You are on page 1of 7

PFPL REVIEWER

Pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng naiisip at nararamdaman na kailanma’y hindi


mawawala sa isipan ng bumasa at babasa sapagkat ito ay nagpasalin-salin sa bawat panahon.

Layunin sa Pagsulat

- Personal o Ekspresibo
- Panlipunan o Sosyal

Ang layuning personal o ekspresibo ay tumutukoy sa layuning nakabatay sa pansariling


pananaw o karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. Sa ganitong pamamaraaan ng
pagsusulat, ang mambabasa ay maaaring makaramdam ng iba’t ibang uri ng emosyon gaya
ng kasiyahan, kalungkutan, pananabik at iba pang uri ng emosyon na maaaring nararamdaman
ng manunulat habang siya ay nagsusulat

Ang pangalawang uri ay ang panlipunan o sosyal o transaksiyonal. Ito ang layuning makipag-
ugnayan sa mga tao o sa lipunan. Sa layuning ito, nagsusulat ang manunulat nang may layuning
makipag-ugnayan sa mga tao o sa lipunan.

Mga Gamit sa Pagsusulat

1. Wika - Ito ang magsisilbing instrumento upang maisatitik ang mga kaalaman, kaisipan,
damdaming nararamdaman, impormasyon, karanasan at iba pang bagay nais ilahad ng
manunulat sa pamamagitan ng pagsulat.
2. Paksa - Ang paksa ang iikutan ng mga ideyang nakapaloob sa akda o komposisyong
isusulat.
3. Layunin - Ang layunin ang magsisilbing gabay sa pagsulat. Kailangang maging malinaw
ang nais matamo sa pagsusulat upang maging malinaw ang ideya sa pagsusulat.
4. Pamamaraan ng Pagsulat - May limang pamamaraan na maaaring gamitin sa pagsulat;
ang impormatibo, ekspresibo, naratibo, deskriptibo at argumentatibo.

Ang Akademikong Pagsulat

- ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga


ideyang pinangangatuwiranan. Ito ang uri ng pagsulat na madalas na ginagamit at
ginagawa ng mga mag-aaral sapagkat ito ang uri ng pagsulat na nagpapakita ng
kinalabasan ng isang pananaliksik.

Halimbawa ng mga Akademikong Sulatin na naglalahad


1. Abstrak
2. Sinopsis
3. Buod
4. Bionote

Halimbawa naman ng akademikong sulatin na nangangatuwiran

1. Panukalang Proyekto
2. Posisyong Papel
3. Talumpati

Mga sulating akademiko naman na naglalarawan

1. Lakbay Sanaysay
2. Photo Essay
3. Replektibong sanaysay

ABSTRAK - Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para


sa tesis,papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o
mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
SINTESIS - Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan
ng buod, tulad ng maikling kwento.
BIONOTE - Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang
academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
MEMORANDUM - Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping
pagpupulong o pagtitipon.
AGENDA - Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa
pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng at organsadong pagpupulong.
PANUKALANG PROYEKTO - Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais
ipatupad.
TALUMPATI - : Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong
manghikayat, tumugod, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman.
KATITIKAN NG PULONG - Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
POSISYONG PAPEL - Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama.
Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
REPLEKTIBONG SANAYSAY - Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik-tanaw
ang manunulat at nagrereplek. Nangangailangan ito ng reaksyon at opinyon ng
manunulat.
PICTORIAL ESSAY - Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga
salita.
LAKBAY SANAYSAY - Ito ay isang uri ng sanaysay na makapagbabalik-tanaw sa
paglalakbay na ginawa ng manunulat.
Katangian ng isang Akademikong Sulatin
1. Obhetibo - Ang inilalahad sa akademikong pagsulat ay mga pahayag na tiyak at
tototo. Hindi hinihikayat ang paglalahad batay sa sariling opinyon o paniniwala ukol
sa isang paksa.
2. Pormal - Ginagamit sa akademikong pagsulat ang istandard na Filipino kaya
mahalagang maging gamitin ang mga salitang pormal sapagkat ito ay isang pormal na
pagsulat.
3. Maliwanag at Organisado - Mahalaga ang maayos na pagkakasunod-sunod sa
akademikong pagsulat.
4. May panindigan - Nakatutulong ang pagbabasa, pananaliksik sa iiba’t ibang pag-
aaral upang makapagsulat nang may paninindigan.
5. May pananagutan - Ang paglalahad ng mga sangguniang pinagmulan ng mga
nakalap na impormasyon ay dapat bigyan ng karampatang pagkilala.

Mga Uri ng Lagom

Ang Abstrak ay ginagamit sa pagsulat ng iba’t ibang akademikong papel tulad ng


tesis, lektyur at iba pa. Ito ay bahagi ng mga akademikong papel na makikita sa
unahang bahagi. Ito ay naglalaman ng mahahalagang elemento gaya ng panimula,
mga kaugnay na pag-aaral, metoolohiya at kongklusyon.

Ang sinopsis ay isang uri ng pagbubuod na ginagamit sa iba’t ibang uri ng akdang
pampanitikan gaya ng maikling kuwento,nobela, pabula, parabola, dula at iba pa. Ito
ay binubuo ng isang talata o ng ilang pangungusap. Kabaliktaran sa unang binaggit na
uri ng pagbubuod, ang sinopsis ay binubuo gamit ang sariling mga salita na
naglalayong makabuo ng pangunahing kaisipan na madaling maunawaan ng mga
mambabasa.

Mga Dapat Tandaan


1. Ikatlong panauhan ang gamitin tulad ng siya, sila, niya at iba pa.
2. Tandaang kailangang isulat ang pinaghanguan o sanggunian ng orihinal na sipi.
3. Ang wastong gramatika, pagbabaybay, tamang paggamit ng bantas at salita
ay mahalaga.
4. Mahalagang hindi mabago ang damdaming namamayani sa akda tulad ng
kalungkutan, kasiyahan, kabiguan at iba pa.
5. Ang mga elemento ng akda ay dapat maisulat sa iyong sinopsis kasama na rito
ang pangunahing tauhan, suliranin, kasukdulan, kakalasan at wakas.
6. Gumamit ng mga pang-ugnay kung ang iyong sinopsis ay binubuo ng dalawa o
higit pang talata upang maging maayos ang pagkasunod-sunod ng ideya o
pangyayari.
Mga Hakbang sa Pagsulat
1. Basahin at unawaing mabuti ang akda upang makuha ang pangunahing kaisipan
ng akda.
2. Magtala ng mga pangyayari o maaaring gumawa ng balangkas. Ito ay
makatutulong upang suriin ang mahalaga at hindi mahalagang pangyayari sa akda.
3. Siguraduhing ang pangungusap ay hindi naglalahad ng sariling opinyon.
4. Basahin at suriin ang ginawa.

Ang bionote ay isang uri ng pagbubuod na naglalaman ng mga personal na


impormasyon ng isang tao.Inilahad nina Duenas at Sanz (2012) na ito ay tala ng mga
pangyayari sa buhay ng tao na nauugnay sa larang na tinahak. Karaniwang mababasa
ang bionote sa aklat, abstrak, website at iba pa.

Mayroong mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote at ito ay ang


sumusunod.
1. Basahin at suriin ang pinal na sipi upang masiguradong maayos ito.
2. Kailangang siguraduhin na ang pagsulat ng bionote ay obhetibo at
makatutulong ang paggamit ng ikatlong panauhan.
3. Mahalagang maging simple ang pagsulat. Gumamit ng mga payak na pahayag
upang madaling maunawaan sapagkat ito ang maglalarawan sa iyo.
4. Gawing maikli ang bionote. Sa pagbuo ng resume, sikaping 200 na salita lamang
ang gagamitin at 5 hanggang 6 na pangungusap kapag ito ay gagamitin sa isang
website.
5. Magsimula sa paglalahad ng mga personal na impormasyon. Kasunod ng mga
impormasyon ukol sa mga interes at tagumpay sa buhay. Mahalagang maisulat
lamang ang dalawa hanggang tatlong tagumpay na pinakamahalaga at nauugnay sa
sinulat.

Memorandum, Adyenda, at Katitikan ng Pulong.

Ang adyenda ay talaan, plano at balangkas ng mga gawaing kailangang maisakatuparan o mga
bagay na kailangang pag-usapan o pagplanuhan. Ito ay inihahanda bago ang pagpupulong upang
maging maayos ang daloy ng pagpupulong.

Kahalagahan ang adyenda sa pagpupulong

1. Ito ay nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksa.

2. Ito ay naglalaman ng mga paksang tatalakayin, mga taong magpapaliwanag sa paksa


at ang oras na itinakda sa pagtatalakay sa bawat paksa.
3. Ito ay nakatutulong upang maging handa ang mga dadalo sa pagpupulong sa paksang
tatalakayin.

4. Ito ay nagsisilbing gabay upang umikot lamang sa mga paksa ang pag-uusapan sa
pagpupulong.

Hakbang na sinusunod sa paggawa ng adyenda

1. Magpadala ng memo na nagsasaad ng araw, oras, lugar at paksa o layunin ng pagpupulong.

2. Siguraduhing ang paksa ay may kaugnayan sa layunin ng pulong. Pagkatapos, gumawa ng


talahanayan ng mga paksang tatalakayin, taong magtatalakay at ang minutong gugugulin sa
pagtatalakay nito.

3. Padalhan ng kopya ng adyenda ang mga taong dadalo sa pagpupulong dalawang araw
bago ang pagpupulong. Huwag kalilimutang ilagay ang layunin, kailan at saan gaganapin ang
pagpupulong.

Ang memorandum o memo ay isang dokumento na nagbibigay kabatiran ukol sa gagawing


pagpupulong, impormasyon, gawain o utos. Ito rin ay naglalaman ng layunin o paksang
tatalakayin sa gawaing isasagawa.

Ang isang mabisang memo ay taglay ang letterhead, para sa, para kina o para kay, mula kay,
petsa, paksa, mensahe at lagda.

1. Letterhead - Sa bahaging ito makikita ang logo at pangalan ng institusyon kasama rin
ang telepono at lugar kung saan matatagpuan ang institusyon.
2. Para sa, para kay/para kina - Naglalaman ito ng pangalan ng tao, mga tao o maaari ring
grupong pinag-uukulan ng memo.
3. Mula kay - Inilalahad dito ang pinagmulan ng memo o ang gumawa ng memo.
4. Petsa - Makikita rito ang araw kung kailan ipinadala ang memo at kung kailan gagawin
ang gawain.
5. Mensahe - Hindi kailangang mahaba ang mensahe ng isang memo ngunit mahalagang
mabasa ang sitwasyon, problema , solusyon at paggalang o pasasalamat.
6. Lagda - Ang lagda ng nagpadala na inilalagay sa ibabaw ng kanyang opangalan sa
bahaging mula kay.

Katitikan ng Pulong - Mahalagang maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan sa isang


pagpupulong. Ang tawag sa dokumento na naglalaman ng mahahalagang pinag-usapan sa isang
pagpupulong ay tinatawag na katitikan ng pulong.

Mahahalagang bahagi ang katitikan ng pulong

Heading - Ang bahaging ito ay naglalaman ng pangalan ng samahan, departamento o kompanya.


Mga Kalahok sa Pagpupulong - Makikita sa bahaging ito ang nanguna sa pagpupulong at ang
mga dumalo kasama na rin ang mga pangalan ng hindi nakadalo sa pagpupulong.

Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong - Nakalagay rito kung ang nakalipas na


katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa.

Iskedyul ng susunod na pulong - Inilalahad sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pagpupulong.

Pagtatapos - Makikita ang oras ng pagtatapos ng pulong.

Lagda - Nakalagay ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kailan ito
isinumite.

Ang Posisyong Papel

Ang panukalang proyekto ay isang sulatin na naglalaman ng ng mga plano ng gawaing


ihaharap sa mga tao o samahang pag-uukulan na tatanggap at magpatibay nito.

Sa pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto mahalagang malaman muna ang


pangangailangan ng isang komunidad, samahan o kompanyang pag-uukulan ng project
proposal.

Layunin ay kailangang maging SIMPLE.

Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto

Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian matatapos

Measurable- may basehan o patunay na naisakatutuparan ang proyekto

Practical- nagsasaad ng solusyon sa suliranin

Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto

Evaluable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto

Katangiang taglay ng badyet

1. Kailangang maging simple at malinaw ang badyet upang madaling maunawaan.

2. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon.

3. Isama sa badyet kahit ang huling sentimo.

4. Siguraduhing tama ang pagkukuwenta ng mga gastusin.


Ang huling gagawin sa pagsusulat ng isang panukalang proyekto ay ang paglalahad ng
benepisyo at mga makikinabang nito. Mahalagang tiyakin sa isang panukala kung sino ang
makikinabang.

Posisyong Papel

Hakbang sa pagsulat ng posisyong papel

1. Pumili ng paksang napapanahon


- Ang pagpili ng isang paksa o isyung napapanahon ay makatutulong upang mapukaw ang
interes ng mga mambabasa
2. Gumawa ng panimulang pananaliksik tungkol sa napiling paksa
- Ang pagsasagawa ng panimulang pananaliksik ay tumutukoy sa pangangalap ng
sapat na impormasyon o datos ukol sa paksang isusulat.
3. Bumuo ng thesis statement
- Ang thesis statement ay ang pangunahing kaisipan o ang iyong paninindigan sa isusulat
na posisyong papel.
4. Subukin ang kalakasan ng iyong posisyon
- Mahalagang malaman ang mga pagsubok na kakaharapin sa pagsusulat ng posisyong
papel. Alamin kung may sapat na ebidensiya o pagpapatunay upang mapatunayan ang
tayo o posisyon.
5. Bumuo ng Balangkas
- Makikita sa ibaba ang balangkas na maaring gamitin

I. Panimula
II. Maglahad ng Counterargument
III. Paglalahad ng Posisyon o Pangangatuwiran
IV. Kongklusyon

You might also like