You are on page 1of 9

Abstrak

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na


karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko at teknikal, lektyur,
at mga report.
Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o
pahina ng pamagat.
Ayon Kay Philip Koopman (1997) sa
kanyang aklat na How to Write an
Abstract, bagama’t ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay nito ang
mahahalagang element o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng
instroduksiyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta, at
kongklusyon.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng


mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga
detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na
makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi
maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na
hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglagay ng mga statistical
figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para
humaba ito.

3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at


direktibang mga pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang
ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.

5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli


ngunit komprehensibo kung saan
mauuunawaan ng babasa ang pangkalahatang
nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o


akademikong sulatin na gagawan ng
abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing
kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng
sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta, at
kongklusyon.
3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga
pangunahing kaisipang taglay ng bawat
bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito
sa kabuoan ng papel.

4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon,


graph, table, at iba pa maliban na lamang
kung sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak,
Suriin kung may nakaligtaang
mahahalagang kaisipang dapat isama
rito.

6. Isulat ang pinal na sipi nito.

You might also like