You are on page 1of 22

PAGSULAT NG

Dalumat
Sanaysay
Layunin
Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa
pagdadalumat o pagteteorya.
Matukoy ang mapagkakatiwalaan, makabuluhan at
kapakipakinabang na sanggunian sa pagdadalumat at
pananaliksik.
Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang
kasanayan sa panaliliksik
Layunin
Makagawa ng malikhain at mapanghikayat na
presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
kontekstong Pilipino.
Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng
mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng teorya
at praktika sa pananaliksik
Kahulugan ng Dalumat-Sanaysay
Pagtatambal ng dalawang salitang “dalumat” at “sanaysay” ang
bumubuo sa salitang dalumat-sanaysay na kapag pinagsanib ay
nakalilikha ng bagong pagpapakahulugan. Sa diksyunaryo-Tesauro
Pilipino-Ingles ni Panganiban (1972), ang “dalumat” ay tumutukoy sa
sa pinakamalalim na kaisipan at abstraktong pagkokonsepto, na
kasingkahulugan din ng mga salitang paglilirip at paghihiraya. Ang
salitang “sanaysay” Pagtatambal ng dalawang salitang “dalumat”
at “sanaysay” ang bumubuo sa salitang dalumat-sanaysay na
kapag pinagsanib ay nakalilikha ng bagong pagpapakahulugan. Sa
diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles ni Panganiban (1972), ang
“dalumat” ay tumutukoy sa sa pinakamalalim na kaisipan at
abstraktong pagkokonsepto, na kasingkahulugan din ng mga
salitang paglilirip at paghihiraya.
1. Patuloy na paglinang pagpapayaman ng kakanyahan
ng wikang Filipino sa proyektong intelektuwalisasyon
o Filipino sa paglinang sa iba’t ibang disiplina.
2. Makapagmulat at makapagpalalim ng kaalaman,
kasanayan at kamulatan ukol sa pambansang
diskurso.
3. Makapagsulong ng kritikal na larangan at
talastasang kapakipakinabang sa komunidad at
bansa.
Mga hakbang sa Kritikal na Pagsulat ng
Dalumat-sanaysay
A. Pagninilay sa Tunguhin at Paksa ng
Adbokasiya sa Pagdadalumat
Mahalagang balikan ang mga nabanggit na tunguhin o
adbokasiya sa mga nakaraang talakayan upang magabayan
ang panimulang hakbangin.
Mga hakbang sa Kritikal na Pagsulat ng
Dalumat-sanaysay
B. Pagpapasya ng Suliranin at Isyung Batayan sa
Pagdadalumat
Mahalagang isagawa ang masinsinan at mapanuring
pagbabasa ng tekstong lokal at dayuhan na may tuwiran o
di tuwirang kaugnayan sa napiling paksa upang mapakita
ang gap o ang suliraning nagsisilbi ng pokus sa talakayan
at paghanap ng solusyon.
Mga hakbang sa Kritikal na Pagsulat ng
Dalumat-sanaysay
C. Mapanuring Proseso ng Pagbabasa,
Pagsasalin at Paglalagom ng mga Ideya
Magmumula ang pinal na suliranin sa lawak at limitasyon
din ng mga magagamit na sanggunian at korpus ng teksto
kaugnay sa paksa. Kung kaya, mahalagang gawin ang
pagbabasa para tentatibong masukat ang posibilidad na
isusulat.
Mga hakbang sa Kritikal na Pagsulat ng
Dalumat-sanaysay
Paghahanda sa Pagsulat ng Dalumat-sanaysay
1. Pagtukoy sa mahahalagang ideya, konsepto o kaisipan ng
tekstong binabasa kaugnay sa isang paksa o suliranin na
nakatuon sa posibleng pagdadalumat.
2. Pagsasalin ng mga natukoy na mahahalagang punto ng teksto
kung nasa katutubo o dayuhang wika.
3. Pagbubuod sa mahalagang mensahe o pangkalahatang punto
ng tekstong binasa.
4. Ikategorya ang nakalap na mahalagang punto at datos sa
pagbasa.
5. Mahalagang makapili, makapagpasya o makabuo ng sariling
lente mula sa mga tekstong binasa
Mga hakbang sa Kritikal na Pagsulat ng
Dalumat-sanaysay
D. Aktwal na Pagsulat, Pagsasanib ng mga
Sangkap sa Pagdadalumat
Sa aktwal na pagsulat himayin ang pangkalahatang
suliranin sa mga partikular na bahagi o sub-litulo ng paksa.
Magsimulang bumuo ng balangkas. Isa-isahin ang mga
argumento sa bawat aspekto o hati ng hinimay na suliranin
o sub-titulo.
1. Introduksyon - tatalakayin ang kaligiran ng paksa,
isyu at suluranin inihahapag sa pagdadalumat.
2. Daloy ng pagtalakay - ipinapaliwag ang lente,
konseptong gagawin, salimbayang pag-iisa-isa ng
mahahalagang punto, pagsusuri ng mga datos at
sariling palagay sa isyu.
3. Kongklusyon - pagtalakay sa mahahalagang
kaisipan o mensahe ng sanaysay na naglilinaw sa
tunguhin ng adbokasiya.
Mga tuntunin sa pagsulat
ng sanaysay
1. Panimula/Introduksyon
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay
sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa,
dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang
ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.
Paraan ng pagsulat
ng Panimula
Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang
impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye.
Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang
nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para
isipin niya.
Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gaya
ng libro, artikulo at iba pang sanaysay.
Paraan ng pagsulat
ng Panimula
Makatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap
na makakuha ng atensyon ng nagbabasa.
Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng
maikling ekplenasyon ng iyong sanaysay
Salaysay – isang ekplenasyon ng iyong sanaysay.
Mga tuntunin sa pagsulat
ng sanaysay
2. Katawan
Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa
bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa
mahahalagang puntosukol sa tema at nilalaman ng sanaysay,
Paraan ng pagsulat
ng Katawan
Pakronolohikal – Nakaayos ayon sa panahon ng
pangyayari
Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo o “side” ng
paksa.
Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema,
anggulo atbp ng isang paksa
Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple
hanggang komplikado at vise versa.
Mga tuntunin sa pagsulat
ng sanaysay
3. Wakas/Konklusyon
Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod
sa sanaysay.
Paraan ng pagsulat
ng Wakas
Tuwirang Pagsabi – mensahe ng sanaysay
Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng
sanaysay
Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan
ng isang retorikal na tanong
Pagbubuod – ng summary ng iyong sanaysay
Buod
Ang dalumat-sanaysay ay isang paraan ng pagsulat ng isang
pananalisik sa napiling paksa, na layuning makapagbahagi ng mga
impormasyon, mga kaalamang natuklasan sa ginawang pag-aaral
upang makatulong, makapaghikayat, tumuligsa at
makapagpaliwanag. Mahalaga rin ang pananaliksik upang
makatulong sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng
komunidad at ng ating bansa.
Salamat
SA PAKIKINIG!

You might also like