You are on page 1of 4

PANIMULANG PAGTATAYA SA FILIPINO 8

Pangalan:_____________________Seksiyon:_______
Basahing mabuti at sagutin ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat ito sa patlang.
___1. Ang larawan ay halaw sa kuwentong nakapaloob sa isang epiko.
Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?
a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng
tao sa araw- araw na pamumuhay
b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na
pumapaksa kung paano malalampasan ang anumang
pakikipaglaban sa buhay
c. Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring
supernatural o kabayanihan ng isang nilalang.
d.Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa
daigdig at iba pa.
____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina . Ano ang
kapuna- puna sa pangyayari?
a. makatotohanan c. posibleng maganap
b. kapani-paniwala d. hindi kapani-paniwala
Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-7.

“ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang


aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawanan
ang mga kabataan. “ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin
naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-
sabay na nagtawanan ang mga kabataan.“

Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking


halaman. . Mula ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga
kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at
naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at
tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid
ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz.

Halaw sa Alamat ng Bubuyog

____ 3. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “ Ano man ang tibay


ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”?
a. pakikisama c. pagkakaisa
b. pagtitiis d. pakikipagkapwa
__ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang
bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa
inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di
inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral.
Ano ang iyong gagawin?
a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi
mahuli sa klase.
b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang
nangyari sa mag aaral.
c. Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para
mabigyan ng paunang lunas.
d. Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang
kanyang nasaksihan.
____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “
sa bagong henerasyon na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong
maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi .
Ano ang dapat mong gawin?
a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-
bayan ng ating panitikan.
b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper .
c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito .
d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video .
_____6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam
ng isang mas mabuting buhay para sa kaniyang mga minamahal.
Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa
pangungusap?
a. siya c. namatay
b. malayo d. pag-asam
_____7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan
ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang
tanghali?
a. palatuntunan c. pawisan
b. nagsipagdalo d. nag-umpisa
Basahin ang liham. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong blg. 8- 10.
1809 Herrera st. Poblacion
Lungsod ng Makati
Ika- 7 ng Disyembre, 2012

Mahal kong Kaibigan,

Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat


di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti
lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi
tuwing Pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang
pagdiriwang, mayroon pang iba’t ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon pa
man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang
akong mga mahal sa buhay. Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa araw
na iyon.
Hanggang sa muli.
_____8. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang
pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga

Ang iyong kaibigan,


Noreen
Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang
may salungguhit sa loob ng pangungusap?
a. naglalahad ng dahlia c. nagpapakita ng paghahambing
b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon
_____9. Ano ang tinutukoy ng salitang nakahilig sa loob ng liham?
a. lugar c. paraan
b. panahon d. pagsang-ayon
____10.” Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay
at sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal sa buhay .”
Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan?
a. Pasko c. sa bahay
b. b. mahal sa buhay d. tawagan
-------11. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang
dalagang nahulog sa dagat?
a. duplo c. pamanhikan
b. karagatan d. Huego de Prenda
-------12. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang
palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sinomang nahatulang
parusahan?
a. Balagtasan c. karagatan
b. Batutian d. duplo
____13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong
pahayag?
a. sumakabilang buhay para sa namatay
b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa
c. buto’t balat para sa payat
d. papatay-patay para sa hipong tulog
_____14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling
nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman
ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang
mahalagang paksa o isyu.
a. tula c. dula
b. sanaysay d. maikling kuwento
____ 15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay –
suporta sa pangunahing ideya?
a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b. madalas na itinatanong sa pagsusulit
c. nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye
d. susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing
ideya
____16. Paano mo malalaman na isang haiku ang tula?
a. may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5
o 5-5-7 o 7-5-5
b. may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4
o 5-5-8 o 8-4-6
c. may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4
o 8-2-2 o 2-8-2
d. may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5
o 4-5-5 o 5-5-4
____17. Ano ang ikinaiba ng tanaga sa haiku?
a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig
b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong
c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong
_____18. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
a. may ina, ama, at mga anak
b. may masaganang pamumuhay
c. nakatira sa maayos na bahay
d. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.
_____19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang
huwarang pamilya?
a. may kapanagutan sa anumang gawain
b. magiging sikat na mamamayan.
c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
d. magkakaroon ng disiplinang pansarili
_____20. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos
akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng
kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya,sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay,
paghikbi…” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan
b. isang sanggol sa piling ng isang ina
c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. binabalikan ang mga pangyayari

You might also like