You are on page 1of 2

PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

PANGALAN:____________________________________________ BAITANG AT PANGKAT:_______ PETSA:____________

I. Tukuyin at bilugan ang konotatibong kahulugan ng mga salitang nakadiin kaugnay ng nakaugalian nating mga Pilipino.
1. Ang kulay itim ay karaniwang naiuugnay sa:
a. pagluluksa at kalungkutan b. pag-ibig at pagkabigo c. paghihirap at gutom d. giyera at kalungkutan
2. Ang oyayi ay kaugnay ng:
a. Bangka, pamingwit, at isda b. walis, bunot, at basahan c. ina, hele, at sanggol d. rosas, gitara, at pag-ibig
3. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:
a. pangangaso b. panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig c. paggawa ng mga gawaing-bahay d. paggaod ng Bangka
4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
a. pagiging mapamahiin b. pagiging masipag c. pagiging masayahin d. pagiging matampuhin
5. Ang awiting-bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
a. material na kayamanan ng isang bayan c. kultura’t kaugalian ng isang bayan
b. pagdurusang dinanas ng isang bayan d. politika ng isang bayan

II. Suriin ang barayti ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang naganap sa isang family reunion. Kilalanin at isulat sa
patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin, o pormal.
_________________1. Lola: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdulot sa akin ng
kaligayahan.(Maluha-luha habang nagsasalita)
_________________2. Jean: Uy, si Lola, emote na emote…
_________________3. Lito: Hayaan mo nga siya, Jean. Moment niya eto eh.
_________________4. Tita Lee: O sige, kaon na mga bata… Tayo’y magdasal na muna.
_________________5. Ding: Wow! Ito ang chibog !!! Ang daming putahe…
_________________6. Kris: Oh, so dami.Sira na naman my diet here.
_________________7. Nanay: Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod naming sa paghahanda.
_________________8. Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong kano. Dumating siya para makilala kayong lahat.
_________________9. Tito Mando: Naku, nag-aamoy bawang na. kalian ba naman ng pag-iisang dibdib?
_________________10. Lolo: Basta lagging tatandaan, mga apo, ang apg-aasawa’y hindi parang kaning isusubo na maaaring
iluwa kapag napaso.

III. Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit. Gamitin ang titik L kung ang kaantasan ng pang-uri ay
lantay, PT kung ito ay pahambing na patulad, PL kung pahambing na palamang, o PS kung ito ay pasukdol.
____ 1. Huwag kang lumapit sa mabangis na hayop sa kulungan.
____ 2. Napakalakas ng palakpak ng mga tagapanood ng cheerdance.
____ 3. Simbilis ng hangin ang pagkalat ng tsismis sa bayan namin.
____ 4. Ang manggagawa ay pagod na pagod dahil sa walang tigil na pagtatrabaho.
____ 5. Ang mabubuting asal at pagpapahalaga ay dapat ipakita natin sa mga kabataan.
____ 6. Di-masyadong maanghang ang laing na ito kung ihahambing sa laing na luto ni Ate Rosita.
____ 7. Sinong bayani ang mas dakila para sa iyo, si Rizal o si Bonifacio?
____ 8. Natutuhan namin ang wastong pagbigkas ng mga salita.
____ 9. Mukhang antok pa ang bata kaya hayaan mo na matulog muna siya sa sopa.
____ 10. Ang suliranin ni Ben ay lubhang masalimuot kaysa suliranin ni Mario.

IV.Suriin at piliin mula sa kahon ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.

a. nakatindig b. nagsilang c. palaso d. sumangguni e. suyuin

_____1. Ang dalawang asawa ni Labaw Donggon ay kapwa nanganak ng mga sanggol na lalaki.
_____2. Ang magkapatid ay nakatayo agad kahit mga sanggol pa lang.
_____3. Bumalik si Baranugon sa kanilang lola para humingi ng payo tungkol sa kanilang problema.
_____4. Nagpunta si Labaw Donggon sa bayan ng Handug para ligawan ang magandang dalagang si Angoy Ginbitinan.
_____5. Gamit ang pana ay natalo ng magkapatid ang lalaking nagkulong sa kanilang ama.

V. Ilahad ang tamang pagkakasunod-sunodng pagluluto ng La Paz Batchoy sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bilang 1
hanggang 6 sa patlang. Salungguhitan ang mga salitang nagsasaad ng pagkakasunod-sunod.
_____ At siyempre, ihain at kainin habang mainit.
_____ Huling ilagay ang atay ng baboy at hayaang kumulo bago ilagay ang sili.
_____ Ikalawa, lagyan ng patis at pamintang buo at isangkutsa nang isang minute.
_____ Ikatlo, maglagay ng gustong dami ng sabaw. Takpan at hayaang kumulo upang lumambot ang karne.
_____ Sunod na ilagay ang sayote at miswa. Haluin at saka timplahan ng asin ayon sa panlasa.
_____Una, igisa ang bawang, sibuyas, at luya. Isunod ang hiniwa-hiwang karne at halo-haluin.

VI. Tukuyin kung katotohanan o opinyon ang mga pahayag ayon sa binasa. Isulat sa patlang ang K kung katotohanan at ang
O kung opinyon lamang ito.
_____ 1. Paghahalukay ng mga basura sa tambakan ang hanap-buhay ni Pinkaw.
_____ 2. Ipinakita ni Pinkaw ang pagiging mabuting ina sa kabila ng kanyang kahirapan.
_____ 3. Karamihan sa mga nakatira sa tambakan ay masisipag at mabubuti.
_____ 4. Talagang wala nang nagmamalasakit sa mga taong mahihirap at nakatira sa mga tambakan.
_____5. Namatay ang mga anak ni Pinkaw dahil hindi agad nalapatan ng lunas ang kanilang karamdaman.

VII. Tukuyin at salungguhitan ang mga salitang ginamit sa pagsasalaysay o pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.

Noong unang panahon, may isang maralitang mag-iinang nakatira sa tambakan. Isang araw, nagkasakit ang mga
bata dahil nakakain sila ng pagkaing sira na napulot ng ina sa tambakan. Dali-daling naghanap ang ina ng makatutulong sa
kanila. Nagkataong naroon si Donato, ang kapitbahay na nagmamalasakit sa pamilya. Maya-maya pa’y isinugod ang mga
bata sa pinakamalapit na pagamutan. Hindi nagtagal at ligtas na inuwi ang mga bata. Salamat sa maagap na pagtulong ng
isang mabuting kapitbahay.

VIII. Punan ng angkop na salitang ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari upang mabuo ang diwa ng pagsasalaysay
sa ibaba.

hindi nagtagal agad dahil isang araw maya-maya

______________ sumakay ng kanyang motorsiklo si Rodrigo papunta sa kanyang trabaho. _____________


bumangga ang kanyang motor sa isang puno kaya’t bumagsak siya at nawalan ng malay. _____________ ay dumaan ang
isang taong staff pala ng barangay nan aka-off duty. _______________ siyang dinala ng taong ito sa pagamutan kahit pa
hindi naman siya kilala nito. _______________ sa isang nagmamalasakit na estranghero siya ay nailigtas. Utang niya ang
buhay sa makabagong mabuting Samaritano.

IX. Hanapin mula sa mga pahayag sa hanay B ang maaring maging bunga ng mga pangyayari sa hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
A d. Nalaman o kumalat sa ibang mga hayop sa gubat ang
_______ 1. Nakita ni Amomongo si Ipot-Ipot na tahimik kuwento tungkol sa pagiging duwag ni Ipot-Ipot.
na lumilipad dala-dala ang kanyang ilawan. e. Pinuntahan ni Ipot-Ipot si Amomongo sa bahay nito at
_______ 2. Sinabi ni Amomongo sa mga kaibigang unggoy sinabihang magkita sila sa plasa upang mapatunayang di
na duwag at takot sa lamok si Ipot-Ipot. siya duwag.
_______ 3. Nakarating sa kaalaman ni Ipot-Ipot ang
ipinamamalita ni Amomongo tungkol sa
kanya.
_______ 4. Pinalo ng mga gorilya si Ipot-Ipot habang
nakadapo sa ilong ni Amomongo.
_______ 5. Nagpalipat-lipat si Ipot-Ipot sa ilong ng iba
pang mga gorilya.

B
a. Isa-isang bumagsak sa lupa ang mga gorilya nang
tamaan ng pamalo.
b. Mabilis na nakailag si Ipot-Ipot kaya’t si Amomongo ang
tinamaan at bumagsak sa lupa.
c. Pinagsabihan siya ni Amomongo na duwag nang
malaman kung bakit dala-dala niya ang kanyang ilawan.

You might also like