You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


IKALAWANG LINGGO
Gawain Bilang 1.4

Paksa: Ang Akademikon at Di Akademikong Gawain


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat. ( CS-F11/12PB-O a-c-101)
Layunin: Nalilinaw ang kahulugan at katangian ng malikhain at mapanuring pag-iisip
Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng akademiko at di-akademiko kaugnay mg kahulugan, katangian, at mga gawain
dito
Sanggunian: Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang ( Akademik ) pahina 8-10 (
For Classroom use ONLY )
Constantino, Pamela C. et.al.2016.Filipino sa Piling Larangan (Akademik)pahina 6-8
Copyright: Pending for Permission

KONSEPTO:

Ang salitang akademya ay mula sa mga salitang Pranses na academie, sa Latin na academia, at sa Griyego na academeia.
Ang huli ay mula sa Academos, ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.
Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na
kasanayan at karunungan. Ito’y binubuo ng mga guro, mag-aaral, administrador, gusali, kurikulum at iba pa. Higit sa lahat,
hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademya kung wala ang instrument upang mapakilos ito at maganap
ang mga mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika.
Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng kaalaman at kasanayan sa malikhain at
mapanuring pag-iisip upang masiguro ang tagumpay sa buhay-akademya.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip

Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talion upang epektibong
harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko.
Taglay ng isang tao ang pagiging mapanuri at pagkamalikhain. Ang dalawang kakayahang ito ay nagtutulungn
upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon tulad ng pagpili ng kurso, karera, o negosyo, pagsasagawa
ng mga gawain, pakikipag-ubnayan sa kapwa, at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa
komplikadong mundong ating ginagalawan.
Sa akademya, ang mga katangiang ito ay nililinang at pinapaunlad sa mga mag-aaral. Malaki ang maitutulong
nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo, trabaho, at araw-araw na pamumuhay
Sa akademya, nalilinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang
pinagkakadalughasaan. Kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat ang napauunlad sa
pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis,panunuring kritikal, pananaliksik, at ekperimentasyon ang mga
isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsususri. Sa kabilang
dako, ang di-akademikong Gawain ay ginagabayan ng karnasan, kasanayan, at common sense.

Pagkakaiba sa katangian ng akademiko at di-akademiko


Akademiko Di-akademiko
Layunin: Layunin:
Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos Paraan o batayan ng datos
Obserbasyon, pananaliksik,at pagbabasa Sariling karanasan, pamilya ,at komunidad
Audience Audience
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad) Iba’t ibang publiko
Organisasyon ng Ideya Organisasyon ng Ideya
- Planado ang ideya -Hindi malinaw ang estruktura
- May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga -Hindi kailangang magkakaugnay ang ideya
pahayag
- Magkakaugnay ang mga ideya
Pananaw Pananaw
-Obhetibo - Subhetibo
-Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga - Sariling opinyon, pamilya,komunidad ang pagtukoy
bagay, ideya, facts - Tao at damdamin ang tinutukoy
-Nsa pangatlong panauhan ang pagkakasulat - Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
-Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin,at hindi
gumagamit ng pangalawang panauhan.
PAGSASANAY:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Paano nakatulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa isang mag-aaral sa senior high school?
2. Sa isa hanggang tatlong pangungusap, ipaliwanag ang pagkakaiba ng akademik at di-akademik na gawain.
3. Maglista ng tiglilimang halimbawa ng gawaing akademiko at di-akademiko. Isulat ito sa roleta.
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)
UNANG MARKAHAN-IKALAWANG LINGGO
Gawain Bilang 1.5

Paksa: Ang Akademikong Pagsulat


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat. ( CS-F11/12PB-O a-c-101)
Layunin: Naiisa-isa ang mga katangian ng akademikong pagsulat
Sanggunian: Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang Akademik) pahina 8-10 (
For Classroom use Only )
Constantino, Pamela C. et.al. 2016. Filipino sa Piling Larangan (Akademik)pahina 6-8
Copyright: Pending for Permission

KONSEPTO:
Akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang
makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, karanasan reaksyon at opinyon base sa
manunulat,gayundin ito ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat.Ang akademikong pagsulat ay meron ding
layunin ito ay ang mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabataid o maiparating
sa mga makakakita o makababasa.

Akademikong Filipino- nakatuon sa tamang pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang


Filipino upang ito’y maging istandard at magamit bilang wika ng intelektuwalisasyon.

Mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat

1. Obhetibo- naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng
manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri. Iwasan ang pagiging subhetibo
o pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwla hinggil sa paksang tinalakay.
2. Pormal- ang karaniwang gingamit sa akdemikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan lamang
ito ng pagiging pormal. Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip gumamit ng mga salitang
pormal.
3. Maliwanag at organisado-ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at organisado.
Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap na binuo nito.
4. May paninindigan- mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan,
ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa.
5. May pananagutan- ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon at dapat na
bigyan ng nararapat na pagkilala.

Mga Uri ng Akademikong Pagsulat

1. Abstrak 2. sintesis/buod 3.bionote


4. Panukalang proyekto 5.talumpati 6.Agenda
7. katitikan ng pulong 8. Posisyong papel 9. replektibong sanaysay
10.Pictorial essay 11. lakbay-sanaysay

PAGSASANAY:
Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang concept
map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian.

Katangian ng
Akademikong
Pagsulat
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK )
IKALAWANG LINGGO
Gawain Bilang 1.6

Paksa: Mga Gamit ng Akademikong Pagsulat


Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.( CS-F11/12PB-O a-c-101)
Layunin: Natutukoy ang mga gamit ng akademikong pagsulat
Sanggunian: https://bit.ly/2ZmqyBz
Copyright: Pending for Permission

KONSEPTO:

Mga Gamit ng Akademikong Pagsulat

Sa pagbabasa ng sanaysay, encyclopedia, batayang aklat, balita at iba pang akademikong sulatin,
maoobserbahang may iba’t ibang gamit o hulwarang ginagamit upang maging malinaw ang daloy ng mga ideya.
Kabilang dito ang mga sumusunod:

1. Depinisyon- pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.


2. Enumerasyon- pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.
3. Order- pagsunod-sunod ng mga pangyayari o proseso.
4. Paghahambing o pagtatambis- pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao.
5. Sanhi o Bunga- paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay bagay at ang kaugnay na epekto nito.
6. Problema o Solusyon- paglalahad ng suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito.

PAGSASANAY:
Pagtapat-tapatin.
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot sa pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik sa patlang bago
ang bilang:

HANAY A HANAY B

_____1. Depenisyon A. Pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino


_____2. Enumerasyon B. Pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawa sa isang
uri o kaisipan
_____3. Paghahambing/Pagtatambis C. Paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga
posibleng lunas sa mga ito.
_____4. Problema D. Pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng tao.

B.Pagpipili-pili

Panuto: Itiman ang bilog na nagbibigay -kahulugan sa mga sumusunod na pahayag:

1. Pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba.


○ paghahambing o pagtatambis
○ sanhi at bunga
○ kalakasan at kahinaan
○ problema at solusyon

2. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso


○ depenisyon
○ paghahambing o pagtatambis
○ enumerasyon
○ order

You might also like