Professional Documents
Culture Documents
PANGKAALAMAN:
1. Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan.
A. morpema B. salitang – ugat C. ponema D. pantig
2. Tulang mula Hapon na binubuo ng 31 na pantig.
A. Ambahan B. Tanaga C. Haiku D. Tanka
3. Kailan naisulat ang Tanka sa kasaysayan ng panitikang Hapon?
A. Ika-13 Siglo B. Ikawalong siglo C. Ika-15 siglo D. Ikasiyam na siglo
4. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon.
A. Paglipas ng panahon C. Mainit na ang panahon.
B. Malapit na ang taglamig. D. Nalanta na ang Cherry Blossoms.
5. Ano ang tawag sa sinaunang tula ng mga Pilipino na binubuo ng tigpipitong pantig sa bawat
taludtod?
A. Tanaga B. haiku C. Tanka D. Soneto
6. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan
upang ___________.
A. mas maging malakas ang ating tinig sa pagbigkas.
B. maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat.
C. maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid
D. maipaabot sa kausap ang tumapak na mensahe at damdamin.
PANG-UNAWA:
Panuto: A. Suriing mabuti ang mga sumusunod na aytem. Isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na
pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.
B. Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Gamitin ang bilang 1 sa
mababa; bilang 2 sa katamtaman ; at bilang 3 sa mataas.
Magsimula Rito:
C. Ipakita ang wastong Antala/ Hinto sa pagbigkas ng mga sumusunod na pahayag ayon sa
isinasaad na kahulugan nito. Gumamit ng guhit na pahilis o kuwit para maipakita ito.