You are on page 1of 3

SENIOR HIGH SCHOOL-CORE SUBJECT

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

FOR NAT REVIEW

Pangalan: ______________________________________aon&Seksyon: __________ Iskor: _________


I.Panuto:Basahin at Unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
sa unahan ng bawat bilang.

_______ 1. Ang salitang language ay galing sa salitang latin na lingua na ang ibigsabihin ay _________.
a. Dila b. Bibig c. Tunog d. Salita
_______ 2. Ang bokabularyong Cebuano-Cagayan na tsada ay may katulad ang kahulugan nito sa
Cebuano-Iligan na ________.
a. Gwapa b. Nindot c. Maayo d. Gwapo
_______ 3. Teorya ng Wika na nagsasabing ang wika ay nagsisimula sa panggagaya ng kalikasan.
a. Yo-ye-ho b. Ding-dong c. Pooh-pooh d. Bow-wow
_______ 4. ________ ang barayti ng wika na ginagamit base sa propesyon o larangang kinabibilangan ng
ng isang tao.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Rehistro
_______ 5. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa.
a.Bilingguwalismo b. Multilingguwalismo c. Mononglingguwalismo d. wala sa nabanggit
_______ 6. _________ ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Rehistro
_______ 7. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.
a. Unang Wika b. Pangalawang Wika c. Bisaya d. Tagalog
_______ 8. Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang _______ na nagtadhana na ang lahat ng gusali,
edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
a. Kautusang Tagapangulo blg. 96 c.Kautusang Pangkagawaran blg.7
b. Kautusang Tagapangulo blg.81 d. Proklamasyon blg.186
_______ 9. Sa panahonng ito mas sumidhi ang damdamin Nasyonalismo ng mga Pilipino.
a. Rebolusyong Pilipino b. Katutubo c. Amerikano d. Moderno
_______ 10. Sa panahong ito, ipinagbabawal ang paggamit ng lahat ng mga aklat at peryodiko ukol sa
Amerika.
a. Hapones b. Kastila c. Katutubo d. Pagsasarili
_______ 11. Gamit ang wika na nagsisilbing daan para maganap ang mga bagay-bagay sa paligid.
a. Instrumental b. Regulatori c.Representasyunal d. Interaksyunal
_______ 12. Ang pakikipanayam at pananaliksik ay halimbawa ng tungkuling _______.
a. Imahenatibo b. Heuristiko c. Impormatibo d. Personal
_______ 13. Ito ay gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap na maaaring maging
kasangkot ang sarili at iba pa.
a. Regulatori b. Instrumental c. Interaksyunal d. Representasyunal
_______ 14. Wikang ginagamit sa loob ng tahanan.
a. Idyolek b. Sosyolek c. Ekolek d. Etnolek
_______ 15. Sinasabing walang pormal na istruktura ang wikang ito.
a.Pidgin b. Creole c. Register d. Sosyolek
_______ 16. Nabubuo ito dala ng malayang talakayang panlipunan mula sa tiyak na pangkat ng tao.
a. Sosyolek b. Register c. Dayalek c. Ekolek
_______ 17. Noong 1937, Ito ang nagpasya na ang wikanf Pambansa ay ibabatay sa wikang Tagalog.
a. National Translation Program c. Sanggunian sa Wikang Filipino (SANGFIL)
b. Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) d. Institute of National Language
_______ 18. Ayon sa Saligang Batas, (1987), ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging ______.
a. Filipino b. Pilipino c. Pilifino d. Tagalog
_______ 19. Sa kasalukuyan,ang wikang opisyal ng Pilipinas ay ____________.
a. Ingles at Pilipino b. Ingles at Filipino c. Ingles at Tagalog d. Ingles,Kastila at Filipino
_______ 20. Nagkaroon ng unang pormal na hakbangin upang ang Pilipinas ay magkaroon ng Wikang
Pambansa noong.
a. 1935 b. 1945 c. 1955 d. 1987
_______ 21. Noong 1959, nilinaw ng Kagawaran ng Edukasyon ng kalian ma’t tutukuyin ang Wikang
Pambansa,ito ay tatawaging _______.
a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino d. Pilifino
_______ 22. Sinumulang ituro ang Wikang Pambansa sa paaralan noong _____________.
a. 1935 b. 1937 c. 1940 d. 1941
________ 23. Ang proklamasyong ito ay nagsasaad na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay mula
Marso 29 hanggang Abril 4.
a. Proklamasyon blg.12 c.Proklamasyon blg.186
b. b. Proklamasyon blg. 7 d.Proklamasyon blg. 133
________ 24. Sa paggamit ng wikang Filipino at English o mas kilala sa tawag na ______ sa mga
pelikulang the Hows of us at Hello lLove Goodbye na may Ingles na pamagat ay isang patunay
na ang wikang Filipino ay buhay.
a. Taglish b. Filipino c. Lingua Franca d. English
_______ 25. Kung ang Wikang Ingles ay ginagamit sa mga broadsheet ang wikang Filipino naman ay ___.
a. Tabloid b. Social Media c. Diyaryo d. Magazine
_______ 26. Sa mga Korea Nobela, mas lalong maiintindahan ito dahil sa paggamit ng wikang Filipino
gamit ang ______kadalasan makikita sa ibaba ng screen ng telebisyon.
a. Dubbing b. Pagsasalin c. Subtitle d. Translator
_______ 27. Ang paglathala ng opinion na ito sa facebook ay isang paraan para maipakita ang totoong
kahulugan ng malayang Pilipino. Ito ayk arapatan sa _______.
a. Edukasyon b. Pantao c. Pagboto d. Malayang pagpapahayag
_______ 28. Ang Fb at Twitter ay mga halimbawa ng __________.
a. Social Media b. Internet c. Application or Apps d. Online Games
______ 29. Kung ang katinig ay halimbawa ng segmental,alin naman sa mga sumusunod ang halimbawa
ng suprasegmental?
a. Patinig b. Tunog c. Panghalip d. Intonasyon
_______ 30. Sa sector ng kalakalan sa Pilipinas, ang mga ________ o Business Process Outsourcing o
BPO ay mga kumpanyang pinamumuhunan ng mga dayuhan.
a. Processing Zone b. Trading c. Call Center d. Export
_______ 31. Ang pagpapalit-palit ng Ingles at at Filipino sa pagpapahayag sa social media ay mas kilala
sa tawag na _______.
a. Alternating b. Code Switching c. Twisting d. Changing
_______ 32. Ang pinaka-unag patalastas ng cellphone sa telebisyon ay ang pagpapalitan ng mga
mensahe ng dalawang pipi na kilala ngayon sa tawag na _______.
a. Fliptop b. Hugot Lines c. Pick-up Lines d. SMS
_______ 33. Sa Job interview, ang pagdating ng maaga ay nangangahulugang may disiplina ang nag-
aaply.Ito ay ang pag-aaral na tumutukoy sa oras kung paano nakaapekto sa kominikasyon.
a. Proxemics b. Oculesics c. Vocalic d. Chronemics
_______ 34. Sinasabing ang pagtingin ng diretso sa mata ng kausap ay isang paraan upang malaman ang
Katapatan ng kausap, ito ay pag-aaral ng galaw ng mata o ________.
a. Proxemics b. Oculesics c. Vocalic d.Chronemics
_______ 35. Ang pagtingin sa mukha ng kausap ay nagpapakita ng paggalang,ito ay isang pag-aaral na__.
a. Chronemics b. Vocalic c. Kinesics d. Pictics
_______ 36. Ang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo ay tinatawag na __________.
a. Proxemics b. Pictics c. Chronemics d. Kinesics
_______ 37. Sa mga sumusunod na salitang lesson plan, essay, at test paper, ang propesyon ng taong
tinutukoy ay _______.
a. Guro b. Abogado c. Doktor d. Engineer
_______ 38. Ang nakasulat sa isang patalastas ay mga salitang x-ray,blood test,ito ay nagsasaad na ang
taong nagpalagay nito ay isang ________.
a. Engineer b. Guro c. Abogado d. Engineer
________ 39. Si G. Tan ay may hawak na mga dokumento na naglalaman ng mga salitang debit,account
at cash flow kasi siya ay isang _______.
a. Fashion Designer b. Chef c. Accountant d. Blogger
_______ 40. Kilalang mga tao sina Michael Cinco at Rajo laurel sa mga runaway shows, sila ay
tinaguriang ________.
a. Chef b. Fashion Designer c. Blogger d. Accountant

Inihanda ni :

APRIL LECTOR-ECHIVERRI
SUSI NG SAGOT

1.A
2.B
3.B
4.D
5.C
6.A
7.A
8.A
9.A
10.A
11.A
12.B
13.A
14.B
15.A
16.C
17.B
18.A
19.A
20.B
21.B
22.D
23.C
24.A
25.A
26.C
27.D
28.A
29.D
30.C
31.B
32.D
33.D
34.B
35.D
36.A
37.A
38.D
39.C
40.B

You might also like