You are on page 1of 5

PILING LARANG

AKADEMIKONG PAGSULAT

Pagsulat
- pagsasalin sa papel o anumang kasangkapan maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o
mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
- Pisikal at mental na aktibiti

Mga Layunin sa Pagsulat:


- Impormatib na pagsulat
- Mapanghikayat na pagsulat
- Malikhaing pagsulat

• Ano ang Akademikong Pagsulat?


- Ito ay nagluluwal ng mga pormal na sulatin, ulat, eksperimento, imbestigasyon,
pagsusuri o kritisismo, rebyu, pamanahon papel, tesis, disertasyon sanaysay
tungkol sa kasaysayan,manwal, at mapanuring sanaysay.

Mga Halimbawa:

Abstrak
Panukalang proyekto
Talumpati
Posisyong papel
Katitikan ng Pulong
Lakbay-Sanaysay
Bionote
Piktoryal na sanaysay

Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

1. Katotohanan - Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang


manunulat ay nakakagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.

2. Ebidensya - Ang iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga


mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang
inilalahad.

3. Balanse - Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga


haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang
pagkiling,seryoso at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling,
seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.
Ang Akademikong pagsulat ay:
- pormal
- seryoso ang tono
- direct to the point ang paglalahad
- hindi ginagamitan ng mabubulaklak na salita
- Pinahahalagahan ang kawastuan ng mga impormasyon bunga ng masinop na
pananaliksik
- pinapahalagahan sa taong nagsusulat, sa taong nagbabasa,at sa lipunan

ABSTRAK

Layunin: Maipakita ang maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral

Gamit: Karaniwang gamit sa akademikong papel na kalimitang inilalagay sa mga


pananaliksik, mga pormal na papel,mga teknikal na papel, mga lektyur, mga report,mga
nilalaman at datos nito.

Katangian: Sinusunod ng sulatin na ito ang siyentipikong pamamaraan ng paglalahad


ng mga nilalaman at datos nito.

SINTESIS
Layunin: Mabigyan ng pinaikling bersyon o buod ang mga teksto na maaaring
pinanood, napakinggan o nakasulat na akda.

Gamit: Ginagamit ito para ipabatid sa mga mambabasa ang kabuoang nilalaman ng
teksto sa maikling pamamaraan.

Katangian: Kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Naglalaman ng


mahahalagang ideya at mga sumusuportang ideya at datos

Dalawang Anyo ng Sintesis:


Explanatory Synthesis – isang sulating naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na
lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay.
Argumentative Synthesis – ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat
nito.

BUOD
- tala ng indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa narinig o nabasang artikulo,
balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.

BIONOTE

Layunin: Magbigay ng makatotohanang impormasyon ng isang indibidwal tungkol sa


mga nakamit at nagawa bilang isang propesyonal sa napiling larangan.
Gamit: Ginagamit itong talaan tungkol sa kwalipikasyon at kredibilidad ng isang taong
panauhin sa isang kaganapan o kaya ay manunulat ng aklat.

Katangian: Maikling deskripsyon sa mga pagkakakilanlan ng isang manunulat na


matatagpuan sa likod na pabalat ng aklat o impormasyon tungkol sa guest speaker.

PANUKALANG PROYEKTO
Layunin: Proposal sa proyektong gusting ipatupad na naglalayong mabigyan ng resolba
ang mga suliranin.

Gamit: Ito ay ginagamit sa gabay sa pagpaplano at pagsasagawa nito para sa isang


establisyemento o institusyon.

Katangian: Ipakita ang kabuoang detalye sa gagawing proyekto tulad ng badyet,


proponent, deskripsyon, at bunga ng proyekto.

TALUMPATI
- isang “pormal na pahayag sa harap ng publiko” at “pormal na pagtalakay ng isang
paksa para sa mga tagapakinig.

Layunin: Magpapaliwanag ng isang paksang nanghihikayat , tumutugon, mangatuwiran,


at magbigay ng mga kabatiran o kaalaman sa mga mambabasa.

Gamit: Ito ay ginagamit sa pagbabahagi ng mga karanasan at iba pa.

Katangian: Maaaring pormal at nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw na


ayos ng mga ideya.

Mga Anyo ng Talumpati:


1. Ang talumpati ng pagtanggap
2. Ang talumpati ng pagtatapos
3. Ang luksampati
4. Ang talumpati ng pamamaalam
5. Ang impormatibong talumpati
6. Ang talumpati ng pag-aalay
7. Ang brindis
Mga Uri ng Talumpati:
1. Talumpating impormatibo
2. Talumpating naglalahad
3. Talumpating mapanghikayat
4. Talumpating mapang-aliw
Mga bahagi ng talumpati
- Simula, Katawan, Wakas

KATITIKAN NG PULONG
Layunin: Magtala o irekord ang mahahalagang puntong nailahad, diskusyon, at
desisyon ng mga dumalo sa isang pagpupulong.
Gamit: Ginagamit ito para ipaalam sa mga kasangkot ang mga nangyari sa pulong at
magsilbing gabay para matandaan ang mga ideya ng pinag-usapan.

Katangian: Pagtibayin ang nilalaman ng mga usapin sa pulong sa pamamagitan ng mga


lagda ng dumalo.

POSISYONG PAPEL
Layunin: Maipaglaban kung ano ang alam na katotohanan. Ito ay nagtatakwil ng
kamalian o mga kasinungalingang impormasyon.

Gamit: Karaniwang ginagamit ang sulatin na ito sa akademya , politikal, at batas.

Katangian: Ito ay pormal at organisadong isinusulat ang pagkakasunod-sunod ng mga


ideya.

REPLEKTIBONG SANAYSAY
Layunin: Magbalik-tanaw angmay akda at nang may pagninilay.

Gamit: Isang sulatin na kinapapalooban ng mga reaksyon, damdamin, at ng mga


opinion ng may-akda sa isang pangyayari.

Katangian: Masining at malikhain ang pagkakasulat tungkol sa isang kaganapan.

AGENDA
Layunin: Ipabatid ang paksa na tatalakayin sa pagpupulong at para na rin sa kaayusan
at organisadong pagpupulong.

Gamit: Ito ay ginagamit sa mga pulong upang ipakita ang inaasahang paksa at usaping
tatalakayin.

Katangian: Isang maikling sulatin na nagpapabatid ng lalamanin ng pulong.

PIKTORYAL NA SANAYSAY
Layunin: Makabuluhan at organisadong pagpapahayag sa mga litrato

Gamit: Ginagamit ang mga litrato para mabigyan ng kulay at kahulugan sa paglalahad
ng isang usapin o isyu.

Katangian: Mas maraming litrato ang laman ng sanaysay kaysa sa mga salita.
LAKBAY SANAYSAY
Layunin: Isang uri ng sanaysay na naglalayong makapagbaliktanaw sa paglalakbay na
ginawa ng may-akda.

Gamit: Ginagamit ng may-akda ang kanyang karanasan sa paglalakbay na kanyang


isinusulat at ibinabahagi sa iba.

You might also like