaibang kahulugan.
46. a. nakalilikha b. nakagagawa c. nakabubuo d. nakabibili
47. a. inaliw b. nilibak c. pinasaya d. nilibang
48. a. dumalang b. dumalas c. parati d. palagi
49. a. nabigo b. nasawi c. nagtagumpay d. natalo
50. a. lihim b. tago c. bunyag d. sekreto
Inihanda ni:

MARVIN E. ASUNCION
Teacher III
Iwinasto ni:

NIÑO C. GUILLERMO
Principal I

SUSI SA PAGWAWASTO

1.B 26.C
2.D 27.D
3.C 28.A
4.B 29.C
5.B 30.A
6.A 31.C
7.B 32.B
8.A 33.B
9.B 34.D
10.C 35.B
11.D 36.A
12.A 37.A
13.B 38.C
14.A 39.D
15.A 40.B
16.A 41.A
17.B 42.C
18.C 43.D
19.A 44.C
20.D 45.A
21.D 46.D
22.A 47.B
23.B 48.A
24.C 49.C
25.B 50.C
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
BACNOR NATIONAL HIGH SCHOOL
50
Pangalan_______________________Seksyon______________Petsa________________ Puntos
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 7 (S.Y. 2022-2023)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o katanungan. Itiman ang bilog sa katapat na letra ng napiling kasagutan sa
iyong talasagutan.

PANUTO: Tukuyin ang konotatibong kahulugan ng mga salitang nakadiin kaugnay ng kaugaliang Pilipino.
1. Ang awiting-bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
a. material na kayamanan ng isang bayan c. kultura’t kaugalian ng isang bayan
b. pagdurusang dinanas ng isang bayan d. mga paniniwala at tradisyon ng isang bayan
2. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:
a. pangangaso c. paggawa ng bahay
b. pagsasaad ng pag-ibig d. paggaod ng Bangka
3. Ang Lawiswis Kawayan ay isang awiting-bayan na tungkol sa:
a. pagliligawan b. paghihirap c. pagluluksa d. pagpapatulog
4. Ang awiting sambotani ay isang awiting…
a. awit sa patay c. awit sa sama-samang paggawa
b. awit sa lansangan d. awit sa pagtatagumpay
5. Ipinahihiwatig ng awiting-bayang ito ang pakikidigma o pakikipaglaban…
a. soliranin b. maluway c. kumintang d. dalit

PANUTO: Kilalanin ang kaisipang nais iparating ng awiting-bayan ng mga Bisaya.


6. “Ili-ili tulog anay. Wala diri imong nanay.”
a. panghuhuli ng isda c. nag-iibigang magkalayo
b. pag-iibigan ng magkasintahan d. pagpapatulog ng bata
7. Ay, ay! Kalisud kalisud sang binayaan. Adlaw gab-i firmi kita guina tangisan.”
a. masakit ang mabigo sa pag-ibig c. ang pagluha ay isa sa katangian ng tao
b. masakit ang umasang maghintay d. mahirap sa kalooban ang magkalayo

PANUTO: Suriin ang antas ng wikang ginamit ng bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot sa kahon.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
8. Binigyan ako ng datung ng aking nanay pambili ng ulam.
9. Binigyan ko ng rosas ang aking kasintahan noong araw ng mga puso.
10. Hindi ako makakain ng maayos dahil busy ako sa paggawa ng assignment.
11. Ambot ko bas a ate ko kung bakit di siya pumayag.
12. Maraming bagets sa pistahan kagabi.
13. Pa’no kaya nawala ang kanyang pera?
14. Sasama sana ako sa lakad ng barkada kaso meron akong gagawin.
15. Ikaw ngarod ang maghugas ng plato at ako naman ang maglalaba.
16. Mahal na mahay niya ang kanyang maybahay dahil siya ay magaling magluto.
17. Sinita ako ng sikyo kanina dahil wala akong suot na ID.

PANUTO: Lahat ng salitang pagpipilian ay interpretasyon ng salitang nakadiin MALIBAN SA ISA. Piliin ang letra ng tamang sagot.
18. Nais kong mamasyal sa baybayin upang magpahangin.
a. dagat b. dalampasigan c. lawa d. karagatan
19. Maraming estranghero tuwing pista sa aming nayon.
a. bisita b. kamag-anak c. dayuhan d. panauhin
20. Humagulhol ng malakas ang kanyang ina nang malamang naglayas ang kanyang anak.
a. lumuha b. nalungkot c. humalinghing d. humikbi

PANUTO: Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit. Piliin ang letra ng tamang sagot sa kahon.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol
21. Pinakamahirap sa lahat ay ang ipahiya ka sa harap ng madaming tao.
22. Magsinghalaga ang pagkain at bahay sa buhay ng bawat tao.
23. Ang mabuting anak ay marunong sumunod sa payo ng magulang.
24. Ang tamang paggabay pa rin sa mga anak ay mas mainam kaysa sa pananakit ng bata.
25. Hari ng yabang si Bitoy sa lahat ng kilala ko.

PANUTO: Piliin ang mga salitang nakaayos batay sa tamang digri o antas ng kahulugan nito.
26. a. inis b. tampo c. galit d. galit
tampo galit inis tampo
galit inis tampo inis

27. a. namayagpag b. naghari c. namayagpag d. naghari


naghari namayagpag nangibabaw namayagpag
nangibabaw namayani naghari namayani
namayani nangibabaw namayani nangibabaw

PANUTO: Piliin ang angkop na pahayag na gagamitin upang maging mapanghikayat ang pangungusap.
28. __________ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang edukasyon ay makatutulong sa lahat.
a. naniniwala akong b. ito na c. tama d. siguradong
29. __________ ang edukasyon ay makatutulong sa lahat.
a. naniniwala akong b. ito na c. tama d. siguradong

PANUTO: Piliin ang mahahalagang detalye ng mga epikong binasa. Isulat ang letra ng tamang sagot.
30. Ang pagsangguni ni Labaw Donggon sa kanialng lola at pagsunod sa kanyang payo ay naglalarawan ng
a. paggalang at pagpapahalaga sa nakatatanda c. hindi marunong tumayo sa sariling mga paa
b. pagmamahal sa lola d. walang tiwala sa sariling kakayahan
31. Hinanap ng magkapatid na Baranugon at Asu Mangga ang kanilang ama kahit pa alam nilang ang dahilan ng pagkawala nito ay ang
pagkahumaling sa mga babae. Ang ginawang ito ng magkapatid ay naglalarawan ng . .
a. pagtulong sa nakakaawang kalagayan ng ama
b. pagmamalasakit sa kalagayan ng ama
c. matibay na samahan ng pamilya lalo na sa oras ng pangangailangan
d. pagkasabik ng magkapatid na makita ang kanilang padre de pamilya
32. Nagpatawag ang mag-asawang Alunsina at Datu Paubari ng isang pari upang magsagawa ng ritwal para sa kanilang mga sanggol. Anong
aspetong pangkultura ang inilalarawan nito?
a. matibay na pananalig o pananmpalataya sa lumikha
b. pagpapanatili sa mga kaugalian at tradisyong yaman ng lahing Pilipino
c. mahigpit na pagkakabuklod ng pamilya
d. pagpapahalaga sa biyaya ng Maykapal
33. Paano ipinakita ni Suklang Malayon ang kanyang pagtulong sa kanyang kapatid na si Alunsina upang maligtas sa kapahamakan?
a. tinulungan niya ang mag-asawa kahit alam niyang siya’y mapapahamak
b. sinabihan ang kapatid sa masamang balak ng kanyang mga dating manliligaw
c. itinakas ang kapatid sa kamay ng mga kaaway
d. pinatay ni Suklang Malayon ang mga dating manliligaw ni Alunsina
34. Ano ang ginawa ng magkapatid na Baranugon at Asu Mangga para matalo si Saragnayan?
a. Gamit ang kanilang anting-anting pinatay nila si Saragnayan.
b. Pinatay nila ang baboy-ramo na siyang kinatataguan ng hininga ni Saragnayan.
c. Sumangguni sila kay Abiang Alunsina upang alamin ang kahinaan ni Saragnayan.
d. gamit ang kanilang palaso, pinana nila ang ulo ni Saragnayan.

PANUTO: Tukuyin ang kahulugan ng mga Talinghagang ginamit sa akda


35. Halos liparin ng alitaptap ang daan patungo sa bahay ng gorilya.
a. hiyang-hiya b. mabilis c. sensitibo d. nagmamadali
36. Sinabihan niya ang alitaptap na huwag maging balat-sibuyas.
a. hiyang-hiya b. mabilis c. sensitibo d. nagmamadali
37. Natalo ang mga nilalang na may maiitim na budhi.
a. hiyang-hiya b. maramdamin c. masasama d. nagmamadali
38. Bahag ang buntot ng mga gorilya pagkatapos ng labanan.
a. hiyang-hiya b. maramdamin c. masasama d. nagmamadali

PANUTO: Batay sa kuwentong Si Pinkaw, suriin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
1. Nagkasakit ang mga anak ni Pinkaw dahil nakakain ng sirang pagkain mula sa tambakan.
2. Nagising ang kapitbahay na siyang tagapagsalaysay sa ingay ng mga batang sumusunod at nanunukso kay Pinkaw.
3. Namatay ang tatlong anak ni Pinkaw na siyang naging sanhi ng pagkawala ng kanyang katinuan.
4. Nanumbalik sa alaala at isinalaysay ng kapitbahay ang naging buhay ni Pinkaw bago ito nabaliw.
5. Paghahalukay ng basura ang naging hanapbuhay ni Pinkaw.
6. Sa kabila ng mahirap niyang buhay ay masaya pa rin si Pinkaw at nagsabing hindi niya iaasa ang buhay sa gobyerno.
7. Sinaway ng kapitbahay ang mga bata sa ginagawa nila kay Pinkaw.
8. Walang tumulong sa mag-iina kahit nakita na nilang naghihingalo na ang mga batang nasa kariton.

39. Alin sa mga sumusunod ang ikalima at ikapitong pangyayari?


a. 4 at 8 b. 4 at 3 c. 4 at 1 d. 1 at 8
40. Sa anong pangyayari ang simula at wakas ng kuwento?
a. 1 at 8 b. 1 at 3 c. 2 at 3 d. 6 at 8
41. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang suliranin at kasukdulan bahagi ng kuwento?
a. 1 at h8 b. 3 at 4 c. 5 at 1 d. 5 at 3
42. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?
a. 61235478 b.27456183 c.65418723 d. 27456138

PANUTO: Tukuyin kung anong elemento ng maikling kwento ang inilahad mula sa kuwentong Si Pinkaw.
43. At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay naming sa tambakan. Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay. Dito siya
nakakakuha ng makakain, magagamit o maipagbibili.
a. tagpuan b. suliranin c. tauhan d. simula
44. Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Pinkaw. Nagtungo siya sa suking Intsik. Nakiusap na pautangin siya. magpapahiram
naman daw ang Intsik ngunit sa isang kondisyon.
a. tunggalian b. kasukdulan c. suliranin d. simula
45. Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, bigla na lamang namilipit sa sakit ng tiyan ang mga bata. Natuliro si Pinkaw.
Nagsisigaw. Humingi ng tulong ngunit wala ni isang sumaklolo sa kanya.
a. tunggalian b. kasukdulan c. suliranin d. simula

PANUTO: Tukuyin ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin ayon sa gamit o kahulugan. Isulat ang letra ng sagot.

46. Anong uri ng tayutay kapag binigyang buhay ang mga bagay gamit ang katangian ng tao?
a. Simili b. metapora c. pagsasatao d. pagmamalabis
47. Ano ang tawag sa mga masisining na salita na siyang nagbibigay ng kariktan sa mga awitin?
a. tayutay b. idyoma c. matalinhagang salita d. makukulay na salita
48. Ang labis na paglalarawan sa kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy ay tinatawag na ______.
a. simili b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pagtawag
49. Ang tawag sa pagkakapare-pareho ng tunog sa hulihang pantig ng bawat taludtod ng tula ay ______.
a. sukat b. tunog d. tugma d. tugmang ganap
50. “O, naraniag a bulan, un-unnoy ko indengam”. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa awiting ito?
a. pagtutulad b. pagtawag c. hyperbole d. personipika

Inihanda ni:

MARVIN E. ASUNCION
Teacher III
Iwinasto ni:

NIÑO C. GUILLERMO
Principal I

SUSI SA PAGWAWASTO

1.B 26.C
2.D 27.D
3.C 28.A
4.B 29.C
5.B 30.A
6.A 31.C
7.B 32.B
8.A 33.B
9.B 34.D
10.C 35.B
11.D 36.A
12.A 37.A
13.B 38.C
14.A 39.D
15.A 40.B
16.A 41.A
17.B 42.C
18.C 43.D
19.A 44.C
20.D 45.A
21.D 46.D
22.A 47.B
23.B 48.A
24.C 49.C
25.B 50.C
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
BACNOR NATIONAL HIGH SCHOOL
50
Pangalan_______________________Seksyon______________Petsa________________ Puntos
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 7 (S.Y. 2022-2023)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o katanungan. Itiman ang bilog sa katapat na letra ng
napiling kasagutan sa iyong talasagutan.

1-5. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat ng mariin at pahilig sa pangungusap.

1. Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin sapagkat ito ay kaluluwa ng lahi natin.
a. ituro sa mga banyaga b. palakasin c. panatilihin d. paunlarin
2. Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na pagmamahal sa ating Inang-bayangamit ang mga
salitang kaysarap pakinggan.
a. dumadaloy b. naririnig c. namamayani d. sumisigaw
3. kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang gintong pamana sa atin ng ating
mga ninuno.
a. maipagmalaki b. maipalaganap c. malaman d. pahalagahan
4. Ang sariling wika ay isang lahi ay may taglay na aliw-iw at himig na kahali-halina.
a. bigkas b. kahulugan c. katangian d. hugis
5. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon sa himpapawid.
a. bilis ng paglipad ng ibon c. pagkampay ng pakpak ng lumilipad na ibon
b. matamis na huni ng mga ibon d. paglipad papaitaas ng ibon sa alapaap
6. Ito ay itinuturing na pinakamahalagang bagay na naimbento o nagawa ng tao sa mundo bilang
kasangkapan ng pagkakaunawaan.
a. cellphone b. kompyuter c. telegram d. wika
7. Sapagkat ito’y (wika) kaluluwang lumilipat mula sa henerasyon patungo sa iba. Tukuyin ang kahulugan
ng matalinghagang pahayag.
a. Ang wika, kagaya ng kaluluwa, ay maaaring maglakbay sa iba’t ibang lugar sa bansa at sa mundo.
b. Ang wika kagaya ng kaluluwa, ay buhay na maaaring ipamana sa susunod na mga salinlahi o
henerasyon kung ito ay patuloy na gagamitin.
c. Ang wika ay nagagamit na behikulo upang marating ang iba’t ibang pangyayari sa bawat henerasyon
at dako.
d. Ang wika ang tanging kasangkapan upang makamit an gating mga inaasam sa buhay at sa daigdig.
8-16. Tukuyin ang sagot sa mga bugtong.
8. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
a. kasuy b. langka c. manga d. pinya
9. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
a. alahas b. langka c. mais d. palay
10. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
a. bignay b. duhat c. sinigwelas d. ubas
11. Nung bata ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
a. malunggay b. sintas c. sinturon d. sitaw
12. Gumagapang pa ang ina, ang anak ay nakaupo na.
a. kalabasa b. kamote c. saging d. sayote
13. Maliit pa si totoy, marunong nang lumangoy
a. balyena b. isda c. palaka d. sirena
14. Nagtago si Pilo, nakalitaw ang ulo.
a. bote b. bubong c. pako d. sombrero
15. Isang prinsesa, napapalibutan ng espada.
a. kasuy b. langka c. ngipin d. pinya
16. Baboy ko sa Maypajo, nasa loo bang balahibo.
a. bulaklak b. manga c. sili d. talahib
17. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring
makapagpaiba ng kahulugan.
a. Diin b. Haba c. Hinto d.
Intonasyon
18. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
a. Diin b. Haba c. Hinto d.
Intonasyon
19. Ang ganda ng tula! Ano ang ipinahahayag na damdamin ng pangungusap?
a. nagdududa b. nagsasalaysay c. nagtatanong d. nagpapahayag
ng kasiyahan
20. Siya ay kaakit-akit. Ano ang ipinahahayag na damdamin ng pangungusap?
a. nagdududa b. nagsasalaysay c. nagtatanong d. nagpapahayag
ng kasiyahan
21. Ano ang tawag sa tirahan ng isang pamilyang Igorot?
a. af-fong b. am-ama c. ay-yeng d. fatek
22. Ano ang tawag sa bathala ng mga katutubong Igorot?
a. Bul-ol b. Kabunian c. Imam d. Yahweh
23. Isang uri ng alak na inihahanda sa mga pagdiriwang ng mga Igorot.
a. basi b. kiyag c. lufid d. tap-pey
24-26. Iayos ang mga salita ayon sa intensidad ng kahulugan nito. 1 para sa pinakamababaw na
kahulugan hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing kahulugan.
24. [1] humahagulgol [2] umiiyak [3]humihikbi
a. 321 b. 132 c. 123 d. 231
25. [1] sabi [2] bulong [3] sigaw
a. 213 b. 321 c. 132 d. 231
26. [1] kinabahan [2] nangamba [3] natakot
a. 321 b. 123 c. 213 d. 132
27. Ang matandang kuba sa gabi ng Caňao ay naging puno ng ginto. Ano ang sinisimbolo ng puno?
a. biyaya b. kaaway c. pangarap d. sumpa
28-32. Tuykuyin ang tiyak na layon ng teksto batay sa mensaheng isinasaad ng mga pahayag.
28. “ Sa ikatlong araw, isang kahoy ang magsusupling. Huwag ninyong gagalawin ang puno. Ang magiging
bunga lamang ang maaari ninyong pitasin”
a. nagbibigay-babala b. nangangaral c. naglalarawan d. nang-uuyam
29. “Ginto! Puno ng ginto!” Ang sigawan ay di magkamayaw—nangibabaw na sa awitan, sa tum-tum-tum
ng mga gangsa; samantala, pataas na nang pataas, palago na nang palago ang puno.
a. nagbibigay-payo b. naglalarawan c. nangangatwiran d. nagpapaalala
30. Sa kalooban ni Lifu-o ay naroon din ang piping panalangin. Bigyan mo, Dakilang Kabunian, ng
masagana at mahabang buhay ang mga nasa ato ng iling ito.
a. nagpapaalala b. nagbibigay-payo c. nagsusumamo d.
nangangatwiran
31. “takluban ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo ang caňao. Huwag ninyong
gagalawin ang pagkakataklob sa akin ng kawa.”
a. nagbibigay-papuri b. naglalarawan c. nangangaral d. nag-uutos
32. Iyon ay isang pagsubok. Dumating ang matandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. isa iyong
matandang kubang pipilay-pilay na lumipat sa nakatumbang lusong. Ngayo’y nakapangyayari na ang
kanyang katauhan.
a. nagbibigay-payo b. nangangatwiran c. nagsasalaysay d. nagtatanong
33. Sa alamat ng Bulkang mayon, sino ang dalagang tinukoy na kabigha-bighani?
a. Amaya b. Danaya c. Magayon d. Makiling
34. Isang magaling na mangangaso at malakas na pinuno ng Iriga, na nagpakita ng panliligaw kay Magayon
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga regalo sa ama ng dalaga.
a. Karilaya b. Panganoron c. Pagtuga d. Sulayman
35. Sa anong ilog iniligtas ni Panganoron si magayon mula sa pagkalunod?
a. Andes b. Mississipi c. Pasig d. Yawa
36. Sa mga elemento ng alamat, mito at kuwentong-bayan, dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan,
tagpuan at suliraning kahharapin.
a. kasukdulan c. Panimulang pangyayari
b. Papataas na pangyayari d. Pababang pangyayari
37. Sa mga elemento ng alamat, mito at kuwentong-bayan, ditto nagkakaroon ang kuwento ng isang
makabuluhang wakas.
a. kasukdulan c. Panimulang pangyayari
b. Papataas na pangyayari d. Resolusyon
38. Sa bahaging ito ng kuwento, pinananatili ang kawing-kawing na pangyayari.
a. gitna b. resolusyon c. simula d. wakas
39. Sino ang may-akda ng ‘Yumayapos ang takipsilim?’
a. Genoveva Edroza-matute b. Jose Rizal c. Luwalhati Bautista d. Efren Abueg
40. Ano ang sinisimbolo ng ‘takipsilim’ sa kuwento?
a. katandaan ng pangunahing tauhan c. madilim ang lugar na pinangyarihan ng kuwento
b. malabo na ang paningin ng pangunahing tauhan d. mahirap ang buhay ng mga tauhan sa
kuwento
41. Ano ang tawag sa isang tauhan sa kuwento na nagbabago ang katauhan sa kabuuan ng kuwento?
a. Tauhang bilog b. Tauhang haba c. Tauhang lantad d. Tauhang
lapad
42. Ano ang tawag sa isang tauhan sa kuwento na hindi nagbabago ang katauhan mula sa umpisa hanggang
sa matapos ang akda?
a. Tauhang bilog b. Tauhang haba c. Tauhang lantad d. Tauhang lapad
43. Dahan-dahang ipininid ng matanda ang pinto matapos niyang marinig ang pag-uusap ng magkapatid.
Ano ang kasalungat ng salitang nakadiin?
a. binuksan b. binitawan c. iniiwas d. isinara
44. Makupad na lumakad ang matanda papunta sa labas ng kanilang tahanan. Ano ang kahulugan ng
salitang nakadiin?
a. maamo b. mabagal c. mabilis d. mahina
45. Ito ay mga balitang tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa isang tiyak na bahagi ng bansa
(munisipyo, lungsod, lalawigan)
a. Pambansa b. Pandaigdig c. Pang-edukasyon d. Panlokal
46. Ito ay mga balitang tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa iba’t ibang bansa sa daigdig.
a. Pambansa b. Pandaigdig c. Pang-edukasyon d. Panlokal
47. Balitang tumatalakay sa mahahalagang pangyayari na may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan
ng bansa.
a. Pampalakasan b. Pampolitika c. Pangkabuhayan d. Panlibangan
48. Balitang tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radio,
pelikula, tanghalan at iba pa.
a. Pampalakasan b. Pampolitika c. Pangkabuhayan d. Panlibangan
49. Mga balitang tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.
a. Pambansa b. Pandaigdig c. Pang-edukasyon d. Panlokal
50. Balitang tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at kompetisyong
pampalakasan.
b. Pampalakasan b. Pampolitika c. Pangkabuhayan d. Panlibangan

Inihanda ni:

MARVIN E. ASUNCION
Teacher III
Iwinasto ni:

NIÑO C. GUILLERMO
Principal I

SUSI SA PAGWAWASTO

1. D
2. A
3. C
4. A
5. C
6. D
7. B
8. A
9. C
10. B
11. D
12. A
13. B
14. C
15. D
16. B
17. D
18. C
19. D
20. B
21. A
22. B
23. D
24. D
25. A
26. B
27. A
28. A
29. B
30. C
31. D
32. C
33. C
34. C
35. D
36. C
37. D
38. A
39. A
40. A
41. A
42. D
43. A
44. B
45. D
46. B
47. C
48. D
49. C
50. B

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division Office of Isabela
300510-BACNOR NATIONAL HIGH SCHOOL
Bacnor West, Burgos, Isabela
Pangalan_______________________Seksyon______________Petsa________________Puntos

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT 50


FILIPINO 7
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o katanungan. Itiman ang bilog sa katapat na letra ng napiling
kasagutan sa iyong talasagutan.

1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang Ibong Adarna?


a. Alamat b. Awit c. Korido d. Kuwentong Bayan
2. Kung ang isang akdang pampanitikan ay tinatawag na tulasinta, ito ay isang______________.
a. Ballad c. Metrical Romance
b. Elegy d. Teatrical Romance
3. Bakit mahalaga sa isang bayan o sa pamilya man ang pagkakaroon ng isang pinuno o amang
matuwid at makatarungan?
a. Upang magkaroon ng marangyang pamumuhay ang lahat ng kanyang nasasakupan
b. Upang mapanatili ang tuwid na batas kaayusan sa kanyang nasasakupan
c. Upang dumami ang miyembro ng kanyang nasasakupan
d. Upang maging kalugod-lugod sa iba
4. Matibay ang paniwala di hamak magpakababa,’ pag matapat ka sa nasa umaamo ang biyaya. Sa
aking palagay, ano ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito?
a. Upang ipaalam sa mga mambabasa na si Prinsipe Juan ay may malinis na hangarin
b. Upang ipaalam sa mambabasa ang mga susunod na mga pangyayari
c. Upang ipaalam sa mambabasa na si Don Pedro ang pinakamatapang
d. Upang ilahad ang mabubuting hangarin ni Don Diego
5. Ito ay tumutukoy sa isang uri ng tempo na dapat umawit o tumugtog nang dahan-dahan.
a. Andante b. Alto c. Meso-Soprano d. Tesatura
6. Ito ay tumutukoy sa isang manlalaban na may angking katapangan at karanasan. Sa madaling salita,
ito ay tinatawag na matapang na kawal.
a. Bayani b. Mandirigma c. Manggagawa d. Panginoon
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pagpapahalagang taglay ng korido na
magagamit na gabay sa mabisang pakikipagkapwa-tao?
a. Pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay
b. Pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos
c. Pag-iwas sa bisyo na makasisira sa kinabukasan
d. Pagtanaw ng utang na loob
8. Ito ay mga di karaniwang pangyayari, misteryo, katatakutan o kataka-takang pangyayari.
a. Drama b. Kababalaghan c. Panaginip d. Romansa
9. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Donya Veleriana.
a. Albanya b. Armenya c. Berbanya d. Krotona
10. Ano ang tawag sa punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.
a. Acacia Negra b. Blanca Negra c. Piedras Blanca d. Piedras Platas
11. Ano ang mensaheng taglay ng pagsalunga ng magkakapatid sa panganib para sa ama?
a. Naghahangad sila ng korona at salaping mamanahin sa magulang
b. Ikahihiya ng pamilya kung hindi sila kikilos para sa ama
c. Wagas ang kanilang pagmamahal sa magulang
d. Kagustuhang sumikat sa kaharian
12. Ano ang mensaheng taglay ng panalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran?
a. Malakas si Don Juan subalit nanghihina rin ang loob niya.
b. Nais ni Don Juan na magabayan siya sa misyon niya.
c. Mahina si Don Juan at takot susuungin niya
d. Sakim sa kapangyarihan si Don Juan
13. Ano ang bagay na hiningi ni don Juan sa ama bago siya umalis sa kaharian?
a. Bendisyon b. Pagkain c. Salapi d. Tubig
14. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibog adarna?
a. Nababaliw b. Nakakatulog b. Namamatay d. Nagiging bato
15. Don Juan : Tauhan / Berbanya : _____________
a. Kaharian b. Lugar c. Tagpuan d. Tunggalian
16. Ang sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.
a. Kanser b. Ketong c. Hika d. Epilepsy
17. Ano ang panaginip ng Haring Fernando na sanhi ng kanyang pagkakasakit?
a. Namatay si Don Juan c. Nasunog ang kaharian
b. Namatay si Donya Valeriana d. Nawala ang mga ari-arian
18. Ang tanging makapagpapagaling sa karamdaman ng hari ay ang __________ ng ibong adarna.
a. Awit b. Karne c. Ipot d. Sayaw
19. Bakit lubos na nakaapekto sa hari ang kanyang panaginip?
a. Lubos niya itong dinamdam c. May dalang sumpa ang panaginip
b. Matagal ang kanyang panaginip d. Pinagbawalan siyang uminom at kumain
20. Baon sa puso at dibdib ay Makita ang kapatid, magsama sa madlang sakit sa ngalan ng amang ibig.
Sino ang tinutukoy na Prinsipe na gustong makita ang kapatid sa saknong na ito?
a. Don Diego b. Don Juan c. Don Pedro d. Don Rodrigo
21. Noon niya napagmalas ang puno ng Piedras Platas daho’t sanga’y kumikintab ginto pati mga ugat.
Ano ang dahilan ng pagkamangha ni Don Diego sa saknong na ito?
a. Kumikinang ang kalangitan c. Nakita ang paparating na ibon
b. Kumikanang ang puno d. Nakita ang tagapangalaga ng puno
22. Mabatid : Malaman / Marilag :__________
a. Mabunyi b. Maganda c. Malaya d. Matagal
23. Sino sa tatlong magkakapatid ang nakahuli sa ibong adarna?
a. Don Diego b. Don Juan c. Don Pedro d. Don Tiburcio
24. Sa paglalakbay ni Don Juan, sino ang nakasalubong at nagbigay ng payo upang mahuli niya ang
Ibong Adarna?
a. Ermitanyo b. Kapatid c. Haring Fernando d. Mga kapatid
25. Anong tema ang maaaring mahinuha sa tatlong karakter na magkakapatid sa Ibong Adarna?
a. Pagbibigayan at pagmamahalan c. Pagtataksil at pagpapatawad
b. Pag-iibigan at pagtutulungan d. Pagtataksil at kabayanihan
26. Ito ang bundok kung saan matatagpuan ang puno ng Piedras Platas kung saan dumadapo ang Ibong
Adarna.
b. Arayat b. Banahaw c. Makiling d. Tabor
27. Sino ang huling pinahintulutan ni Haring Fernando na maglakbay upang hindi maisipang magtanan?
a. Don Juan b. Don Diego c. Don Pedro d. Don Tiburcio
28. Ano ang pinaniniwalaan ni Don Juan na magbibigay sa kanya ng mga biyaya?
a. Ibayong pag-iingat c. Tapat na layunin
b. Kasipagan at katalinuhan d. Sipag at determinasyon
29. Hindi niya alintana ang anumang gutom, pagod at hirap na dinaranas. Panay ang usal niya ng
panalangin sa Mahal na Birhen upang matagalan ang hirap. Anong binibigyang-diin sa bahaging
ito?
a. Katalinuhan b. Lakas c. Pananalig d. Tiyaga
30. Tinatanaw : Bintana / ___________: Daan
a. Binabalanse b. Iniiwasan c. Nilalapitan d. Tinatahak
31. Sa paglalakbay ni Prinsipe Juan, sino ang kanyang natagpuan?
a. Ermitanyo b. Leonora c. Maria d. Valeriana
32. Ano ang binigay ni Prinsipe Juan na kaisa-isa na niyang baon?
a. Alak b. Kanin c. Mansanas d. Tinapay
33. Anong aral ang maaaring mahinuha sa pagdating ng ermitanyo sa gitna ng paglalakbay ni Don Juan?
a. Sa panahon ng hirap at kagipitan, ipinaparaan ng Diyos ang kanyang pagpapala
b. Hindi tayo bibigyan ng Diyos ng suliraning hindi natin kakayanin
c. May tamang pagkakataon sa lahat ng bagay na ating ninanais
d. Matutong tumawag sa Panginoon sa oras ng kagipitan
34. . “Pitong awitna maganda, pito rin at iba’t iba sa balahibo’t itsurang Ilalabas ng Adarna.” Ano ang
nais ipahiwatig ng saknong?
a. Mabangis ang Adarna c. Nagpapalit-anyo ang Adarna
b. Nakatatakot ang Adarna d. Mapanlinlang ang Adarna
35. Anong katangian ang nakita ng Ermitanyo kay Prinsipe Juan upang tulungan ito?
a. Kabaitan b. Katalinuhan c. Kalakasan d. Kasipagan
36. Si Reyna Sima ay ang Reynang ___________.
a. masipag b. matapat c. taksil d. tuso
37. Ayon sa tinalakay na akda, ano ang dating tawag sa lalawigan ng Cotabato?
a. Kulang-Bato b. Kutang-Bato c. Kutang-Batuta d. Kutang-Batuhan
38. Sa mga aralin sa Ibong Adarna, ito ay binanggit na ang pinakamasarap at pinakamasakit na
damdaming maaaring maranasan ng tao.
a. Gutom b. Pag-ibig c. Paghanga d. Pag-asa
39. Saan ang nagging tagpuan ng pagsasamang muli ng magkakapatid na Don Juan, Don Diego at Don
Pedro?
a. Albanya b. Armenya c. Berbanya d. Inglatera
40. Ayon sa ermitanyo, anong bagay ang dapat gamitin ni Don Diego upang itali ang Ibong Adarna?
a. Gintong buhok c. Gintong Lubid
b. Gintong Sinulid d. SenteGintong Sintas
41. “Sa kauukilkil ni Don Pedro aynapilitan ding sumagot si Don Diego.” Ano ang ibig sabihin ng
salitang may salungguhit?
a. kadadaldal b. katatanong c. kapipilit d. kauulit
42. Nang matapos ang awit ng ibon, bumalikwas ang hari sa higaan at parang hindi nagkasakit. Ano ang
ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. bumangon b. bumisita c. nag-unat-unat d. dumapa
43. Namutla at nangamba ang magkapatid na nagkasala. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
a. nalibang b. namangha c. naiyak d. natakot
44. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kapangkat?
a. pagliyag b. pag-ibig c. pagmamahal d. pagsamo
45. “Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkupkop na bayaan mong matapos ang panata ko sa
Panginoon.” Ano ang katangian ng tauhang nagturan ng pahayag?
a. maka-Diyos b. malungkutin c. mahilig mapag-isa d. masunuring anak
46. “Kaya haring mahal, hindi man dapat sa kalakhan kung ito po’y kasalanan, patawad mo’y aking
hintay.” Ano ang katangian ng tauhang nagturan ng pahayag?
a. maawain b. mapagmhal c. mapagkumbaba d. maka-Diyos
47. “Kay Don Juan, ano kaya ang ginhawang mapapala? Ang mamatay sa pagluha at mabuhay na
kawawa.” -Don Pedro
a. Ipinahihiwatig ni Don Pedro kay Donya Leonora na tanging luha at pasakit ang kaniyang
mapapala kay Don Juan.
b. Ipinaliliwanag ni Don Juan kay Donya Leonora na limutin na si Don Juan sapagkat ang
hinihintay na prinsipe ay napahamak na.
c. Walang kuwentang tao si Don Juan kung kaya’t ang buhay niya sa kaniya ay magiging kawawa.
d. Ipinagmamalaki ni Haring Fernando ang anak na si Don Juan sa pagiging mahiyain at mababang
loob.
48. mahinhin, mayumi,______________
a. maganda b. marikit c. mabunyi d. matimtiman
49. dumarating, sumasapit, ______________
a. dumadalaw b. dumaratal c. lumalaya d. umaalis
50. “Ako po’y di sumusuway sa atas mo haring mahal ngunit hiling ko lamang po ay iliban ang kasal.” -
Donya Leonora
a. Hiniling ni Donya Leonora na huwag munang isagawa o idaos ang kasal dahil hindi niya talaga
mahal si Don Pedro.
b. Sinuway ni Donya Leonora ang utos ng hari na makasal kay Don Pedro.
c. Dahil sa matinding pagkamuhi ni Donya Leoora kay Don Pedro ay napilitan siyang suwayin ang
utos ng hari na maikasal sa prinsipe
d. Nagsinungaling ang magkapatid sa kanilang ama na hindi nila nakita ang kanilang kapatid.

Inihanda ni:
MARVIN E. ASUNCION Iwinasto ni:

NIǸO C. GUILLERMO
Principal I

Susi sa Pagwawasto
1.D 26.D
2.A 27.B
3.C 28.C
4.B 29.C
5.D 30.D
6.C 31.A
7.B 32.D
8.C 33.A
9.B 34.C
10.B 35.A
11.B 36.B
12.C 37.B
13.B 38.B
14.C 39.B
15.D 40.D
16.B 41.B
17.D 42.A
18.B 43.D
19.B 44.D
20.B 45.A
21.D 46.C
22.B 47.B
23.D 48.D
24.A 49.B
25.C 50.A

You might also like