You are on page 1of 2

KINGSWAY CHRISTIAN ACADEMY

Quezon Street, San Nicholas, Bayombong, Nueva Vizcaya


www.kingsway.edu.ph

LAGUMANG PAGSUSULIT
FILIPINO 9
(19-20 Oktubre 2020)

PANGALAN: PUNTOS:

I. Maramihang Pagpipili
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ang balangkas ng inihandang mga katwiran at kilala din ito bilang pinaikling pakikipagdebate.
a. Pagtatanong b. Pangangalap ng Datos c. Ang Dagli d. Panunuligsa

2. Mga katotohanang gagamitin sa pagmamatuwid at kinukuha ang mga ito sa mga napapanahong sanggunian.
a. Pagtatanong b. Pangangalap ng Datos c. Ang Dagli d. Panunuligsa

3. Tawag sa mga kataag/salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.


a. Pang-angkop b. Pang-ukol c. Pangatnig d. Panghalip

4. Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan at iba pang salita sa pangungusap.


a. Pang-angkop b. Pang-ukol c. Pangatnig d. Panghalip

5. Anong uri ng akdang Pampanitikan ang akdang “Makapaghihintay ang Amerika”?


a. Sanaysay b. Maikling Kuwento c. Tula d. Dula

6. Uri ng akdang pampanitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo.


a. dula b. nobela c. maikling kuwento d. sanaysay

7. Ito ang kuwentong nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari.


a. katatawanan b. pag-ibig c. makabanghay d. tauhan

8. Ito ay pagpapahayag na ang pangunahing layunin ay magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan.


a. pangangatwiran b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. paglalahad

9. Sining ng panggagaya o pag-iimita ng kalikasan sa buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing salamin sa
buhay.
a. dula b. karilyo c. imitasyon d. telebisyon

10. Taglay ng tulang ito ang paksa tungkol sa buhay sa kabukiran sa kagandahang-asal ng mga magsasaka.
a. pastoral b. katatawananc. pag-ibig d. kababalaghan

II. Pagpapaliwanag
Panuto: Ipaliwanag nang buong kahusayan ang mga pahayag sa bawat bilang. Ang bawat bilang ay may
kalakip na limang puntos.

1. Ipaliwanag ang isang saknong mula sa tulang “Puting Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan”.

Sa mga pangyayaring walang katiyakan,


Kung saan ang tao’y naghihinala’t tuwina’y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan
Sa kanyang puting pakpak na hanap ay kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo’y patuloy na pumapailanlang.
2. Paano makakamtam sa buhay at maging sa bansa o buong mundo ang tunay na kapayapaan? Ano ang
naidudulot ng isang mapayapang lugar o kalooban sa buhay ng tao?

3. Bilang isang kabataaan na kadalasang lapitin ng mga bisyo at tukso, paano mo maiwawaksi sa buhay mo ang
tatlong mukha ng kasamaan – ang kasakiman, galit, at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan?

4. Sa binasa nating akda sa unang aralin “Tahanan ng Isang Sugarol”, Sa papaanong paraan maaaring mahinto
ang pang-aabuso sa kababaihan sa loob ng tahanan o domestic violence? Bakit dapat mahinto ang ganitong uri
ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan?

You might also like