You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V-BICOL
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
Cataingan National High School

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Akademik


GAWAING PAGKATUTO PARA SA IKAPIT0 AT IKAWALONG LINGGO

I. Panimulang Konsepto:

Ano ang Pagsulat?

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring


magamit na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o
mga tao sa layuning maipahayag ang mga kaisispan. Ito ay isang komprehensibong
kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika, at iba pang elemento.”

Ano ang Akademikong pagsulat?

Ito ay tumutukoy sa intelektuwal na pagsulat na nakaaangat sa antas ng kaalaman


ng mga mambabasa. Ito ay nangangailangan din mapanuring pag-iisip at kakayahang
mangalap at mag-organisa ng mga impormasyon at datos na kailangan sa ginagawang
paksa. Ang sulatin na ito ay isang pangangailangan para sa mga akademiko at
propesyonal.

Mga Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

Katotohanan- Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat


ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.

Balanse- Nagkakasundo ang halos lahat ng nasa akademya na sa paglalahad ng mga haka,
opinion, at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso, at di-
emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.

Ebidensya- Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga


mapagkakatiwalaang ebidensya para suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.

Akademikong Sulatin (Layunin, Gamit, Katangian at Anyo)

Abstrak
Layunin: Maipakita ang maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral.
Gamit: Karaniwang gamit sa pagsulat ng akademikong papel na kalimitang inilalagay sa mga
pananaliksik, mga pormal na papel, mga teknikal na papel, mga lektyur, mga report, mga
nilalaman at datos nito.
Katangian: Sinusunod ng sulatin na ito ang siyentipikong pamamaraan ng paglalahad ng
mga nilalaman at datos nito.
Sintesis
Layunin: Mabigyan ng pinaikling bersyon o buod ang mga teksto na maaring pinanood,
napakinggan, o nakasulat na akda.
Gamit: Ginagamit ito para ipabatid sa mga mambabasa ang kabuuang nilalaman ng teksto sa
maikling pamamaraan.
Katangian: Kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Naglalaman ng mahahalagang
ideya at mga sumusuportang ideya at mga datos.

Bionote
Layunin: Magbigay ng makatotohanang impormasyon ng isang indibidwal tungkol sa
mga nakamit at nagawa bilang isang propesyunal sa napiling larangan.
Gamit: Ginagamit itong talaan tungkol sa kwalipikasyon at kredibilidad ng isang
taong panauhin sa isang kaganapan o kaya ay manunulat ng aklat.
Katangian: Maikling deskripsyon sa mga pagkakakilanlan ng isang manunulat na
matatagpuan sa likod na pabalat ng aklat o impormasyon tungkol sa guest speaker.

Panukalang proyekto
Layunin: Proposal sa proyektong gustong ipatupad na naglalayong mabigyan ng
resolba ang mga suliranin.
Gamit: Ito ay ginagamit na gabay sa pagpaplano at pagsasagawa nito para sa isang
establisyemento o institusyon.
Katangian: Ipakita ang kabuuang detalye sa gagawing proyekto tulad, badget,
proponent, deskripsyon at bunga ng proyekto.

Talumpati
Layunin: Magpapaliwanag ng isang paksang nanghihikayat, tumutugon,
mangatuwiran, at magbigay ng mga kabatiran o kaalaman sa mga mambabasa.
Gamit: Ito ay ginagamit sa pagbabahagi ng mga karanasan at iba pa.
Katangian: Maaaring pormal at nakabatay sa mga uri ng mga tagapakinig at may
malinaw na ayos ng mga ideya.

Replektibong sanaysay
Layunin: Magbalik-tanaw ang may akda at ng may pagninilay.
Gamit: Isang sulatin na kinapapalooban ng mga reaksyon, damdamin, at ng mga
opinyon ng may akda sa isang pangyayari.
Katangian: Masining at malikhain ang pagkakasulat tungkol sa isang kaganapan.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling


akademikong sulatin. CS_FA11/12PU-0d-f-92

III. Mga Gawain

Magsulat na mga sumusunod na piling akademikong sulatin sa isang short bond paper. Sundin
ang rubrik sa pagtatala ng mga piling akademikong sulatin. Ilagay ang mga sulatin sa short
folder na pinamagatang “Mga Inipong Akademikong Sulatin”

ABSTRAK- (ng nagawa ninyong pananaliksik, o nabasang isang pag-aaral)


SINTESIS- (ng iyong nabasa o napakinggan at napanood na paboritong teksto)
BIONOTE- (ng mga kilalang tao sa iyong napiling track o strand)
TALUMPATI- (tungkol sa mga napapanahong usapin o isyu)
REPLEKTIBONG SANAYSAY- (tungkol sa iyong karanasan ngayong Modular Distance
Learning)

Rubriks sa Pagtatala:

Krayterya Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa
pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin. 20
CS_FA11/12PU-0d-f-92
Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin. 10
CS_FA11/12PU-0d-f-93
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-
paniwalang sulatin. 10
CS_FA11/12PU-0p-r-94
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto,
at angkop na paggamit ng wika. 10
CS_FA11/12WG-0p-r-93
Kabuuan 50

IV. Mga Sanggunian:


MELCS ng DepEd
Fulwiler at Hakayawa (2003)
Aralin TV https://www.youtube.com/watch?v=-lhs8_Blhd0

Inihanda ni:
EDILYN A. YANSON
Teacher II

Sinuri ni:
RECHILDA C. APLACADOR
Asst. School Principal II

Inaprubahan:
JESUS P. DELA PEÑA
Principal IV

You might also like