You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
CONGRESSIONAL INTEGRATED HIGH SCHOOL
Via Verde Village, San Agustin II, City of Dasmariñas, Cavite
 (046) 973-2534

Senior High School

Aralin 2

Abstrak

Ipinasa kay:

Ginoong. Raymund Redublo

Ipinasa ni:

Tumbagahan, Megie Boy D.


(STEM 12-1)

November 11, 2019

1
ANO NGA BA ANG ABSTRAK?

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na


karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga
report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis
o disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina
ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod
ng boung akdang akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay
ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga
kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

Sa mga siyentipiko, ginagamit din ang abstrak na sulatin sa paglilimbag ng mga datus
na kanilang nakakalap mula sa kanilang mga pananaliksik.Ginagamitan pa ito ng mga
dokumentaryo para mas maipahiwatig ng mga siyentipiko ang aral na gusto nilang ipaintindi
sa napili nilang magbabasa o sa kumunidad na kinabibilangan.Sa mga sumusulat ng kanilang
mga personal na journal, at mga , abstrak rin ang uri ng sulatin na kanilang ginagamit.Ang
mga personal na journalay gumagamit lamang ng mga maiiksi ngunit may kompletong
inpormasyon sa kanilang mga sulatin.Samantalang ang mga mananaliksik ay gumagamit ng
mga kompletong detalye at tala para sa kabuuan ng kanilang mga pag-aaral

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel;
ibig sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa
ginawang pag-aaral o sulatin.

Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan
ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak

Dapat ito ay naka dobleng espasyo

Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa


pagsulat nito.

2
Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito.

Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan
ng babasa ang pangkalahatang

KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGSULAT NG ABSTRAK

Binubuo ng 200-250 na salita.

Gumagamit ng simple pangungusap.

Walang impormasyong hindi na banggit sa papel.

Nauunawaan ng target na mambabasa

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ,MAHUSAY NA ABSTRAK

 Basahin ang papel

 Isulat ang pangunahing kaisipan ng bawat element sa pananaliksik

 Ayusin at buoin sa talaga ang mga pangunahing kaisipang nagawa.

 Iwasan ang mga ilustrasyon (table,graph,chart), maliban kung kinakailangan.

 Basahing muli ang abstrak at suriin kung may nawawalang detalye.

 Isulat ang pinal na sipi.

3
BAHAGI NG ABSTRAK

Kaligiran at suliranin - tinatalakay kung kailan, paano at saan nagmula ang suliranin.

Layunin - dahilan ng pagsasagawa ng pag-aaral at kung paano


makakatulong ang pag-aaral sa paglutas ng suliranin.

Pokus - ibinabahagi dito ang paksang bibigyan diin o emphasis sa


pananaliksik.

Metodolohiya - maikling paliwanag ukol sa paraan o estratehiyang ginamit sa


pagsulat ng pannaliksik.

Kinalabasan at konklusyon – tiyak na datos na nakalap sa pananaliksik, kwantetibo o


kwaliteytib, matagumpay o hindi.

Mga Uri ng Abstrak na Sulatin

May dalawang uri ng abstrak na sulatin. Ito ay ang inpormatibong uri ng abstrak at ang
deskriptibo na uri ng abstrak. Ang bawat uri ay naiiba mula sa elemento na ginagamit sa
panunulat, sa estilo na ginagamit at sa layunin o pakay na gustong ipaabot ng isang
manunulat.

Deskriptibo man o inpormatibong abstrak, pareho itong nagtataglay ng mga mahahalagang


inpormasyon at pagbibigay halaga sa kung sino at kung saan nakuha ang mga inpormasyon
sa mga nalimbag na abstrak na sulatin.

Deskriptibong Abstrak

Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang
daan na mga salita. Walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa sa
uri ng abstrak na ito.

Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano lamang na dapat na sundan ng isang
manunulat.

Impormatibong Abstrak

Marami sa mga abstrak na sulatin ay inpormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento ng
abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang mga
inpormasyon na makikita sa babasahing ito.

Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara
sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at limampong
salita o higit pa.

4
HALIMBAWA NG ISANG ABSTRAK:

Pananaw ng mga kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone

Laput, Jethro Bullecer, Ma. Fatima

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral na kalalakihan ng


Veritas Parochial School sa konsepto ng “Seenzone” bilang “motivation” o “drive”. Sa
kabuuan, Ang mananaliksik ay nakapanayam ng labing tatlong mag-aaral. Ang mananaliksik
ay gumamit ng deskriptibong paraan ng pananaliksik partikular ang pagtatanung-tanong at
pakikipagkwentuhan upang makuha ng mananaliksik ang tunay na nararamdaman ng mga
kalahok at ito ay mas naaayon sa kamalayang Pilipino. Ang layunin ng pananaliksik na ito
ay upang malaman ng henerasyon ngayon kung ano ang konsepto ng “Seenzone”, ano ang
naging bunga at epekto nito sa mga kalahok at kung paano ito nakaapekto sa kanilang
buhay. Ang problema sa pag-aaral na ito ay kung bakit may mga lalaki na hanggang sa
pampribadong pagmemensahe na lang sila nakikipagusap sa kababaihan sa kadahilanang nga
ba na natotorpe sila sa halip na tanggapin ang mga dagok sa pagmamahal at sa ganoon ay
makuha nila ang kanilang kagustuhan. Iisa at positibo ang mga damdamin na naging resulta
sa pagkuha ng datos sa mga kalahok lalo na sa mga karanasan at epekto nito sa mga
kalahok. Ito ang napiling pag-aaral ng mananaliksik dahil nais niya mausisa ng lubusan at
kung hindi man ay malaman niya kung totoo nga na mayroong “Seenzone” sa panahong
kinakatayuan nating lahat na nahuhumaling sa iba’t ibang teknolohiya sa ating kapaligiran.

Mga susing salita: Seenzone, Kalalakihan, Komunikasyon, Panliligaw

5
Sangunian:

Moreno, D. (2017). Mga Bahagi o Nilalaman ng Isang Abstrak. Nakuha mula sa


https://quizlet.com/304573887/mga-bahagi-o-nilalaman-ng-isang-abstrak-
flash-cards/

Laput, J. & Bullecer,F. (2016). Pananaw ng mga kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone.


Nakuha mula sa https://www.sanbedaalabang.edu.ph/bede/images/researc

hpublication/BedanJournalPsych/BJP2016v2-69.pdf

sjbians (2017). mga iba't ibang uri ng akademikong pagsulat. Nakuha mula sa https://ww

w.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089

Venido, A. (2017). Pagsulat ng Abstrak. Nakuha mula sa https://www.slideshare.net

/anamelissavenido1/pagsulat-ng-abstrak

You might also like