You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng mga Paaralan ng Ilocos Norte
MATAAS NA PAARALAN NG BANBAN
Bangui, Ilocos Norte

Lagumang Pagsusulit
FILIPINO 8

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksyon: ____________Petsa: ________ Iskor: _________

Test I: MARAMING PAGPIPILIAN


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong o pahayag at piliin ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno. Sa iba, ito ay
parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral lalo na sa kabataan.

a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. bulong

2. Anong sangay ng panitikan ang nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat
kultura ng isang tribo?

a. epiko b. karunungang bayan c. tula d. sanaysay

3. Ano ang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan?

a. sanaysay b. tula c. epiko d. alamat

4. Tukuyin ang tamang kahulugan ng salitang nasalungguhitan.


Natigil ang pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan.

a. katahimikan b. kasiyahan c. sayawan d. handaan

5. Sobrang saya ko nang malaman ko na pinatawad na siya ng kanyang mga magulang.


Anong idyoma ang maaaring ipalit sa salitang sobrang saya?
a. nakalutang sa ulap
b. kusang palo
c. nakalutang sa hangin
d. nakalutang sa langit
6. Ang nasa ibaba ay halimbawa ng isang karunungang bayan na palaisipan.
May isang bola sa lamesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano makukuha ang bola ng hindi man lang
nagagalaw ang sombrero?

a. tatanggalin ang pagkakatakip nito


b. butas ang tuktok ng sombrero
c. sisirain ang sombrero
d. wala sa nabanggit
7. Alin sa mga pagpipilian ang naging bunga ng sitwasyon? Dahil sa inggit ng kanyang kapatid na si Haring
Madali,_______.

a. pinalayas niya si Bantugan sa Bumbaran


b. ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay Bantugan
c. pinapatay niya ang sariling kapatid
d. hindi dapat kausapin ng ilang taon ang kapatid

Diagnostic Examination 2022-2023


8. Lumayas si Prinsipe Bantugan at nangibang-bayan _________ sa matinding gutom, pagod at panghihina siya ay
binawian ng buhay.
a. upang b. bunga nito c. para d. dahil

9. Ang nakatulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa sa pagpasok ng dolyar ay _____ ang turismo.

a. Iba pa b. Isa c. Una d. Pati

10. Mula sa pangungusap na “Dahil sa modernisasyon, maraming mga kabataan ang napapariwara kaya higit kong
pinaniniwalaan na kailangan nila “. Ano ang ginamit angkop na salitang ginamit sa pagpapahayag ng palagay o
kaisipan?

a. dahil sa modernisasyon
b. higit kong pinaniniwalaan
c. na kailangan
d. maraming kabataan

11. Sa pagsasagawa ng bibliograpi ang dapat mauna ay ________.

a. Pamagat ng kanyang sinulat


b. Mga nalimbag
c. Pangalan ng Awtor
d. Lugar at taon ng pagkakalimbag

12. Sa pagsasaayos ng bibliograpi ang wastong ayos ng pangalan ng awtor ay:

a. Abad, Santos, Jose


b. Agoncillo, Teodoro
c. Rizal, Jose Protacio
d. Laurel, Jose Panganiban

13. “ Kung tatanawin ko sa malayong pook,


Tila ako’y nakadipang krus”

Anong uri ng tayutay ang ginamit sa saknong?

a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pagtawag

14. “Sa mga sanga ko ay nangakasabit,


Ang pugad ng ibon ng pag ibig”.

Ang saknong ay nagtataglay ng anong taludturan?

a. malaya b. blanko berso c. ganap d. di-ganap


b.
15. Ano ang pangunahing kaisipang makukuha sa “Ang tunog ng kampana tuwing orasyon ay nagpapahiwatig ng
taghoy”?

a. Sinasabing may dahilan kung bakit may kalungkutan sa buhay natin.


b. Ang tunog ng kampana ay sumasagisag ng paghihirap.
c. May oras sa buhay ng tao na makakaramdam tayo ng kalungkutan.
d. May mga tunog tulad ng tunog ng kampana na magpapaalala sa atin ng kahirapan.

Diagnostic Examination 2022-2023


16. Ang mga sumusunod ay halimbawa na nagsasaad ng pagsang-ayon, maliban sa

a. Mabuti ang ginagawa mong pagtulong sa iyong kapwa.


b. Hindi ko gusto ang sinabi mo kanina
c. Talagang maganda ang kapatid mong ito.
d. Pinayagan na ako ng nanay na magtrabaho

17. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahayag ng pagsalungat?

a. Mali ang mga sagot mo sa takdang-aralin.


b. Talagang maganda ang kapatid mong ito.
c. Maaaring mangyari ang sinasabi mo!
d. Gusto ko nang magsalita tungkol sa pagkawala ng iyong regalo.

18. Anong uri ng pakikipagtalasatasan ito na maaari rin na pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa isang pahayag o
opinyon?

a. Kabaliktaran
b. Katumbas
c. Pagsang-ayon
d. Pagsalungat

19. Paano ang tamang paggamit ng hudyat na pagsang-ayon sa pagpapahayag ng opinyon?

a. Sa aking palagay, mas makabubuti kung makipanayam tayo sa nakasaksi


b. Maayos naman siyang kausap, ngunit may mga sabi-sabi rin na may itinatago siya sa publiko.
c. Sa tingin ko, nagpapabango lamang ang mga politikong ito dahil malapit na naman ang eleksyon.
d. Wala sa nabanggit.

20. Suriin ang mga pagpipilian sa ibaba at tukuyin ang tamang paggamit ng hudyat na pagsalungat sa opinyon.

a. Hindi tayo magkasundo sa bagay na iyan dahil iba ang akin paniniwala.
b. Hindi ako naniniwala riyan at maaring tama ka.
c. Malamang ay sasang-ayon na lamang ako.
d. Lubos akong nananalig na tama ang akin opinion.

21. Ang pasalungat naman na mga salita ang nangangahulugan na ika’y mayroong pagtanggi sa paksa, o ideyang
inilalahad. Halimbawa nito ay

a. bilib ako sa iyong sinabi na


b. ganoon nga
c. kaisa mo ako sa bahaging
d. tayo ay hindi magkasundo

22. Suriin kung anong uri ng paglalahad ang ginamit sa pahayag.

Ang taong makabayan ay may katangiang kagaya ng sumusunod:


1. tumatangkilik sa sariling produkto
2.nagmamalaking at gumagamit ng sariling wika
3. iniisip at gumagawa para sa bayan

a. Pag-iisa-isa b. pagbibigay halimbawa c. pagsusuri d. sanhi at bunga

Diagnostic Examination 2022-2023


23. Tukuyin kung alin sa mga pagpipilian ang nagpapakita ng katangian ng isang paglalahad

a. Ang pagsasalaysay, pag-imbento ay katangian ng isang paglalahad.


b. Hindi na mahalaga ang pagpanig sa isang proposisyon kapag naglalahad.
c. Mas nagiging epektibo ang paglalahad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak at makatotohanang
halimbawa
d. Mahirap maikintal sa isip ng mambabasa o tagapakinig ang paglalahad sa pamamagitan ng epekto nito

24. Sa “Ang sarap pagmasdan ng dapit-hapon sa dalampasigan.” Ang denotibong kahulugan ng nasalungguhitang
salita ay

a. pagsikat ng-araw
b. liwanag sa kalangitan
c. madilim na paligid
d. papalubog na ang araw

25. Tukuyin ang kahulugan, pahiwatig at simbolo ng nakadiin na pahayag


“Makabubuti sa amin akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”

a. Maging marumi at mag-ulam ng asin


b. Makaranas ng matinding hirap at kakulangan sa buhay
c. Maghirap sa buhay at magtinda ng asin
d. Maging kaawa-awa.

26. ’´Magpundar ka ng iyong sariling negosyo,. Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong paa.’’Alin sa mga
pagpipilian ang tamang hinuha sa pahayag?

a. Tinuruan ng ama ang anak na matutong mag-isa at hindi ang umasa na lamang sa magulang.
b. Naging matatag siya sa pagpundar ng kanyang negosyo.
c. Nanatili siyang nakatindig sa sarili niyang mga paa habang itinatayo niya ang kanyang Negosyo
d. Magpatayo ng negosyo na walang utang.

27. Ano ang ginawa ni Julia upang maiwasan si Miguel?


a. nagkunwari na nasaktan
b. nagkunwaring nagkasakit
c. nagkunwaring masakit ang ulo
d. sinabihan niya ng kanyang totoong pakiramdam

28. Bakit sumigaw ng "Walang sugat!" si Miguel matapos na maikasal sina Tenyong at Julia?

a. Himalang gumaling ang sugat ni Tenyong


b. Agad na ginamot ang sugat ni Tenyong
c. Nagkunwari lamang si Tenyong na siya'y may sugat
d. Si Julia ang sagot sa paghihirap ni Tenyong

29. Sa palagay mo, tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman?

a. Oo, dahil ito ang makabubuti para kay Julia.


b. Oo, dahil mas magiging marangya at masaya si Julia kapag namuhay itong mayaman.
c. Hindi, dahil hindi magiging masaya si Julia sa taong hindi naman niya mahal.
d. Hindi, dahil maaring magpakatiwakal si Julia

Diagnostic Examination 2022-2023


30. Anong konsepto ng pananaw ang ginamit sa pahayag na
May balak silang maglunsad ng proyekto ___________ sa drug addiction.

a. ayon sa b. hinggil sa c. para sa d. ukol kay

31. Ang kinikita mula sa turismo ay ________ kapakanan ng bansa.

a. para sa b. ayon sa c. tungkol kay d. para kay

32. __________ maaari tayong bahain kung lagi tayong nagtatapon ng basura kung saan-saan at kung lagi tayong
magpuputol ng puno.

a. para sa akin b. sa aking palagay c. sa tingin ko ay d. pinaniniwalaan ko

33. ___________, ang kanin na nasasayang lang sa bawat araw sa Pilipinas ay umaabot sa P23- milyon!

a. batay sa b. pinaniniwalaan na c. ayon sa nakalap na datos d. ukol dito

34. Ako_ y naniniwala na ang lahat ng tao ay naghahangad ng kaunlaran.


Anong bantas ang nararapat na ilagay sa patlang?

a. ‘ b. “ c. ; d. )

35. “Kailangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok”. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?

a. nagagalit b. pangungutya c. nag-aalala d. natutuwa

36. Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya para tulungan tayong makaboto, kasi marunong siya.
Anong pantukoy ang ginamit sa pangungusap.

a. siya b. tayo c. tulungan d. si

37. Ano ang ipinapahiwatig o implikasyon ng pagkakakulong ni Balagtas ng dalawang beses.

a. Ang katarungan ay ibinibigay ng kusa.


b. Ang katarunungan ay ibinibigay ng patas.
c. Ang katarungan ay para lamang sa mga Pilipino.
d. Ang katarungan kung minsan ay nasa panig ng mga mayayaman.

38. Tukuyin ang kahulugan ng nakasalungguhit na matatalinghagang ekspresyon o tayutay sa ibaba.


Kung ginagawa mo ang aking sagisag,
dalawa mong mata’y nanalong ang perlas.

a. kapaligirang nagsasaad ng kalungkutan, pagkatalo at kawalang pag-asa


b. lumuluha ng labis-labis na dalamhati
c. mga matang maningning at masaya
d. nagpapakita ng walang Kalayaan

39. Ang paligid ng gubat ay kulay luksa at nakikiayon sa nakaliliyong masangsang na amoy. Ano ang nais ipahiwatig
ng nasalungguhitan?

a. Kakikitaan ng labis na takot at sakit sa katawan.


b. kapaligirang nagsasaad ng kalungkutan, pagkatalo at kawalang pag-asa
c. lumuluha ng labis-labis na dalamhati
Diagnostic Examination 2022-2023
d. mga matang maningning at masaya

40. Ang mgs sumusunod ay halimbawa ng salitang nanghihikayat na pagsang-ayon maliban sa

a. Galit si Adolfo kay Florante, siguradong malaki ang inggit niya sa binata.
b. Totoong mapagmahal na ama si Duke Briseo.
c. Mainam at matalino nga siyang doktor sa ating bayan subalit siya ay masamang tao ayon sa mga
lumalabas na ulat sa bayan.
d. Naniniwala akong mapagtatagumpayan ni Florante ang suliraning dumating sa kanyang buhay

41. Ang mga sumusunod ay ginagamit na hudyat ng pagsang-ayon maliban sa

a. bilib ako sa iyong sinabi ….


b. ganoon nga….
c. kaisa mo ako sa bahaging…..
d. Ayaw ko ang pahayag na……

42. Ang kaharian ng krotona’y nangangamba dahil napapalibutan sila ng mga kalaban. Ang pangungusap ay
punumpuno ng . . .

a. takot b. pag-asa c. pag-aalinlangan d. pananalig

43. Laging nakikipag-usap ng mahinahon ang Moro sa kanyang mga nakakasalamuha. Ang Moro ay nagpakita ng . . .

a. pagkabilib sa sarili
b. pagtatampo
c. pagiging mapagpakumbaba
d. pananalig

44. Hindi natiis na patawarin ni Florante si Laura sa kabila ng pinagdaanan nilang pagsubok. Si Florante ay
nakaramdam ng . . .

a. labis na pagkamuhi kay Laura


b. matinding pag-aalala para kay Laura
c. labis na pagmamahal kay Laura
d. matinding selos

45. Ano ang dapat gawin ng broadcaster upang mas lalong mahikayat ang mga tao na makinig?

a. Ayos lamang na sigawan ang mga tagapakinig lalo na kung galit ka.
b. Dapat masayang pagbati bago simulan ang programa at sa wakas kahit hindi na.
c. Salitang kalye ay angkop lamang na gamitin sa pagbrobroadcast.
d. Dapat buhay na buhay ang nagsasalita at may laman ang sinasabi.

46. Ang layunin ng mga istasyong ito ay upang ilahad ang mga impormasyon ukol sa mga inaalok o binebentang
produkto na naghihikayat sa mga nakikinig upang bumili.

a. Radyong Pangkomersiyo
b. Pangkomunidad na Radyo
c. Pampublikong Radyo
d. Radyo ng mga Estudyante

Diagnostic Examination 2022-2023


47. Ang mga sumusunod ay uri ng radio broadcasting, alin ang hindi kabilang?

a. Radyong Pangkomersiyo
b. Pangkomunidad na Radyo
c. Pampublikong Radyo
d. Pang-emosyonal na Radyo

48. Kadalasan ito ang nagiging pamamaraan ng mga namumuno sa bansa upang makapaghatid ng impormasyon sa
kanyang mga nasasakupan.

a. Radyong Pangkomersiyo
b. Pangkomunidad na Radyo
c. Pampublikong Radyo
d. Radyo ng mga Estudyante

49. Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na naka phone patch habang nagbo-broadcast ano ang
makabubuting gawin mo?

a. Sigawan mo siya upang malaman niyang galit ka.


b. Makipag-away sa kausap
c. Ipaliwanag ang tama at mali
d. Manatiling kalma at kung may komento ay dapat na maging mahinahon.

50. Bakit dapat ngumiti habang nagsasalita sa radio broadcasting?

a. upang kapag narinig ka ng iba’y tila nakangiti rin ang boses na naririnig
b. upang makita ng mga tagapakinig na ikaw ay masaya.
c. upang mahikayat ang mga tagapakinig
d. wala sa nabanggit

Inihanda ni : Itinama at Inaprubahan ni:

SHERYL ANN C. ANDRES MARITESS GLORIA A. SALEM


Guro I Punong-guro I

Diagnostic Examination 2022-2023


Diagnostic Examination 2022-2023

You might also like