You are on page 1of 37

CUTIEPIES PILIPIN O SA PILIN G LA RA N G

ABSTRAK

EABHS 02-22-24
MGA KAALAMAN
NA MAY
KAUGNAYAN SA
ABSTRAK
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na
karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko at teknikal, lektyur,
at mga report. Ito ay kadalasang bahagi
ng isang tesis o disertasyon na makikita
sa unahan ng pananaliksik pagkatapos
ng title page o pahina ng pamagat.
Naglalaman din ito ng pinakabuod ng
buong akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman
(1997), bagamat ang abstrak ay
maikli lamang, tinataglay ang
mahalagang elemento o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng
introduksyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya. resulta
at konklusyon.
Ayon naman sa aklat ni Atanacio h.c.
Et.Al. 2009 ang abstrak o halaw ay
pinaikling deskripsyon ng isang
pahayag o sulatin. Sa mga sulating
pampanitikan maaari ito ay bahagi ng
isang buo at mahabang sulatin, aklat,
dayalogo, sanaysay pelikula at iba
pang hinango ang bahagi upang
bigyang dlin ang pahayag o gamitin
bilang sipi.
Sa mga sulating tulad ng tisis o disertasyon
naglalaman ito ng kabuuan ng buong aklat
kasama ng mga layunin ng pag-aaral,
teoryang ginamit, metodolohiya, resulta ng
pag-aaral, konklusyon at rekomendasyon.

Gayundin, ang abstrak ay isang maikling buod


na inilalagay sa unahan ng panimula o
introduksyon ng isang tisis o disertasyon.
Nakatutulong ito sa mambabasa na malaman
agad ang layunin-sa isinagawang pag- aaral.
Ang abstrak ay ginagamit din sa mga
papel na inihaharap sa isang
komperensya. Ginagawa ito dahil hindi
naman inilalathala ang buong teksto ng
papel na inihaharap sa komperensya. Isa
rin itong maikling buod na naglalarawan
sa pangunahing ideya o nilalaman ng
teksto gaya ng artikulo, aklat, tisis o
disertasyon (Batay sa aklat ni Asotrga,
Jr. E.R. at Nucasa, W.P.,2010)
Ito rin ay naglalaman ng buod ng iyong
pananallksik resulta ng pananaliksik at
konklusyon ng pananaliksik nang hindi
lalampas sa 200 na salita. Mahalagang
maingat itong naisagawa dahil ito ang
karaniwang binabasa ng mga taong
interesado mabasa ang ginawa mong
pananaliksik. (Research paper outine na
hango sa aklat ni Bemales, et.al,2013)
GABAY NA
TERMINOLOHIYA
SA PAGSULAT NG
ABSTRAK
1. BUOD
Ito ay ang muling pagpapahayag ng
mga binibigay na impormasyon sa
maikling pamamaraan. (hango sa
aklat ni Bernales et.al,2013)
HALIMBAWA: THESIS ABSTRAK
Pamagat: Pagsususri sa Florante at Laura Gamit
ang lba't lbang Teoryang Pampanitikan
Mga Mananaliksik: Ma. Elizabeth M. Ariola
Saraj Jane P. Langcay
Lovely Joy C. Mojado
Kurso: Batsilyer ng Pangsekundaryang
Edukasyon
Medyor: Filipino
Uri ng Dokumento: Tesis
Kabuung Bilang ng Pahina: 99
Taon: 2012-2013
Tagapayo: G. Adelaido P. Pinawin, MAT
BUOD
Ang pananaliksik na ito ay binuo ng mga mananaliksik upang
surin ang Florante at Laura na akda ni Francisco Balagtas na
itunututing na isa sa mga pinakadakilang akda sa larangan nga
Panitikang Filipino. Sang-ayon kay Pedro L. Ricarte, ang akdang
Florante at Laura ni Francisco Balagtas, kung ito'y isang kathang
walang kupas, ay dapat maangkin ng nakaraan, ng kasalukuyan
at ng hinaharap man.
BUOD
Inasam na maipamulat sa mga mag-aaral ang kalagahan ng
pag-aaral at pagpapahalaga sa nasabing akda dahil ito ay
isa sa mga nakadisenyo upang pag-aralan sa panahong ito.
Nakasaad sa Basic Education Curriculum na manantili.
2. LAYUNIN NG PAG-
AARAL AT
AHALAGAHAN NG
Kahalagahan ng buong pag-aaral PAG-
at kung
ano ang magiging kontribusyon nito sa
AARAL
napiling larangang. Gayundin kung sino
ang makikinabang at ang posibleng
implikasyon ng pag-aaral. (batay sa aklat
ni Astorga,Jr.E.R. at Nucasa, W. P.,2010)
Layunin
Nilalayong masagot sa pananaliksik na ito kung ano-
anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa kabuuan ng
awit na Florante at Laura at tukuyin ang limang teoryang
pinakanangingibabaw. Dagdag pa, ilarawan at ihambing
ang mga ito sa bawat isa. Sa huli, makabuo ng mga
patnubay na tanong upang masuri sa iba't ibang
perspektibo ang anumang akdang pampanitikan.
3. RESULTA
Mahalagang datos sa
kinalabasan ng pag-aaral.
RESULTA
Matapos isagawa ang pagsusuri, natuklasan na ang mga
teoryang pampanitikang ginamit sa awit ay arketaypal,
eksistensyalismo, feminism, humanism, sosyolohikal,
klasismo, markismo, moralistiko, naturalism, realismo,
romatisismo, saykolohikal at imahismo. Sa kabuuan, ang
limang teoryang pampanitikang nangibabaw ay ang
romantisismo, naturalism, arketaypal, saykolohikal at
moralistiko.
RESULTA
Sa pamamagitan ng paglalarawan at paghahambing sa
limang pinakanangibabaw sa teoryang pampanitikan ay
nabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito sa
bawat isa. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang
mungkahing gabay sa pagsususri ng panitikan ay binuo.
4.
KONGKLUSYO
Inilalarawan ang resulta o ang
kinalabasan ng pag-aaral. Tinatalakay

N Karaniwang
rin ang mahalagang natutunan o nabuo
mula sa pananaliksik.
sumasagot sa mga tanong o haypotesis
na ibinigay sa panimula ng sulating
pananaliksik.
Konklusyon
Matapos maisaayos ang mga resulta ng pananaliksik at
pagsusuri, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon. Iba't
ibang teoryang pampanitikan ang maaaring magamit para sa
isang partikular na akdang pampanitikan. Lalo na sa mga
akdang binubuo ng maraming kabanata tulad ng awit sapagkat
ang may-akda ay nagbibigay-tuon sa daloy ng pangyayari at
hindi sa mga teorya na maaaring mabakas sa kanyang akda.
Konklusyon
Kapuna-puna rin na hindi magiging pantay ang bilang ang
mga teoryang pampanitikang ginamit sa akda at mayroong
mga teorya na magiging dominante kaysa iba. Gayundin,
ang mga teoryang pampanitikan ay mailalarawan at
mapaghahambing sa bawat isa sa pamamagitan ng
pagbibigay tuon sa anggulo ng pagakakatulad at pagkakaiba
ng mga ito.
Konklusyon
Dagdag pa, kapaki-pakinabang ang paggamnit ng mga
patnubay na tanong upang magkaroon ang mga mag-
aaral ng gabay sa pagsusuri ng mga akdang
pampanitikan na angkop para sa limang toeryang
pinakanangingibabaw sa awit.
5.
Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-
REKOMENDAS
aaral at nagbibigay ng mga mungkahi
ang mananaliksik na maaaring gawin pa
YONsa paksa na hindi
ng ibang mananaliksik
nagawa dahil sa limitasyon ng pag-aaral.
Rekomendasyon
Batay sa konklusyon, nabuo ang mga sumusunod na
rekomendasyon: Una, magkaroon ng malalim na pag-aaral
hinggil sa teoryang pampanitikan at akdang babasahin nang sa
gayon ay makapagsuri pa ng iba't ibang likhang akda ng mga
mahuhusay na makata at kwentistang Pilipino. Ikalawa, tukuyin
ang mga teoryang pampanitikan na nangibabaw sa kabuuan ng
akda uapng maiugnay sa buhay at layon ng may akda at
maunawaan nang lubos ang akdang sinusuri.
Rekomendasyon
lkatlo, ilarawan at ihambing ang mga teoryang
pampanitikan sa bawat isa nang sa gayon ay mas maging
malinaw ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mhga ito.
Kaugnay nito, iminumungkahing bigyang pansin at
pahalagahan ang kasanayan sa pagbabasa at pagsusun ng
mga akdang pampanitikan. Malaki ang gampanin ng
pagbabasa tungo sa epektibong pagkaunawa ng akda.
Rekomendasyon
At huli, ay gamitin bilang pantulong sa kagamitang panturo
ang mga nabuong patnubay na tanong upang malinang ang
mas mataas na antas ng pag-isip at pagkaunawa. Angkop
ito para sa anumang anyo ng panitikan gaya ng maikling
kwento, nobela at epiko. Kaugnay nito, pinapayuhan ang
mga na gumamit ng mga kagamitang panturo na
makapupukaw ng interes ng kanilang mga estudyante.
Rekomendasyon
Sa tulong ng mga ito ay higit na magaganyak ang
interaktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa oras
ng talakayan at malalaman pa ang iba't ibang anggulo
ng pagkaunawa ng kanilang mga mag-aaral.
MGA NILALAMAN
NG
Rationale-
ABSTRAK:
Nakapaloob dito
Saklaw at Resulta at
ang Layunin at
Delimitasyon Konklusyon
Suliranin ng Pag-
aaral
MGA DAPAT
TANDAAN SA
PAGSULAT NG
1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay
dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin
hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos
na hindi binanggit sa ginawang pag- aaral O sulatin.

2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures O


table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan
ng deyalyadong pagpapaliwanag na magiging
dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang
mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa
pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat llahad lamang ang
mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit
komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-
aaral na ginawa.
MGA
HAKBANG
SA
1. Basahing Mabuti at pag- aralan
ang papel o akademikong sulatin na
gagawan ng abstrak.

2. Hanapin at isulat ang mga


pangunahing kaisipan o ideya ng
bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon kaugnay na literature,
metodolohiya, resulta at konklusyon.
3. Buoin gamit ang mga talata, ang
mga pangunahing kaisipang taglay ng
bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
bahaging ito s kabuoan ng mga papel

4. lwasang maglagay ng mga


ilustrasyon, graph, table, at iba pa
maliban na lamang kung sadyang
5. Basahing muli ang ginawang
abstrak. Sunin kung may
nakaligtaang mahahalagang kaisipang
dapat isama nito.

6. Isulat ang pinal na sipi nito


Thank You!
Thank You

You might also like