You are on page 1of 7

Filipino sa Piling Larang

(Academic)
Abstrak

-Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang


ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur,
at mga report. pinakabuod ng boung akdang
akademiko o ulat. kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-


akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay
dapat na makikita sa kabuoan ng papel, ibig sabihin, hindi
maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa
ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa
abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, ar direktang mga
pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat lahad lamang ang mga
pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit
komprehensibo kung saan mauunawan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na
ginawa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

1.Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na


gagawan ng abstrak.
2.Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat
bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
3.Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay
ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga bahaging ito sa kabuoan ng papel.
4.Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba
pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.
5.Basahing muli ang ginawang abstrak. Surin kung may
nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito.
6.Isulat ang pinal na sipi nito.
Halimbawa : “Epekto ng Regular na Ehersisyo sa Kalusugan ng
mga Kabataan”
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng regular na
ehersisyo sa kalusugan ng mga kabataan. Isinagawa ang pananaliksik sa
isang pribadong paaralan at kasama ang 100 estudyante. Ginamit ang
eksperimental na disenyo at sinukat ang mga resulta gamit ang mga
standar na pamamaraan ng kalusugan. Nakita na ang mga kabataang
regular na nag-eehersisyo ay may mas mataas na antas ng pisikal na
kondisyon at mas mababang bilang ng mga sakit. Sa kabuuan,
nagpapahiwatig ang pagsusuri na ang regular na ehersisyo ay may
malaking benepisyo sa kalusugan ng mga kabataan.

You might also like