You are on page 1of 14

Pagsulat ng Iba’t Ibang

Uri ng Paglalagom
Pagbuo ng Abstrak
Layunin
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagbubuo at pagbubuod
ng mga ideya sa isang akademikong sulatin;

• Naipaliliwanag ang kahulugan ng Abstrak, Sinopsis at


Bionote;

• Nakapagbubuod ng isang pananaliksik na umaayon sa


estruktura ng abstrak, sinopsis, at bionote;

• Nakabubuo ng isang komprehensibong uri ng paglalagom.


PAGLALAGOM
• Ayon kina Julian, et al. (2016) sa libro nilang Pinagyamang
Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik), ang lagom ay ang
pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda
na kung saan nakapaloob ang kabuoang kaisipan at ang
paksang tinatalakay ng sulatin.
PAGLALAGOM
• Hinuhubog nito ang kakayahan ng mag- aaral na
maunawaan ang pinakanilalaman ng isang teksto na
nagpapadali sa pagkalap ng kinakailangang impormasyon o
ideya na gustong makalap ng bumabasa.
PAGLALAGOM
• Ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig na
maikling paraan na ginagamitan ng sariling pananalita.

• Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng


pinakadiwa nito. Ito ay hindi nagtataglay ng pansariling
opinyon.
Abstrak
• Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko
at teknikal, lektyur, at mga report.

• Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na


makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page
o pahinang pamagat.

• Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang


akademiko o ulat.
Dalawang Uri ng Abstrak
1. Deskriptibo - nagbibigay ng paglalarawan sa pangunahing
paksa at layunin gaya ng sanaysay, editorial, libro na
mayroong 50-100 na salita lamang at hindi isinasama ang
Metodolohiya, Konklusyon, Resulta, at Rekomendasyon.

MGA BAHAGI:
1. Layunin
2. Kaligiran ng Pag-aaral
3. Saklaw
Dalawang Uri ng Abstrak
2. Impormatibo - Paggawa ng malinaw na pananaliksik,
pagbigay ng pangunahing impormasyon. Ito ay kadalasan
ginagamit sa larangan ng siyensya, engineering, sikolohiya na
mayroong 200 na salita lamang.

MGA BAHAGI:
1. Layunin ng pananaliksik
2. Metodolohiya
3. Mga natuklasan o resulta
4. Konklusyon
Ayon kay Philip Koopman (1997)
Ang nilalaman ng Abstrak ay mga mahahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko gaya ng mga sumusunod:

• Introduksiyon
• Kaugnay na Literatura
• Metodolohiya
• Resulta
• Konklusyon
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Abstrak
1. Sumulat lamang ng isang talata na magkakaugnay at maigsi subalit malaman
ang mga pangungusap. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng
pangatnig. Dapat may pagkakaisa sa talata.
2. Ilagay lahat ng mahahalagang elemento na makikita sa buong papel
3. Dapat walang impormasyon na ilalagay na hindi naman matatagpuan sa
pananaliksik
4. Gumamit ng payak na salita upang maintindihan ng lahat ng mambabasa
5. Gumagamit ng tamang gramatika sa wikang napili.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin
na gagawan ng abstrak.

2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat


bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.

3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang


taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuuan ng papel.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table at iba pa
maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.

5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may


nakaligtaang mahahalagang kaisipanng dapat isama rito.

6. Isulat ang pinal na sipi nito.


Gawain:
• Bumuo ng isang sulating Abstrak na naglalaman sa inyong
mga natapos o nagawang pag-aaral sa nakaraang semestre.

• Kinakailangan na ang gagawing Abstrak ay nakasunod


tamang hakbang.

• Ilagay sa isang buong papel.


Pamantayan sa Pagpupuntos

You might also like