0% found this document useful (0 votes)
18 views6 pages

Reviewer FSPL 2025

vvhb

Uploaded by

Hannah
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
18 views6 pages

Reviewer FSPL 2025

vvhb

Uploaded by

Hannah
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Pagsulat

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong
salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan (Bernales,
et.al)

Ayon kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng
mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.

Layunin ng Pagsulat

Personal o Eksprisibo

Kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.

Panlipunan o Sosyal

Kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan.

Mga Uri ng Pagsulat

Malikhaing Pagsulat - Layuning maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng
mga mambabasa.

Teknikal na Pagsulat - Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan
para lutasin ang isang suliranin.

Dyornalistik na Pagsulat - Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan
para lutasin ang isang suliranin.

Reperensyal na Pagsulat - Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon

Propesyonal na Pagsulat - Ito ay may kinalaman sa mga sulatin ng isang tiyak na larangan o sa napiling propesyon o
bokasyon ng isang tao.

Akademikong Pagsulat - Isang intelektwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal
sa iba’t ibang larangan.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT

Bago Sumulat - Ito ang pinakamahirap na hakbang sa pagsulat, ang pag-uumpisa lalo na’t nakaharap ka sa isang blangkong
papel na nag-aantay ng paglapat ng iyong mga ideya.

Pagbuo ng Unang Burador - Ang kaalaman sa pagbabalangkas ang pinakamahalagang matutunan sa hakbang na ito,
kinakailangan ay magkaroon ka ng balangkas kung papaano mo nanaisin na maisulat at payabungin ang isang paksa sa
iyong akda.

Pag-e-edit at Pagrerebisa - Sa yugtong ito, inaayos ang unang draft. Iwinawasto ang mga kamalian tulad ng baybay, bantas,
at mismong ang nilalaman sa akademikong sulatin. Sa yugto ng pag-e-edit, may mga tiyak na simbolo upang ituwid ang
mga nakitang mali.

Huli at Pinal na Draft - Sa hakbang na ito dapat masiguradong pulido ang isinusulat at handang ipasa sa guro. Inaasahan
din na tama na ang pagkakabaybay ng mga salita, wasto ang pagkakagamit ng mga bantas at naisaalang-alang ang
pagkakaroon ng maayos na gramatika.

Paglalathala o Pagpapalimbag - Sa yugtong ito, maibabahagi sa mas maraming mambabasa ang impormasyong nais
ipabatid sa pamamagitan ng paglalathala.

Abstrak- Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel
na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

1. Bilang bahagi ng alintuntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang
ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o
datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.

2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.

4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at dapat ipaliwanag ng simple at
malinaw ang mga ito.

5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.

BUOD

Ito ay pinaikling bersiyon subalit hindi nangangailangan ng bagong ideya, opinyon, ukol sa nabasang akda.

HAKBANG

1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa.

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinulat..

5. Ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal.

6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaiikli pa ito ng hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa
ang isinulat na buod.

Sa pagbubuod naman ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa, maaring gumawa muna ng story map o graphic organizer
upang malinawan ang daloy ng pangyayari.

SINTESIS

Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles ay put together o
combine. Harper, 2016

Ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang sari-saring ideya o datos
mula sa iba’t ibang pinanggalingan ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa malinaw na kabuuan.Constantino et. al,
2016

ANG SINTESIS AY MAY TATLONG ANYO:

1. Explanatory Synthesis o Eksplanatori Sintesis

- Naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay. Gumagamit ng
deskripsyon o paglalarawan

2. Argumentative Synthesis o Argumentatib Sintesis

- Naglalahad ng pananaw ng sumulat. Sinusuportahan ang mga pananaw ng mga makatotohanang impormasyon hango
sa iba’t ibang sanggunian. Pinupunto ang katotohanan, halaga ng mga isyu at/o impormasyong kaakibat ng paksa.

3. Comparative Synthesis o Komparatibong Sintesis

- Ikinukumpara at inihahambing ang iba’t ibang pananaw, teorya o pag-aaral tungkol sa isang tiyak na paksa. Layunin
nitong ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ideya o pananaw.

HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

1 Pumili ng paksa sa talaan na pinagsama-sama

2. Magbigay ng di bababa sa tatlong aklat na binasa sa klase at bigyang pansin ang tema o tanong na ibig mong bigyang
tuon.

3. Basahing mabuti ang bawat sanggunian at lagumin ang mga pangunahing ideya.

4. Isaayos ang mga paglalahat sa lohikal at may kaisahang paraan.

5. Suriing mabuti ang sanggunian para matukoy ang mga pagkakatulad at pagkakaiba.

6. Bigyang pansin ang mga ideya at hindi ang manunulat ng ideya.


7. Inererekomendang gumamit ng tuwirang sipi. Siguraduhin na isinasaalang-alang ang nilalaman at pagsulat.

8. Hanggat maaari gumamit ng makatotohanang halimbawa na sumusuporta sa iyong pangkalahatang argumento.

9. Sa konklusyon, lagumin at ayusin ang pangunahing ideya at kabuuang sintesis at panatilihing bukas sa isyu na maaari
pang saliksikin.

BIONOTE - ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao at academic
career. Ang bionote ay maikling bersyon ng autobiography o talambuhay.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Bionote

1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume, kailangang maisulat ito gamit ang 200
salita.

2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay ng mga
detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala ang mga tagumpay na nakamit, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong
(3) na pinakamahalaga.

3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.

4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at
makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.

5. Gumamit ng baligtad na tatsulok (PINAKAMAHALAGANG IMPORMASYON,MAHALAGANG IMPORMASYON,DI-


GAAANONG MAHALAGANG IMPORMASYON)

6. Basahing muli at isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.

PANUKALANG PROYEKTO

Ang Panukalang Proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong makatutulong sa pagkamit ng
layunin para sa pamayanan.

Isang inisyal na balangkas para sa pagtataguyod ng konsepto ng proyekto at kasama ang nais mong makamit, paliwanag
ng mga layunin, at mga plano para sa pagkamit ng mga ito.
TALUMPATI

- Paglalahad ng kaisipan o opinion sa pamamgitan ng pagsasalita sa entablado sa harap ng grupo ng mga tao.

- Isang masining na paraan ng pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig

- Layunin nito manghikayat, mangatwiran, magbigay impormasyon, magbigay-aliw, papuri, at iba pa

Uri ng Talumpati ayon sa Nilalaman

Talumpating impormatibo (Informative Speech)

- Magbigay ng kaalaman o impormasyon sa mga tagapakinig.

- Naglalahad ng kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa.

- Karaniwang ginagamit ito sa mga seminar, lektura, o presentasyon sa klase.

Talumpating Nanghihikayat (Persuasive Speech)

- Hikayatin o impluwensyahan ang mga tagapakinig na pumanig o maniwala sa isang ideya, opinyon, o pananaw.

- madalas na nakatuon sa emosyonal na aspeto ng tagapakinig upang makuha ang kanilang suporta o pagsang-ayon.

- Pangangampanya ng isang politiko, talumpati tungkol sa mga isyung panlipunan gaya ng pagbabago ng klima.

Talumpating Nangangatwiran (Argumentative Speech)

- naglalahad ng mga argumento upang hikayatin ang mga tagapakinig na pumanig sa kanyang opinyon o paniniwala
tungkol sa isang isyu.

- Ginagamit dito ang mga ebidensya at lohikal na pangangatwiran upang suportahan ang pahayag.

- Debate, Pampulitikang Talumpati, Mga Legal na Pagtatalo, Adbokasiya

Talumpating Nagpapakilala (Introduction Speech)

- ipakilala ang isang tao, ideya, o paksa sa harap ng publiko.

- ginagamit sa mga pormal na okasyon o pagtitipon kung saan ang espesyal na bisita o speaker ay bibigyang pugay
o pagpapakilala.

Talumpating Panlibang (Entertainment Speech)


- Magbigay-aliw o magsilbing pampalibang sa mga tagapakinig. Maaaring ito ay mapagpatawa o makapagbigay ng
kasiyahan.

- stand-up comedy acts o talumpating may kasamang kwento at biro.

Talumpating Papuri

Ang layunin ng talumpating ito ay ang magbigay ng parangal sa isang tao dahil sa kanyang nagawa. Kadalasan ito’y
ginagawa upang bigyag halaga ang isang tao sa kabutihang nagawa nito para sa iba.

Heto ang mga halimbawa ng okasyon kung saan ginagamit ang talumpati na papuri:

 Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan


 Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
 Pamamaalam sa isang yumao
 Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

TALUMPATING PANGKABATIRAN - Ginagamit sa mga kumbensyon,panayam, at pagtitipong


Pansyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa.Kalimitag makikita sa mga
talumpating ito ang mga kagamitang pangtulong upang maliwanagan at ganap na maunawaan ang paksang
tinatalakay.

URI NG TALUMPATI AYON SA PAMAMARAAN O AYON SA KUNG PAANO ITO BINIBIGKAS SA


HARAP NG TAGAPAKINIG

1. BIGLAANG TALUMPATI (IMPROMPTU) DAGLI - hindi pinaghandaan


Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa
oras ng pagsasalita. Ang susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang
maibahagi sa tagapakinig.
2. MALUWAG (EXTEMPORANEOUS)- may maikling panahon na ibinibigay sa mananalumpati upang pag-
isipan ang sasabihin. Hindi isinulat at hindi isinaulo ang mga sasabihin Sa talumpating ito, nagbibigay
ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.
Kaya madalas na outline lamang ang isinusulat ng mananalumpating gumagamit nito.
3. PINAGHANDAAN- isinulat, binabasa o isinaulo ang talumpati at may sapat na pag-aaral sa paksa

A. MANUSKRITO – Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa

pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Ang nagsasalita ay nakadarama
ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin. Kailangan ang
matagal na panahon sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati sapagkat ito ay itinatala. Limitado
rin ang oportunidad ng tagapagsalitang maiangkop ang kanyang sarili sa okasyon. Karaniwan din ay
nawawala ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahil sa pagbabasa ng
manuskritong ginawa

B. ISINAULONG TALUMPATI – Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-
aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. May opurtunidad na
magkaroon ng pakikipag ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi
sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. Ang isang kahinaan ng ganitong talumpati ay pagkalimot sa
nilalaman ng manuskritong ginawa

Mga Gabay o hakbang sa Pagsulat ng Talumpati

1.. Pagpili ng Paksa


- Pumili ng paksang naaayon sa interes at napapanahon. Tiyaking may sapat na kaalaman sa paksang Napili.
2. Layunin at Tagapakinig
- Alamin ang layunin ng talumpati
- Isaalang-alang ang mga tagapakinig. Pukawin ang kanilang interes at huwag gumamit ng mga Jargons.
3. Magsaliksik ng mga datos bilang suporta
- Tumpak na mga datos at impormasyon ang dapat gamitin.
- Kumuha sa mga mapagkakatiwalaang reperensyal, artikulo, libro at iba pa.
4. Pagbabalangkas ng talumpati
PANIMULA (INTRODUCTION)- isang malakas na panimulang bahagi na makakakuha ng atensyon ng tagapakinig.
KATAWAN (BODY)- ilatag ang mga mahahalagang punto o impormasyong nais talakayan at magbigay ng mga halimbawa
o suportang mga datos.
WAKAS (CONCLUSION)- Ilagay ang konklusyon ng ginawang talumpati. Magtapos sa isang makatawag pansin na paraan.

5. Unang burador o draft


- Gawing gabay ang sinulat na balangkas
6. Pag-edit at rebisa
- Ayusin ang ginawang draft at basahing muli upang masiguro ang ayos at organisasyon nito.
7. Pinal na draft
8. Pagsanay o Paghahanda sa gagawing talumpati
- pag-ensayo o praktis sa darating na talumpati

Mga Dapat Tandaan sa Pagtatalumpati

1. Wasto at malinaw ng pagbigkas ng mga salita

2. Tinig- malakas at malinaw na pagbigkas ng mga salita

3. Tindig- tindig na may kumpyansa at tiwala sa sarili

4. Galaw- kilos ng nagtatalumpati. Galaw ng mata, ekspresyon ng mukha, galaw ng ulo at katawan.

5. Kumpas ng mga kamay- nakakatulong sa pagbibigay-diin sa sinasabi o ideyang nais iparating

• Palad na nakalahad- Pagtanggap

• Palad na nakataob o kuyom- galit o poot

Tandaan: Ang pagsusulit ay hindi lamang pagsubok ng talino, kundi pagsubok rin ng determinasyon at
disiplina. Manalig ka sa sarili mo—kaya mo 'yan! Goodluck!

You might also like