You are on page 1of 30

BUOD AT SINTESIS

GROUP 6
BUOD
Ang buod ay isang uri ng lagom na kalimitang
ginagamit sa mga akdang naratibo tulad ng kwento,
salaysay, nobela at iba pang anyo ng pantitikan. Ito
ay pagbubuod ng mga mahahalagang nilalaman ng
binasang akda gamit ang sariling pananalita.
SINTESIS
Ang sintesis naman ay anyo ng paglalahad ng mga
impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang
sari- saring ideya o datos mula sa iba't ibang
pinanggalingan ay mapagsama- sama at mapag-isa
tungo sa isang malinaw na kabuuan. Ito rin ay ang
pagsasama-sama ng dalawa o higit pang buod.
2 ANYO NG
SINTESIS
Explanatory Synthesis
Isang sulating naglalayag tulunganang
mambabasa o nakikinig na lalong
maunawaan ang mga bagay na tinatalakay.
2 ANYO NG
SINTESIS
Argumentative Synthesis Layuning
maglahad ng pananaw ng sumusulat
nito.
URI NG SINTESIS
1. Background Synthesis -ito ay isang uri ng sintesis na
nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang
impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwang itong inaayos
ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.
URI NG SINTESIS
2. Thesis-driven synthesis - sa ganitong uri ng sintesis hindi
lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang
kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga
punto sa tesis ng sulatin.
URI NG SINTESIS
3. Synthesis for literature - ginagamit ito sa mga sulating
pananaliksik. Tumutuon ito sa mga literaturang gagamitin sa
pananaliksik na isinasagawa.
MGA DAPAT TANDAAN/
TEKNIK SA PAGSULAT NG
BUOD /SINTESIS
1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa
pagsusulat ng buod.
2. Isulat ito batay sa tono o damdamin ng
pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
3. Isama ang mga pangunahing tauhan
maging ang kanilang mga gampanin at
suliraning kinakaharap.
MGA DAPAT TANDAAN/
TEKNIK SA PAGSULAT NG
BUOD /SINTESIS

4. Gumamit ng mga angkop na pang-


ugnay sa paghahabi ng mga pangyayari sa
akdang binubuod.
5. Tiyaking wasto ang gramatika,
pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
MGA DAPAT TANDAAN/
TEKNIK SA PAGSULAT NG
BUOD /SINTESIS

6. Maging obhetibo sa pagsusulat at


iwasan ang pagbibigay ng sariling
opinyon at paliwanag tungkol sa akda.
7. Huwag magsama ng mga halimbawa,
detalye, o impormasyong wala sa orihinal
na teksto.
MGA DAPAT TANDAAN/
TEKNIK SA PAGSULAT NG
BUOD /SINTESIS

8. Laging isama ang mga sangguniang


ginamit kung saan kinuha ang orihinal na
sipi ng akda.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BUOD
NARITO ANG MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NANG ISANG MAAYOS AT MASINING NA BUOD
NG ISANG AKDA.

1. Basahin at unawaing mabuti ang buong akdang gagawan ng


buod hanggang sa makuha ang buong kaisipan nito.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BUOD
NARITO ANG MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NANG ISANG MAAYOS AT MASINING NA BUOD
NG ISANG AKDA.

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at mga pantulong na mga


kaisipan.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BUOD
NARITO ANG MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NANG ISANG MAAYOS AT MASINING NA BUOD
NG ISANG AKDA.

3. Habang binabasa ang akda, itala ang mga mahahalagang


impormasyon at kung maaari ay gumawa ng balangkas.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BUOD
NARITO ANG MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NANG ISANG MAAYOS AT MASINING NA BUOD
NG ISANG AKDA.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag maglagay ng


sariling pananaw o kuro-kuro.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BUOD
NARITO ANG MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NANG ISANG MAAYOS AT MASINING NA BUOD
NG ISANG AKDA.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin at suriin ang unang ginawang buod. Kung mapaiikli
pa ito na hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging
mabisa ang isinulat na buod.
7. Isulat ang pinal na buod.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS
1.Pamagat - Ilagay ang pamagat ng
akademikong sulatin sa itaas ng balangkas.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS

Ang Implikasyon ng Teknolohiya sa


Kabataan
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS

2.Introduksyon - Ilagay ang pangunahing


layunin o paksa ng sulatin sa panimula ng
buod. Tukuyin ang mga pangunahing ideya
o argumento na ibinabahagi ng may-akda.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS
Introduksyon:
Ang akademikong sulatin na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng teknolohiya
sa kabataan. Ang pangunahing layunin ay maunawaan kung paano nakakaapekto ang
paggamit ng teknolohiya sa aspeto ng edukasyon, pakikipagkapwa, at mentalidad ng
mga kabataan. Ang may-akda ay naglalahad ng mga pangunahing ideya, kabilang ang
pagiging mas malapit sa teknolohiya ng mga kabataan, epekto nito sa kanilang
socialization, at implikasyon nito sa kanilang pag-iisip at pag-aaral.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS
3.Talakayan ng mga Konsepto o Argumento - Tukuyin ang
mga pangunahing konsepto o argumento na ibinabahagi ng
may-akda at bigyan ito ng maikling deskripsyon o
pagsasalarawan. Magdagdag ng mga detalye na
sumusuporta sa bawat konsepto o argumento.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS
Talakayan ng mga Konsepto o Argumento
1.Pananaw ng Kabataan sa Teknolohiya: Isinasalarawan ng may-akda
kung paano naiiba ang pananaw ng kabataan sa teknolohiya kumpara sa
nakaraang henerasyon. Tinatalakay ang kanilang natural na pagiging
'digital natives' at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang pag-iisip at
pakikitungo sa mundo.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS
2. Sosyal na Implikasyon: Binibigyang-diin ng may-akda ang epekto ng
teknolohiya sa pakikipagkapwa at socialization ng kabataan. Inilalarawan
kung paano ito nakakaapekto sa kanilang pakikisalamuha, komunikasyon,
at ugnayan sa lipunan at sa kanilang kapwa kabataan.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS
3. Edukasyon at Pag-aaral: Isinusuri ng may-akda kung paano
nakakaapekto ang teknolohiya sa paraan ng pag-aaral ng kabataan.
Tinatalakay ang positibong at negatibong epekto nito sa kanilang
pagkatuto, kasanayan sa pananaliksik, at pangangasiwa ng oras.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS

4.Mga Ebidensya o Batayan - Isama ang mga ebidensya o


batayan na ginamit ng may-akda upang patunayan o
suportahan ang bawat konsepto o argumento. Maaring ito ay
mga datos, istatistika, pag-aaral ng ibang mananaliksik, o
iba pang mga sanggunian.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS
Mga Ebidensya o Batayan:
Ang may-akda ay gumamit ng mga pag-aaral mula sa mga
sikolohista, edukador, at iba pang eksperto upang
suportahan ang mga konsepto na binanggit. Ipinakita rin ang
mga datos at istatistika mula sa pananaliksik tungkol sa oras
na ginugol ng kabataan sa mga digital na aparato at kung
paano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral at
pakikisalamuha.
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS
5. Mga Pangwakas na Punto - Tukuyin ang mga pangwakas
na punto o konklusyon ng akademikong sulatin. Ipagdiin
ang pangunahing natuklasan o kahalagahan ng pag-aaral
BALANGKAS SA PAGGAWA NG
BUOD/ SINTESIS
Mga Pangwakas na Punto:
Sa pagtatapos, mahalaga na nabanggit ng may-akda na bagamat may mga
negatibong epekto ang labis na paggamit ng teknolohiya, hindi nito
maitatanggi ang mga positibong aspeto nito. Ang pagkakaroon ng wastong
paggamit at balanse sa teknolohiya ay mahalaga para sa mga kabataan
upang mapalago ang kanilang kaalaman at abilidad habang nagmumula sila
sa digital na mundo. Ang pag-unlad ng edukasyon tungkol sa tamang
paggamit ng teknolohiya ay isa sa mga mahahalagang hakbang upang
mabigyan ng mga kabataan ang tamang gabay sa paggamit nito.
THANK
YOU!

You might also like