100% found this document useful (1 vote)
420 views21 pages

Janjan

Ang dokumento ay tungkol sa iba't ibang uri ng pagsulat tulad ng abstrak, buod, bionote at iba pa. Binigyang diin ang mga dapat tandaan at hakbang sa pagsulat ng bawat uri ng pagsulat.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
420 views21 pages

Janjan

Ang dokumento ay tungkol sa iba't ibang uri ng pagsulat tulad ng abstrak, buod, bionote at iba pa. Binigyang diin ang mga dapat tandaan at hakbang sa pagsulat ng bawat uri ng pagsulat.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Filipino

Ang Pagsulat

 Ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa


iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para
sa kanila.
 Ayon kay ROYO, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na “Pagbasa,
Pagsulat at Pananaliksik (2001),” malaki ang maitutulong ng pagsulat sa paghubog
sa damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipapahayag niya ang
kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga
pagdaramdam.

“Layunin at kahalagahan ng Pagsulat”

1) Personal o Ekspresibo- Ito ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan,


naiisip o nadarama ng manunulat. Sanaysay, tula, dula, maikling kwento, awit.
2) Panlipunan o Sosyal- Ito ay pakipag-ugnayan sa ibang tao sa lipunang
ginagalawan. Pagsulat ng liham, tesis, balita, disertasyon.

“Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat”

1) Wika– Nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,


damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais
sumulat.
2) Paksa– Ito ang nagsisilbing pangkalahatang ikutan ng mga ideyang dapat napaloob
sa akda.
3) Layunin– Ito ang nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng
iyong isusulat.

4) Pamaraan ng pagsulat
 Paraang Impormatibo– Layuning magbigay ng impormasyon o kabatiran
sa mambabasa.
 Paraang Ekspresibo– Ito ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,
paniniwala, ideya hingil sa isang tiyag na paksa batay sa kanyang sariling
pag-aaral o karanasan.
 Pamaraang Naratibo– Layunin nito ay magkwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkasunod-sunod.
 Pamaraang Deskriptibo– Ang pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga
katangian, anyo hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita,
narinig, naranasan at nasaksihan.
 Pamaraang Argumentatibo– Ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o
mangumbinsi sa mga mambabasa.
5) Pamaraang Pampag-iisip– Sa pagsusulat, dapat taglayin ng manunulat ang
kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong
mahalagang o mgaing ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.

6) Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat– Dapat ding isaalang-alang


sa pagsulat ang pagkakaroon sa sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa
wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbabay, paggamit ng
bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at
obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
7) Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin– Tumutukoy ito sa kakayahang
mailatay ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maaayos, organisado, obhetibo
at masining sa pamamaraang mula sa paniwala ng akda o komposisyon hanggang
sa wakas nito.

 Narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa


pagsulat:

1) Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa


pamamagitan ng obhetibong paraan.
2) Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mgs datos na kinakailanganin sa
isinasagawang imbetasyon o pananaliksik.
3) Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat
batay sa mga nakalap na impormasyon.
4) Mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng
aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
5) Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at
pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6) Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at
akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7) Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng impormasyon mula sa iba’t-
ibang labis ng kaalaman para sa akademikong pagsulat.
Iba’t Ibang Uri ng Lagom

 Abstrak– Ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong tulad ng tesis papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
 Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Abstrak
1) Bilang bahagi ng alintuntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko,
lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuuan
ng papel.
2) Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak.
3) Gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap.
4) Maging obhetibo sa pagsulat.
5) Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-
aaral sa ginawa.
 Mga hakbang sa pagsulat ng Abstrak
1) Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng
abstrak.
2) Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng
sulatin mula sa introduksiyon kaugnay na literatura metodolohiya, resulta at
kongklusyon.
3) Buoin gamit ang mga salita, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat
bahagi ng sulatin.
4) Iwasan maglagay ng mga graph, table at ilustrasyon at iba pa mailban nalang
kung sadyang kailangan.
5) Basahing muli ang ginawang abstrak.
6) Isulat ang pinal na sipi nito.

 Sinopsis|Buod– Isang uri ng lagom na kalamitang ginagamit sa mga akdang nasa


tekstong naratibo. Maaaring buoin ng isang talata o maging isang o ilang
pangungusap lang.
 Mga dapat tandaan sa pagsulat ng sinopsis o Buod
1) Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
2) Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
3) Kailangang mailahad o maisama nito ang mga pangunahing tauhan maging
ang kanilang mga gampanin at mga suliranin kanilang hinaharap.
4) Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginagamit sa
pagsulat.
5) Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o
kinuha ang orihinal sa sipi ng akda.
 Mga hakbang sa pagsulat ng Sinopsis o Buod
1) Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha
ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
2) Suriin at hanapin ang pangunahing at di-pangunahing kaisipan.
3) Habang nagbabasa magtala at kung maari ay magbalangkas.
4) Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro
ang isusulat.
5) Ihanay ang ideya sang ayon sa orihinal.
6) Basahin ang unang ginawa, suriin at kung maipaikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isulat sa buod.

 Bionote- Ito ay matuturing isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng


personal profile ng isang tao.

 Mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote


1) Sikaping maisulat lamang ito nang maikli.
2) Magsimula na pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa
iyong buhay.
3) Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang
pagkasulat.
4) Gawing simple ang pagkakasulat nito.
5) Basahing muli at muling isulat ang pina na sipi ng iyong bionote.
HALIMBAWA
Colored Stationery

 Puti- Ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direkta o impormasyon.


 Pink o Rosas- Ginagamit naman para sa request o order na nanggaling sa
purchasing department.
 Dilaw o Luntian- Ginagamit naman para sa mga memo na nanggaling sa marketing
at accounting department.

Memorandum o Memo

Isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala


tungkol sa isang mahalagang impormasyo Gawain o tungkulin o utos.

Uri ng Memorandum:

 Memorandum para sa kahilingan- Ipapahayag ang gustong ipaalam.


 Memorandum para sa kabatiran- Nagpapahayag ng sulat o impormasyon.
 Memorandum para sa Pagtugon- Iyong reply kung saan makakadalo ba kayo sa
isang imbirasyon.

Halimbawa:

Letter Head at Logo

Memorandum: (MEMORANDUM)

Para Kay: (Para kanino ang Memorandum)

Mula Kay: (Kanino nanggaling ang memorandum)

Petsa: (Kailan ginawa ang memorandum)

Paksa:

1) Sitwasyon- Panimula o layunin.


2) Problema- Nakasaad ang suliranin na dapat pagtuonan ng pansin.
3) Solusyon- Nakasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.
4) Panggglang o Pasasalamat- Pangwakas, wakasan ang memo sa
pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng panggalang.
HALIMBAWA
Agenda o Adyenda

 Ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.

Kahalagahan ng Adyenda

1) Ito ang nagsasaad ng sumususunod na imporamsyon.


a) Mga paksang tatalakayin.
b) Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa.
c) Oras na itinakda para sa bawat paksa.
2) Ito rin nagtatakda ng balangkas ng pulang tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga
paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3) Ito ang nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang
lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.
4) Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa
mga paksang tatalakayn o pagdidesisyunan.
5) Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling nakapukos sa mga paksang
tatalakayin sa pulong.

Mga dapat tandaan sa Pagsulat ng Adyenda

1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakakatanggap ng sipi ng adyenda.


2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahalagang paksa.
3. Manatili sa schedule ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng agenda.
5. Ihanda ang mga kakailnganing dokumento kasama ng agenda.
HALIMBAWA
Katitikan ng Pulong

 Sinusulat bilang isang pormal, obhetibo, at komprehensibo ang mga detalye.


Tinatawag din itong “minutes of the meeting.”

Mahalagang bahagi sa pagsulat ng katitikan ng Pulong

1) Heading- Ito mababasa ang pangalan ng kompanya, address at logo ng


kompanya.
2) Mga Kalahok o Dumalo- Sino-sino ang mga tao o mga kasali sa ginawang
pulong at kailangang ilagay ang espisikong posisyon nila.
3) Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng Pulong– Dito makikita kung
saan ang mga batas ba ay napagtibay o may pagbabago bang nangyayari.
4) Action Items o Usaping Napagkasunduan- Sa bahaging ito ay makikita kung sino
ang nagtalakay nito. Ano-ano ang mga paksa o batas na sinang-ayunan ng
lahat at kalakip na din ditto ang taong nagtalakay.
5) Pabalita o Patalastas- Hindi lahat ng katitikan ng pulong ay pabalita o
patalastas. Ano ang suhestiyon nila sa susunod na pulong.
6) Iskedyul ng sususnod na Pulong- Mababasa kung kailan o saan gagawin ang
susunod na pulong.
7) Pagtatapos- Mailista kung kailangan magsimula at magtapos ang pulong.
Isusulat kung kailan nagtapos ang pulong.
8) Lagda- Nakalagay ito sa pangalan ng taong komuha ng katitikan ng pulong.

Mga dapat gawin ng mga taong naatasang kumuha ng Katitikan ng Pulong

1. Hanggat maari ay hindi participant sa nasabing pulong.


2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at nakaraang pulong.
5. Nakapukos o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginawa ay nagtataglay ng tumpak at
kompletong reading.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyu na napagdesisyunan ng lipunan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos at katitikan pagkatapos ng pulong.
Mga dapat gagawin habang isinasagawa ang Pulong

1. Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng
bawat isa.
2. Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na
matukoy kung sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.
3. Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
4. Itala lamang ang mahalagang ideya o puntos.
5. Itala ang mga mosyon suhestiyon maging ang pangalan ng taong magbanggit
nito gayundin ang sumang-ayon at ang maging resulta ng botohan.
6. Itala at bigyang pansin ang mga mosyon ng pagbobotohan o pagdedesissyunan
para sa susunod na pulong.
7. Itala kung anong oras natapos ang pulong.

Mga dapat gagawin sa pagkatapos ng Pulong

1. Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang


sariwa pa sa isip ang lahat ng tumalakay.
2. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisaayon, pangalan ng
komite, uri ng pulong at maging ang layunin nito.
3. Itala kung anong oras ito magsimula at matapos.
4. Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa
pagpapadaloy ng pulong.
5. Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinaukulan para sa
huling pagwawasto nito.
6. Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa
pagpapadaloy nito.

Tatlong Estilo ng katitikan ng Pulong

1. Ulat ng Katitikan- mababasa kung sino-sino ang mga taong nandoon,


tumalakay sa paksa kasama ang mga pangalan ng taong sumang ayon sa
pulong.
2. Salaysay ng Katitikan- Isanasalaysay lamang ang mga mahalagang detalye
ng pulong.
3. Resolusyon ng Katitikan- nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng
isyung napagkasunduan ng samahan.
HALIMBAWA
Ang Panukalang Proyekto

 Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga non-government organization (NGO) sa paglikha ng
mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.

 Mga dapat gawin sa pagsulat ng Panukalang Proyekto:


a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto.
b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto.
c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito.

A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang mahalagang
hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad,
samahan, o kompanya pag–uukulan ng iyong project proposal. Sa madaling salita,
ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.

 Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayan


o kompanya.
 Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap ka ng
mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto.
 Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay.

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


1. Layunin- sa bahaging layunin makikita ang mga bagay na gustong makamit o
ang pinaka-adhikain ng panukala. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner
(2005), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos.
Measurable- may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto.
Pratical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin.
Evauable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

2. Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang
buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang
na isasagawa upang malutas ang suliranin.
3. Badyet- Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay
ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Narito ang
ilang mahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa
panukalang proyekto ayon sa datos mula sa modyul tungkol sa pagsulat ng
panukalang proyekto na may pamagat na “Paghahanda sa Isang Simpleng
Proyekto.”
a. Gawing simple ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya ng
pamahalaan o institusyon na mag–aaproba at magsasagawa nito.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin
ang mga ito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng
pamahalaan, o maaaring kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay
kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal.
d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin.

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito


Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprobahan kung malinaw na nakasaad
dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa
kanila.

 Balangkas ng Panukalang Proyekto


1. Pamagat ng Panukalang Proyekto- kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na
pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala- naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa- o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging
ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
5. Layunin- naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa
ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin- dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga
gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at
bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.
8. Paano Mapakinabangan ng Pamayanan\Samahan ang Panukalang Proyekto-
kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad
dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benipisyong makukuha nila mula
rito.
HALIMBAWA
Posisyong Papel
 Ayon kay Jocson,et al, sa kanilang aklat na “Pagbasa at pagsulat Tungo sa
Pananaliksik (2005), ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o
argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod na mga paliwanag:
 Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay
na tinatanggap ng nakakarami.
 Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang
katotohanan.
 Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at
maipahayag ang mga opinyong ito sa iba.
Mga hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag na tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangalap ng mga kakailanganing ebidensya.

Balangkas ng Posisyong Papel


I. Panimula
a. Ilahad ang paksa.
b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga
itong pag-usapan.
c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa isyu.
II. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong tumututol o
kumokontra sa iyong tesis.
a. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.
b. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na
counterargument.
c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong
inilahad.
d. Magbigay ng mga patunay para mapagpatibay ang iyong ginawang panunuligsa.
III. Paglalahad ng iyong posisyon o pangangatwiran tungkol sa isyu.
a. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
b. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
c. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.
IV. Kongkulsyon
a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.
b. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makakatulong sa
pagpapabuti ng kaso o isyu.
HALIMBAWA
Ang Lakbay Sanaysay

 Ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng latlahaing ang
pangunahing layunin ay maitala ang mga nagging karanasan sa paglalakbay.

Mga dahilan ng pagsulat ng Lakbay Sanaysay:

 Una, upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsulat.


 Pangalawa, layuning din nitong makalikha ng patunay ng patnubay para sa mga
posibleng manlalakbay.
 Pangatlo, sa lakbay sanaysay, maaari ding itala ang pansariling kasaysayan sa
paglalakbay tulad ng ispiritwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtutuklas sa sarili.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Lakbay Sanaysay:

1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.


2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
4. Magtala ng mahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dekumentasyon
habang naglalakbay.
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutunan sa ginawang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

Balangkas sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay:

 Uri ng kaisipan ng sumulat.


 Panauhang ginagamit sa pagsulat.
 Pokus ng Lakbay- Sanaysay.
 Mga realisasyon o mga natutunan sa ginawang paglalakbay.
 Teknikal na pagkakasulat ng sanaysay (kaisahan, kalinawan, kawastusan,
kaangkupan).
HALIMBAWA
Ang Pictorial Essay

 Ay isang sulatin kung saan higit na nakakarami ang larawan kaysa sa salita o
panulat. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo na’t
karamihan ng lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan.

Sa pagsulat ng Pictorial Essay dapat lamang tandaan ang sumusunod:

 Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinasaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat


ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag.
Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga
larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
 May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.
 Isipin ang mga manonood o masa upang mabatay sa kanilang kaisipan at interes
ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulatng mga
caption.
HALIMBAWA

You might also like