You are on page 1of 6

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG

IKALAWANG SEMESTRE – LINGGO 4

Pangalan: _____________________________________________ 12 – ST. MATTHEW

Kasanayan sa Pagkatuto:
Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin. (CS_FA11/12PU-0d-f-92)
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. (CS_FA11/12PU-0d-93)
Sa pagsisimula ng aralin, basahing mabuti kung ano ang nilalaman ng teksto.
ABSTRAK
Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.
(https://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html)
Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel. Hindi gaanong
mahaba, organisado ayon sa pagkakasunud- sunod ng nilalaman. Ito ay kadalasang bahagi ng isang
tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng
pamagat. Naglalaman ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang
mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.
(https://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html)

MGA KAHALAGAHAN NITO

 Natutulungan nito ang sinomang mananaliksik o manunulat na higit pang mapaunlad
ang isang paksa,saliksik o sulatin.
 Kapag may abstrak,hindi na kailangan pang basahin ang kabuuan ng pananaliksik
upang matukoy kung ito ay makakapagpayaman sa isinusulat o kung malayo kung
malayo na ito sa paksa.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

 Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuuan ng papel; ibig
sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-
aaral o sulatin.
 Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
 Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.
 Dapat ito ay nakadobleng espasyo.
 Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa
pagsulat nito.
 Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
 Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatan.
 Nakabatay ang pagsulat nito ayon sa pagkakasunod-sunod ng saliksik
 Nakasulat ito sa ikatlong panauhan at nakabatay sa katotohanan at hindi opinyon lamang ng
may-akda tungkol sa pananaliksik.
(https://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html)
MGA URI NG ABSTRAK NA SULATIN
May dalawang uri ng abstrak na sulatin. Ito ay ang impormatibong uri ng abstrak at ang
deskriptibo na uri ng abstrak. Ang bawat uri ay naiiba mula sa elemento na ginagamit sa
panunulat, sa estilo na ginagamit at sa layunin o pakay na gustong ipaabot ng isang manunulat.
Deskriptibo man o impormatibong abstrak, pareho itong nagtataglay ng mga mahahalagang
inpormasyon at pagbibigay halaga sa kung sino at kung saan nakuha ang mga inpormasyon sa mga
nalimbag na abstrak na sulatin.
DESKRIPTIBONG ABSTRAK
Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang daan
na mga salita. Walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa sa uri ng abstrak na
ito. Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano lamang na dapat na sundan ng isang
manunulat.Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga magbabasa nito. Ito ay mahaba
kumpara sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at limampong
salita o higit pa.
IMPORMATIBONG ABSTRAK
Marami sa mga abstrak na sulatin ay impormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento ng abstrak
na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang mga impormasyon na
makikita sa babasahing ito.
URI NG ABSTRAK
DESKRIPTIBONG ABSTRAK IMPORMATIBONG ABSTRAK
Inilalarawan sa mga mambabasa ang Ipinahahayag sa mga mambabasa ang
pangunahing ideya ng papel. mahahalagang ideya ng papel.
Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong
papel. papel at isang talata lamang.
Gawing gabay ang mga sumusunod na terminolohiya sa pagsulat ng abstrak ng pananaliksik:
1. Buod: Ito ay muling pagpapahayag mga ibinigay na impormasyon sa maikling pamamaraaan.
(Hango sa aklat ni Bernales, et. al., 2013)
2. Layunin: Kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa
napiling larangan.(Batay sa aklat ni Astorga,Jr. E.R at Nucasa, W.P.,2010)
3. Resulta: Mahalagang datos sa kinalabasan ng pag-aaral.
4. Konklusyon: Inilalarawan ang resulta o kinalabasan ng pag-aaral
(http://eece,ksu.edu/-starret/684/papaer.html)
5. Rekomendasyon: Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga mungkahi
ang mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang manananaliksik sa paksa na hindi nagawa dahil sa
limitasyon ng pag-aaral.
NILALAMAN NITO:
 Rasyunal - Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral
 Metodolihiyang ginamit
 Saklaw at Delimitasyon
 Resulta at Konklusyon

PAGYAMANIN: GAWAIN 1
Paano makatutulong ang abstrak ng isang teksto sa isasagawang pagbasa ng isang
partikular na babasahin o aklat?
_____________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
GAWAIN 2: Sa tulong ng Semantic Grid, lagyan ng depinisyon ang mga sumusunod na
teminolohiya para maging gabay sa pagsulat ng abstrak ng isang pananaliksik.

ABSTRAK
Buod Layunin Resulta Konklusyon Rekomendasyon

IUGNAY NATIN: Basahin at suriin ang mga sumusunod na teksto at sagutin ang mga gabay
na tanong.
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal.
Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom
convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa
“convenience”.
Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-
dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.
Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag
grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba
sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

Unang Talata: Rasyunal

Ikalawang Talata: Metodolohiyang ginamit
Ikatlong Talata: Saklaw at Delimitasyon
Ikaapat na Talata: Resulta ng pananaliksik at Konklusyon
KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKAAPAT NA TAON
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika- apat
na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag- aaral na ito
na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan
tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo.
Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika- apat
na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing
pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo.
Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-
aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit
sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang
paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati
upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos.
Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-
aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa
kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa
kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
Unang Talata: Rasyunal
Ikalawang Talata: Metodolohiyang ginamit
Ikatlong Talata: Saklaw at Delimitasyon
Ikaapat na Talata: Resulta ng pananaliksik at Konklusyon
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga kahalagahan ng abstrak?
____________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Sa mga binasang halimbawa ng abstrak, nakapaloob ba lahat ang mga nilalaman nito? Bakit?
_____
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsusulat ng abstrak?
_______________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
4. Ano ang 2 uri ng Abstrak? Ano-ano ang pagkakaiba nito?
__________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5. Sa mga binasang halimbawa ng abstrak, masasabi mo ba na maayos ang pagkakasulat?
Ipaliwanag. _______________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

PAGGANAP #1: PAGSULAT NG ABSTRAK

Sa pamamagitan ng kopya ng pananaliksik na ibinahagi ng iyong guro sa inyong group
chat/page, gumawa ng isang abstrak na naglalaman ng rasyunal, metodolohiyang ginamit, saklaw at
delimitasyon, resulta ng pananaliksik at konklusyon. Isulat ito sa susunod na pahina. Mamarkahan
ang gawain sa pamamagitan ng pamantayang nasa ibaba:
Pamantayan:
Kumpleto ang mga Bahagi - 10 puntos
Kaangkupan ng Nilalaman - 10 puntos
Gramatikal/Teknikal (pagbabaybay) - 8 puntos
Kalinisan - 7 puntos
---------------------------------------------------------------------------------------
Kabuuan: 35 puntos
Pangalan: _____________________________________________ 12 – ST. MATTHEW
(PAGSULAT NG ABSTRAK)

_______________________________________________
(Titulo ng Pananaliksik)

You might also like