You are on page 1of 13

Mondriaan Bldg.

H-8931 Former
Subcom Area
AURA COLLEGE Subic Bay Freeport Zone
Tel # (047) 252-3808
We have the EdGe TeleFax # (047) 252-3801

SENIOR HIGH SCHOOL

FILIPINO SA
PILING
LARANGAN
(AKADEMIK)
Unang Markahan
Unang Linggo
MONDRIAAN AURA COLLEGE
SENIOR HIGH SCHOOL
SCHOOL YEAR 2021-2022

TITULO NG KURSO:

Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

ANTAS NG BAITANG:

Baitang 12

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


• Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat.

NILALAMAN:

Aralin I
Ang Akademikong Pagsulat
• Akademiko at Di - akademiko
• Kahulugan, kalikasan at katangian ng pagsulat ng sulating akademik.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

Aralin 1: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

BALIK TANAW

Panuto: Magtala ng iba’t ibang sulatin na iyong naisagawa noong ikaw ay nasa Junior
High School pa lamang. Maaaring mula sa asignaturang Filipino, Ingles o kaya
naman mula sa Agham o iba pang asignatura.

Filipino Ingles Agham/Iba Pa

Sagutin:

1. Alin ang pinakagusto mong isulat sa mga ito? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Alin naman ang pinakaayaw mong isulat? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang layunin ng isang guro para sa isang mag-aaral
na katulad mo na pasulatin ng mga nabanggit na sulatin?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

PAGTATALAKAY NG ARALIN

MGA GAWAING PAMPAG-IISIP SA AKADEMIYA

- Ang salitang Akademiya ay mula sa salitang Pranses na academie, sa Latin


academia, at sa Griyego na academeia.
- Ito ay isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at
siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin,at palawakin ang
kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na
pamantayan ng partikular na larangan.
- Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang
mag-isip nang kritikal o mapanuri ,maging mapanlikha at malikhain at malayang
magbago at makapagbago.Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog
ng akademiya.

MALIKHAIN AT MAPANURING PAG-IISIP

- Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan,


pagpapahalaga at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at
hamon sa buhay akademiko at maging sa gawaing di – akademiko.
- Nagtutulungan ang dalawang kakayahang ito upang makabuo ng mga
paniniwala sa buhay at pagdedesisyon.
- Hindi kailangang maging henyo o talentado upang maging malikhain.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

- Sa Akademiyaang mga katangiang ito ay nilinang at pinauunlad sa mga mag-


aaral. Malaki ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa
kolehiyo , trabaho at araw-araw na pamumuhay.

AKADEMIKO VS DI-AKADEMIKO

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo; Pranses -


Academique; Medieval Latin - Academicus noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarship, institusyon, o larangan ng
pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat ,at pag-aaral kaiba sa praktikal o
teknikal na gawain. (www.oxforddictionaries.com)

Tinatawag na mga larangang akademik, akademiko, akademiks, o akademikong


disiplina ang mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang pagpipilian ng mga mag-aaral
kapag dinesisyunan na magpatuloy sa kolehiyo.

Sa Akademiya, nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga


kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadulubhasaan. Kasanayan sa pagbasa
,pakikinig, pagsasalita ,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng
mga gawain sa larangan. Analysis, panunuring kritikal, pananaliksik, at
eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika,
pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako,
ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at
common sense.

Kabilang sa mga halimbawa ng akademikong gawain ang sumusunod:

• pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase, pakikinig ng lektyur, panonood


ng video o dokumentaryo,pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng
klase o isang simposyum, at pagsulat ng sulatin sa mga akdang
pampanitikan at posisyong -papel, panukalang proyekto, case studies,
pamanahong papel o pananaliksik, pagsulat ng artikulo, lakbay-sanaynay,
larawang-sanaysay, talumpati, pagbubuod, memorandum, adyenda at
katitikan ng pulong at iba pa.

Halimbawa naman ng mga di-akademikong gawain:

• ang panonood ng pelikula o video upang maaliw o magpalipas-


oras, pakikipag-usap sa sinoman ukol sa paksang di-akademiko,
pagsulat sa isang kaibigan, pakikinig sa radio, at pagbasa ng
komiks, magasin o diyaryo.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

Narito ang mga pagkakaiba sa katangian ng akademiko at di-akademiko

AKADEMIKO DI - AKADEMIKO
Pananaw Obhetibo ,hindi direktang Subhetibo, sariling opinion ,
tumutukoy sa tao at damdamin pamilya, komunidad ang
kundi sa mga bagay ,ideya at pagtukoy, tao at damdamin ang
katotohanan , ito’y nasa tinutukoy, nasa una at
pangatlong panauhan ang pangalawang panauhan ang
pagkakasulat pagkakasulat
Audience Iskolar,mag-aaral ,guro,
Iba’t ibang publiko
(akademikong komunidad
Layunin Magbibigay ng ideya at
Magbibigay ng sariling opinyon
impormasyon
Paraan o
Obserbasyon,pananaliksik,at Sariling karanasan, pamilya ,at
Batayan ng
pagbabasa komunidad
Datos
Organisasyon Planado at magkakaugnay ang
Hindi malinaw ang istruktura,
ng Ideya mga ideya, may pagkakasunud-
hindi kailangang magkaugnay
sunod ang estruktura ng mga
ang mga ideya
pahayag,

Pinahahalagahan at pinatutunayan ang katangiang ito sa teoryang


pangkomunikasyon ni Cummins(1979) kung saan pinag-iba niya ang kasanayang
di-akademiko (ordinaryo, pang-araw-araw) sa kasanayang akademiko (pang-
eskwelahan, pang-institusyon). Tinawag niyang Basic Interpersonal
Communication Skills (BICS) ang una at Cognitive Academic Language
Profeciency (CALP) naman ang huli. Batay sa mga usapan, praktikal,personal at
impormal na mga gawain ang BICS samantalang pormal at intelektwal ang CALP.

Ang Paggamit ng Akademikong Filipino sa Paggawa ng Akademikong Pagsulat

- Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa akademiya. Ito ay tumutukoy


sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas
na kasanayan at karunungan.
- Ang mga elementong ito ay bumubuo ng mga guro, mag-aaral, administrador,
gusali, kurikulum at iba pa.
- Hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademiya kung wala ang
wika.
- Sa pag-aaral ng kursong ito, ang Akademikong Filipino ang gagamitin sa
akademiya.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

- Sa paggamit nito, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay sa paraang


pasalita o pasulat ang kahalagahan sa pagsunod sa mga alituntunin sa
paggamit ng wikang Filipino upang ito’y maging istandard at magamit bilang wika
ng intelektwalisasyon.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Obhetibo
- Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon.
Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming
haka-haka o opinyon.

2. Pormal
- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip,
gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga
mambabasa. Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging
pormal din.

3. Maliwanag at Organisado
- Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisado ng mga
kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang
pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa sulatin.

4. May Paninindigan
- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang
bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-
bago ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan niya
hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa
pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos
ang pagsulat ng napiling paksa.

5. May Pananagutan
- Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o impormasyon
ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at
pagbibigay galang sa awturidad na ginamit bilang sanggunian.

Upang mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang


iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na isa-isang tatalakayin sa kabuoan ng inyong
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

pag-aaral. Hindi mo lamang matutuhan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat
na kaalaman at kasanayan kung paano gawin o isulat ang mga ito.
1. Abstrak 7.Katitikan ng pulong
2. Sintesis/Buod 8.Posisyong Papel
3. Bionot 9.Replektibong Sanaysay
4. Panukalang Proyekto 10.Pictorial-Essay
5. Talumpati 11.Lakbay-Sanaysay
6. Agenda/Memorandum

Ang Akademikong Pagsulat

May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Maaaring ito ay nagsisilbing
libangan para sa iba, sa mag-aaral namang tulad mo, kalimitang ang dahilan ng
pagsusulat ay matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral sa pagsasatitik ng inyong
mga naiisip at nararamdaman. Para sa mga propesyonal naman tulad ng awtor,
peryodista, sekretarya, guro, at iba pa, nagsusulat sila bilang pagtugon sa trabaho na
kanilang ginagampanan sa lipunan.

Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa


elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school ay maituturing na
bahagi ng akademikong pagsulat. Kabilang dito ang paggawa ng sanaysay, pagsulat ng
mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies, pagsulat ng pamanahunang
papel, tesis, at pananaliksik.

Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay


naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon, ito ay ginagamit upang maibahagi
nila ang kanilang mga nalalaman sa ibang tao. Ito ay nakabatay sa personal na buhay o
di kaya pang – akademiks at intelektwal ng pangunahing tauhan. Sa pamamagitan ng
akademikong sulatin malalaman natin ang kwento ng bawat tao.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

TANDAAN:

Tuwina ay isaisip na ang taong nagsasagawa ng akademikong pagsulat ay


nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at kaalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng kanyang isinusulat. Kaya naman mahalaga na marunong sumulat nang
maayos at may kabuluhan sapagkat maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng
kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.

Kaya naman, sa mga paaralan at unibersidad ay sinasanay ang bawat mag- aaral na
matutuhan at magkaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat upang maging
handa at magaling sa iba’t ibang disiplina.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________


Strand: _____________________________________ Marka: _____________

GAWAIN 1

Makipag-usap sa isa mong kamag-aral sa pamamagitan ng text o


chat kung hindi makapag-uusap nang personal. Magpalitan ng inyong
pagkaunawa hinggil sa akademikong pagsulat. Batay sa inyong napag-
usapan, bumuo ng sariling pagpapakahulugan sa akademikong pagsulat.
Maaaring ito ay hugot-lines, islogan o ano pa mang higit na lilinang sa
inyong interes. Maaari kayong gumuhit o magdikit ng larawan ng anumang
bagay na paborito ninyo upang pagsulatan para maging malikhain ang
inyong gawain.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN PUNTOS
Kompleto ang diwa at pagpapakahulugan sa akademikong sulatin 10
Nakasulat nang maingat, may kaisahan, wasto, at angkop ang paggamit ng wika. 5
Kaakit-akit, lubhang maganda at malikhain ang sulatin. 5
KABUUAN 20

GAWAIN 2

Panuto: PAGHAHAMBING NG KATANGIAN NG AKADEMIKO AT DI- AKADEMIKONG


SULATIN: Suriin ang pagkakaiba ng katangian ng akademiko at di-
akademiko ayon sa Piliin ang Bilang ng tamang sagot at isulat sa loob ng
bilog kung saan ito nakaangkop.

1. Subhetibo, sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy, tao at


damdamin ang tinutukoy, nasa una at pangalawang panauhan ang
pagkakasulat
1. Magbibigay ng sariling opinion
2. Iskolar,mag-aaral ,guro , (akademikong komunidad)
3. Planado at magkakaugnay ang mga ideya, may pagkakasunud-sunod ang
estruktura ng mga pahayag,
4. Magbibigay ng ideya at impormasyon
5. Iba’t ibang publiko
6. Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa
7. Hindi malinaw ang istruktura ,hindi kailangang magkaugnay ang mga ideya
8. Sariling karanasan, pamilya , at komunidad
9. Obhetibo, hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay,
ideya at katotohanan, nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat

Paraan o Organisasyon
Layunin Audience Pananaw
batayan ng datos ng ideya
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Panuto: Ibahagi ang iyong natutuhan tungkol sa akademikong pagsulat. Gamit ang
kasanayan sa pagiging mapanuri, maglahad kung paano ito makatutulong sa
isang mag-aaral na katulad mo.

Naniniwala ako na
Ang akademikong pagsulat makatutulong ito sa akin bilang
mag-aaral sapagkat
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Bakit mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral na katulad mo ang kahulugan


at kahalagahan ng akademikong pagsulat? Sa ano-anong pagkakataon
magiging makabuluhan ang iyong kasanayan sa pagsulat nito?

Naniniwala ako na mahalagang ________________________________


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Naniniwala akong magiging makabuluhan _______________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

SANGGUNIAN

• Club, L.S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Ang Akademikong Pagsulat [PDF file]. Nakuha mula
sa:
https://drive.google.com/file/d/1b9obU4ZyDQLZVLf1UjYLtCUWSd89penz/view?usp=drivesdk
• Mingo, T.P. (2020). Kuwarter 1 – Modyul 1: Ang Kahalagahan ng Pagsulat at Ang Akademikong
Pagsulat Unang Edisyon. [PDF file] Nakuha mula sa: https://drive.google.com/drive/u/0/folders/1-Kc10-
IOSViK7k6REMNQMEhqd635OGKB?fbclid=IwAR1cHngzLY3VTybgx8aXsBKqqYkPgFRIJtBHVplsnP
N_1Ls3Xvf7jLXkZh0
• Kathuson. (2016 October). Akademikong Sulatin. Nakuha mula sa:
https://http543.wordpress.com/2016/10/17/akademikong-sulatin/
• College students in university clothing vector image. Nakuha mula sa:
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/college-students-in-university-clothing-vector-
21322525

You might also like