You are on page 1of 3

DITO NA PO KAYO MISMO SUMAGOT 😊

PANGWAKAS NA PAGTATAYA SA FILIPINO 8


Pangalan: ___________________________ Iskor: ____________
Baitang at Seksyon: ___________________ Petsa: ____________
Maramihang Pamimilian. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng iyong
kasagutan at isulat ito sa patlang.
_____1. Ito ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang makasakit ng
damdamin.
a. eupemismo b. hyperbole c. metapora d. personipikasyon
_____2. Ang eupemismo ay gumagamit ng _________ para di-tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na
nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
a. mabilis na salita b. mahirap na salita c. malalim na salita d. matalinghagang salita
_____3. Sa halip na sabihing “namatay”, gamitin ang ________________.
a. nagpantay ang paa b. sumakabilang buhay c. sumakabilang bahay d. a at b
_____4. Siya ay isang maamong kordero. Ito ay nangangahulugang ___________
a. Siya ay amo. b. Siya ay maawain c. Siya ay mabait na tao d. Siya ay tagapagbantay.
_____5. Ang dalagang anak ni Aling Sara ay di-makabasag pinggan, ang pahayag na ito ay
nangangahulugang
_____________.
a. Ang dalaga ay maalaga. b. Ang dalaga ay mahinhin.
c. Ang dalaga ay naghuhugas ng pinggan. d. Ang dalaga ay tagapag-alaga ng kanyang
kapatid.
______6. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Mahihinuha mong si Bai bilang kapatid
ay ______.
a. Walang tiwala sa kaniyang kapatid.
b. Nais niyang samahan ang kaniyang kapatid.
c. Nag-aalala sa maaaring mangyari sa kaniyang kapatid.
d. Hindi maganda ang pakikitungo at relasyon sa kaniyang kapatid.
______7. Ang Dalaga ng Buhong na Langit ay tumakas at nagtago mula sa Binata ng Pangumanon, isang
higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Bilang isang dalaga, mahihinuha mong ______.
a. May galit ang Dalaga ng Buhong na langit sa Binata ng Pangumanon.
b. Natatakot ang Dalaga ng Buhong na Langit sa Binata ng Pangumanon.
c. May ibang nangingibig sa Dalaga ng Buhong na Langit at natatakot siya rito.
d. Nais paglaruan ng Dalaga ng Buhong na Langit ang damdamin ng Binata ng Pangumanon.
_____8. Sistematikong paghahanap ng mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
a. pagbabalita b. pananaliksik c. panayam d. pagtatanong
_____9. Isa sa hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan o ideyang dumadaloy
sa kaisipan.
a. balangkas b. pangangalap-tala c. pagwawasto at pagbabasa d. pagsulat ng
burador
_____10. Hakbang sa paghahanap ng mga impormasyon at pagsulat para sa pananaliksik na karaniwang
ginagamitan ng index card, ano ito?
a. balangkas b. pangangalap-tala c. piliin ang paksa d. pinal na balangkas
_____11. Dito naipapakita ang mga dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik.
a. balangkas b. paglalahad ng layunin
c. pangangalap-tala d. pagsulat ng pinal na pananaliksik
_____12. Ito ang huling hakbang sa pananaliksik.
a. piliin ang paksa c. pagwawasto at pagrebisa
b. pinal na balangkas d. pagsulat ng pinal na pananaliksik
_____13. Ito ay hakbang sa pananaliksik na binibigyang pansin ang pagsasatama ng mga naisulat na
nilalaman
ng pananaliksik.
a. paglalahad ng layunin c. pagsulat ng pinal na pananaliksik
b. pagwawasto at pagrebisa d. pinal na balangkas
_____14. Ito ay hakbang sa pananaliksik na kung saan kailangang planuhin at isiping mabuti ang gagawing
pananaliksik.
a. paglalahad ng layunin b. pangangalap-tala c. pagsulat ng burador d. pinal na balangkas
_____15. Ano ang hakbang sa pananaliksik na ayon sa iyong interest at may malawak kang kaalaman?
a. balangkas b. bibliograpi c. paglalahad ng layunin d. pagpili ng paksa
_____16. Ito ang hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan o ideyang dumadaloy sa
kaisipan.
a. balangkas b. pagsulat ng burador c. pangangalap-tala d. pagwawasto at pagrebisa
_____17. Ito ang hakbang sa pananaliksik na nagbibigay direksyon at gabay sa pananaliksik.
a. balangkas b. pagpili ng paksa c. pagsulat ng burador d. pagsulat ng pinal na
pananaliksik
_____18. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa Global warning?
a. Ito ay resulta ng pagsunog ng kagubatan.
b. Ito ay makabagong bersyon ng klima ng bansa.
c. Ito ay pagtaas ng carbon monoxide at iba pang greenhouse gases.
d. Ito ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura.
_____19. Kung patuloy na tataas ang temperatura, alin ang kalalabasan nito?
a. Malalakas na bagyo ang mabubuo sa karagatan.
b. Masusunog ang kalawakan.
c. Mamatay ang lahat ng may buhay sa mundo.
d. Magkaroon ng kakulangan sa pagkain.
_____20. Sa anong paraan pinalawak ang paksa?
a. pagliliwanag b. pagsusuri c. pagbibigay-depinisyon d. paghahawig o pagtutulad
Pag-ugnayin ang sanhi at bunga. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang.
A B
_____21. Nahulog ang sasakyan sa kanal A. kapag masisipag ang mga mamamayan
_____22. Malinis ang kapaligiran B. sapagkat nakatulog ang tsuper
_____23. Hindi nag-aral nang mabuti C. dahil mabigat ang trapiko
_____24. Inabutan ng gabi sa pag-uwi D. kaya malakas ang pangangatawan
_____25. Umuunlad ang buhay E. kaya nanalo sa patimpalak
_____26. Hindi nakinig sa payo ng magulang F. kasi malakas ang buhos ng ulan
_____27. Mabuti ang loob G. dahil sa pagsisikap
_____28. Kumain ng masustansiyang pagkain H. kaya pinagpala
_____29. Nagkaroon ng baha I. bunga nito, bumagsak siya sa pagsusulit
_____30. Nag-eensayo palagi J. kung kaya napariwara
Piliin ang letra ng tamang sagot sa bugtong at sawikain na nasa ibaba.
_____31. Lantang gulay
a. sira na ang gulay b. lanta na ang gulay c. sobrang pagod d. sobrang tulog
_____32. Makapal ang palad
a. makalyo ang palad b. malikhain c. masipag d. matulungin
_____33. Maikling landas, di maubos lakarin.
a. anino b. daan c. sapatos d. tsinelas
_____34. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
a. baso b. batya c. lata d. tabo
_____35. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
a. alitaptap b. gamugamo c. paruparo d. tutubi
Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng sumusunod. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
_____36. pusong mamon
a. mabait b. mahinahon c. masama d. maayos
_____37. Iba ang tabas ng mukha.
a. bilog ang mukha b. maganda ang mukha c. mahaba ang mukha d. makinis ang mukha
_____38. pabalat-bunga
a. mali b. peke c. tama d. tunay
_____39. ibang babae
a. asawa b. kaibigan c. kamag-anak d. kinakasama
_____40. nagbibilang ng poste
a. maraming poste b. may trabaho c. nangangarap d. walang trabaho
Isulat ang letrang S kung ang pahayag ay salawikain, SB kung ang pahayag ay kasabihan, B
kung ang pahayag ay bugtong.
_____41. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
_____42. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
_____43. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna.
_____44. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
_____45. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.
_____46. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
_____47. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin.
_____48. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.
_____49. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
_____50. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.

You might also like