You are on page 1of 11

Kagamitang Pampagkatuto 11- FPL-AKADEMIK -Q4-005

Aralin Pagsulat ng Organisado, Malikhain at Kapani-


5 paniwalang Sulatin (Linggo 14-16)

Panimula
’’

Sa kagamitang pampagkatutong ito, magkakaroon ka ng


pagkakataon na mapalawak ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng mga paraan kung paano
sumulat ng mga kapani-paniwala at organisadong mga sulating pang-akademya

Pangunahing layunin ng kasanayang pampagkatutong ito na magbahagi ng mga


kaalamang may kaugnayan sa paraan ng pagsulat na makatotohanan, organisado at kapani-
paniwalang mga sulatin. Makapagbigay ng mga panimulang kaalaman gamit ang mga
teknikal na salita at karunungan tungkol sa mga pamamaraan sa pagbuo ng mga sulating
makatotohanan organisado at kapani-paniwala. Maaaring sa mga pangyayari ngayon
mailalahad nila ang kanilang mga saloobin o mga isyung dapat pagdiskusyonan sa
pamamagitan ng pagsulat. Tinatalakay rito ang mga kahulugan, kalikasan, katangian, mga
bahagi at mga hakbang at pamamaraan sa pagsulat ng mga akademikong sulatin tulad ng
abstrak, bionote, talumpati, replektibong sanaysay, posisyong papel, lakbay-sanaysay, photo
essay, resume, liham –aplikasyon, korespondensyang opisyal, agenda, katitikan ng pulong,
press release, panukalang proyekto at iba pang mga sulating organisado at kapani-paniwala

Sa araling ito, makapagsasagawa ang mag-aaral ng isang sulatin na kakikitaan ng


organisado at kapani-paniwalang sulating pang-akademya

Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


 Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
(CS_FA11/12PU-0p-r-94)
ALAMIN!

Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog sa iyong
kakayahan upang matamo ang kasanayang pampagkatuto. Halika at simulan na natin!

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 :

Paunang Pagtataya

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Isulat ang sagot sa sagutang papel)
Piliin ang pinakaangkop na sagot sa sumusunod na tanong kaugnay ng paksang kompyuter
at pag-aaral.
1. Alin ang pinakaangkop na paksang pangungusap para rito?
a. Magagamit ang kompyuter upang hindi mainip sa pag-aaral.
b. Magagamit nang epektibo ang kompyuter kung pahahalagahan ang katuturan
nito sa pag-aaral.
c. Matutulungan ng kaalaman sa kompyuter ang mga mag -aaral, pamilya,
komunidad at bansa.
2. Anong pamagat ang maaaring gamitin para sa naturang paksa?

1
a. Tara ng Magkompyuter nang Sipaging Mag-aral.
b. Ang Kompyuter sa Nagbabagong Mundo ng Teknolohiya.
c. Kompyuter: Makabagong Paraan,Makabagong Kaalaman
3. Ano ang angkop na pagkukunang datos para sa naturang paksa?
a. Interbyu at sarbey
b. Mga dokumento sa archive
c. Eksperimento sa laboratoryo
4. Ano ang higit na makatutulong para sa pangangatwiran ng paksa?
a. Malaki ang tulong ng kompyuter para masanay sa bagong teknolohiya ang
mag-aaral.
b. Kompyuter ang mga makabagong hanguan ng libro sa aklatan.
c. Malaking tulong ang kompyuter sa pagdagdag ng kaalaman at kasanayan ng
mag-aaral.
5. Ano ang epektibong wakas kung susulatin ang paksa?
a. Tunay na malaking tulong ang kompyuter sa pagharap ng mag-aaral sa
hamon ng globalisasyon.
b. Teknolohiya ang sagot sa problema sa edukasyon.
c. Malaking tulong sa pag-aaral ang kaalaman at kasanayang naibibigay ng
kompyuter.

Pagpapaunlad

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

Ano-ano na ang mga alam mo?


Bago mo simulang pag-aralan ang kasanayang pampagkatutong ito, sagutin mo muna
ang simpleng pagsusulit na ito para makita kung ano na ang antas ng iyong kaalamang
nalalaman tungkol sa mga paksa ng kagamitang pampagkatuto. Sagutin nang maikli ang mga
tanong sa ibaba. (Isulat ang sagot sa sagutang papel.)

A. Magbigay ng tatlong halimbawa ng akademikong sulatin.


1.______________________________________________________
2. ______________________________________________________
3. ______________________________________________________

B. Ibigay ang kahulugan ng akademikong sulatin batay sa iyong piniling kasagutan sa


naunang gawain.

1.______________________________________________________
2. ______________________________________________________
3. ______________________________________________________

C. Ibigay ang mga katangian ng napiling akademikong sulatin


1.______________________________________________________
2. ______________________________________________________
3. ______________________________________________________

Mahusay! Napagtagumpayan mo ang unang pagsubok. Ngayon naman ay


pagyamanin natin ang iyong nalalaman sa araling ito. Alam kong makatutulong ito sa iyo
upang magkaroon ng gabay sa pagsulat ng isang organisado malikhain at kapani-paniwalang
mga sulatin.

Halika at simulan na nating palawakin pa ang iyong mga nalalaman.

2
Mapanuri at Malikhaing Pagsulat sa mga tekstong Akademiko

Isang hamon para sa isang mag-aaral na makasulat ng organisado, malikhain at mga


kapani-paniwalang mga sulatin sa loob ng akademya. Ang kaalaman at kasanayan sa mga
sulating ito, maaga pa lang ay natutuhan na at isa ito sa salik sa matagumpay na pag-aaral
sa mataas na edukasyon.
Kakailanganin sa mapanuri, malikhain at mga kapani-paniwalang pagsulat ang isang
mapanuring pag-iisip.
Napapaloob sa mapanuring pag-iisip ang pagiging analitikal (napaghihiwalay at
napapangkat ang mga ideya sa loob ng teksto upang maunawaan at gawan ng ebalwasyon
at kritikal (naiuugnay ang mga ideya sa iba’t ibang reyalidad sa labas ng teksto at nagagawan
ng pagsusuri ang nabubuong mga relasyon kaugnay nito).
Narito ang ilang katangian ng mapanuring pagsulat. Bagama’t naaayon sa disiplina o
kurso ang mga katangian ng akademikong pagsulat,may mga pangkalahatang katangian ang
mapanuring pagsulat sa akademya.

1.Layunin - Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o katuwiran.


Halimbawa:
Sa problema ng environmental pollution o pagdumi ng kapaligiran, ang
magagandang intensyon sa isang larangan ay nagkakaraon ng masamang
epekto sa ibang larangan.
--Amando Kapauan,”Dalawang Mukha ng Siyensya’.Nasa Binhi.1990

Sapagkat malaki ang implikasyon ng modernong teknolohiya sa karaniwang


tao, kailangan niyang makisangkot sa mga diskursong publiko na tumatalakay
sa mga ito.
--Leonardo de Castro, “Etika Bilang Tagasaway, Etika Bilang Gabay sa
Paglikha” nasa Pagkatao at Teknolohiya,1998

2. Tono - Impersonal ito, hindi parang nakikipag-usap lang. Hindi rin ito emosyonal.
Halimbawa:
Impersonal:
Ang pagkamatulungin natin ay nahahaluan ng pagkamaawain,
pagkamakialam, pagkausyoso, pakikipagkapuwa, pakikisama at marami
pang iba.

Personal:
Matulungin ka ba? Maawain? Pakialamero? Usisero? Di marunong
makipagkapwa-tao? di marunong makisama?
Ikatlong panauhan ang gamit dito—walang kontraksiyon (di> hindi: ba’t> bakit;
at iba pa)
3. Batayan ng Datos-Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang patunayan ang bawat
batayan ng katuwiran dito.
Obhetibo ang posisyon -batay ito sa pananaliksik,iniiwasan dito ang anomang
pagkiling. Makikita ang pagka-obhetibo sa paksa, organisasyon, at mga
detalye.

Katotohanan (Fact) vs. Opinyon - Kailangan ang pruweba o ebidensyang


mapagkakatiwalaan o talagang nangyari, hindi haka-haka o gawa-gawa
lamang.

Opinyon-batay sa sariling damdamin, karanasan, at paniniwala.

4. Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba - Ito ang piniling ideya o kaisipan na


gustong patunayan ng sumulat. Binibigyang pagkakataon dito ang sumulat na ipokus ang

3
atensyon ng mambabasa sa ispisipikong direksyon o anggulo hanggang sa umabot sa
konklusyon. Ginagamit ng sumulat ang mga datos at konsepto upang paunlarin ang
argumento.
Halimbawa:
Paggamit ng Teoryang Innateness ni Noam Chomsky para patunayang hindi
kailangang idikta sa bata ang mga salita para matuto; sa halip ay matutuhan
niya ito sa kaniyang normal na kapaligiran.

5. Perspektiba - Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na problema.


Halimbawa:
Ang kasaysayan ay hindi kapalaran.Maraming pagkakamali ang kasaysayan
na hindi na dapat maulit at mga krimen ng mga tao at gobyerno na hindi dapat
hayaang maganap muli.
-salin,Thomas Sowell, Race and Culture,1994
Deduktibo o mula pangkalahatang ideya tungo sa mga detalye na
magpapatunay rito ang kayarian ng isang mapanuring pagsulat.

6. Target na Mambabasa- Kritikal, mapanuri at may kaalaman din sa paksa kaya naman mga
akademiko o propesyonal ang target nito. Tinatawag silang mga kadiskursong komunidad.

Estruktura at Proseso ng Mapanuring Pagsulat

Ang isang akademikong akda ay karaniwang may tatlong pangunahing estruktura:


introduksyon, katawan, at konklusyon. May proseso upang matamo ang epektibong
pagsulat sa bawat bahagi.

1. Introduksyon
Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. May gustong patunayan ang paksa
at makatutulong kung sa bahaging ito ay nililinaw na ang nais patunayan sa
pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis.
Halimbawa: Masama sa kapaligiran ang polusyon (hindi na pagdedebatehan).
Narito ang ilang mahalagang puntos sa pagsulat ng introduksyon:
A. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral
May iba’t ibang puwedeng patunayan kaugnay ng paksa. Narito ang ilang
anyo at halimbawa.

 Fact o Opinyon
Halimbawa: Ang global warming ay penomenong pang-Asya.

 Sanhi at Bunga
Halimbawa: Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa
bansa.

 Halaga
Halimbawa: Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang wika
ng bata.

 Solusyon at Patakaran
Halimbawa: Sa halip na K to 12, ang kahirapan muna ang dapat
pagkaabalahan ng gobyerno.

2. Paksang Pangungusap
Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na pangungusap
ang magpapalakas din ng mga argumento at batayan o datos.

4
Maliban sa tesis na pangungusap na naglalahad ng suliranin o problema,
mahalaga ring ilahad nito ang layunin, rasyonal o kahalagahan ng paksa, at
pamamaraan bilang overview.
A. Atensiyon sa Simula

Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa,magkakaroon din ng estratehiya


kung paano sisimulan ang introduksyon. Narito ang ilang halimbawa:

 Tanong

Halimbawa: Bakit kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Filipino sa


kolehiyo sa ilalim ng Programang K to 12?

 Impormasyon, Pigura

Halimbawa: Pinatutunayan ng estadistika ng NEDA na 13 sa 17 rehiyon


sa buong bansa ang nakaranas ng kabawasan ng kahirapan noong
2012 kompara sa 2009. Pinakamataas dito sa CARAGA na bumaba ng
14.2 porsyento ang naranasang kahirapan.(www.neda.gov.ph)

 Depinisyon

Halimbawa: Ang terminong malinaw na ikinakabit sa pagkalalaki ay


ang machismo (mula sa Espanyol, ginagamit upang bawasan ang
pangangailangang ipagyabang ang pagkalalaki), na karaniwang umiiral
sa mga bansang Latino-Amerikano,lalo na sa Mexico
-Salin, Geert Hofstede, Cultures Consequences, 2001,.p.309
 Sipi
Halimbawa: Di gaya ng istorya sa bibliya ng mga Ebreo kung saan ang
lalaki ang unang nilikha kaysa sa babae ay nilikha mula sa kaniyang
tadyang, na naglalahad ng kultural na pagkiling sa dominasya ng lalaki,
sa mito ng Subanen, ang babae at lalaki ay galing sa iisang pigurang
putik, hinati sa dalawa at magkapareho sa simula pa.
-Salin, Florentino Hornedo, ”Pagmamahal and Pagmumura,”
Essays, 1997

2.Katawan
A. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata.
Mahalaga rito tuloy-tuloy, organisado, maayos, at makinis na daloy ng ideya kung
saan:
 Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata.
Halimbawa:
Hindi ninyo mapaghihiwalay ang makatarungan sa di-makatarungan
at ang mabuti sa masama. Sapagkat magkasama silang nakatayo
sa harap ng mukha ng araw tulad din ng itim at puting sinulid na
magkasamang hinahabi.
-Kahlil Gibran,Ang Propeta.Salin ni F.Sagalongos-San Luis,2005
 Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata.
Halimbawa:
Malaki rin sana ang potensyal ng iba’t ibang manipulasyon ng
panahon na kinakasangkapan ng pelikula-gunita sa pagyao ng ina ni
Ana, imahen ng pista ng San Isidro, eksena ng pakikipag-usap ni Ana
sa kanyang ina. Ang mga anakronismong ito, kung nagamit lang sana
nang mabuti ay makapagpapalinaw sa mas masalimuot na

5
pagpapakahulugan. Ngunit tila hindi ito malinaw at napag-ugnay ng
bisyon ng pelikula.
-Galileo S. Zafra, ”Sidhi: Piping-Piping Pelikula;” nasa Raya IV.2009

B. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis


Halimbawa:
Upang higit na maunawaan ang mayaman at matandang kultura ng
Pangasinan, isang etnokultural na pagmamapa ang isinagawa.
Lumilihis man sa positibong paaralan ng kartograpikong tradisyon ng
pisikal at political na pagmamapa “hindi lubusang tinalikuran ng
“etnokultural na pagmamapa” ang kahalagahan ng mga mapang
pisikal at political subalit tinutulak nito ang pagpapahalaga sa
artikulasyon kapwa ng “taga-labas” (hindi Pangasinan) at taga-loob)
Pangasinan). Higit sa lahat pinahahalagahan ang asersyon ng mga
taga-rito at kanilang ”etnik pride” gayundin ang mga taumbayan at
kanilang industriya, buhay at pagkatao bilang kanilang etnisidad at
identidad.
-Ma.Crisanta Nelmida-Flores, Pangasinan: isang Pagmamapa, 2002

C. Kaayusan ng Talata - Maaaring batay ito sa kronolohikal na ayos, kahalagahan ng


ideya, hakbang-hakbang o serye.
Halimbawa:
Ngunit ang literature ng Pilipinas ay mabubuhay at yayabong lamang kung
dalawang malawak na kondisyon ang masisiguro: isa: kung ang manunulat
ay may kalayaang sumulat at dalawa:, kung ang isusulat niya ay may
kaugnayan sa pakikibaka ng tao para mabuhay at umunlad. Idinedeklara ng
isa ang Kalayaan ng manunulat, tinitiyak ng ikalawa ang layunin na pinag-
uukulan ng kalayaang ito.
-Salvador P. Lopez, Ang Medium ng Manunulat na Pilipino.1974

D. Pagpapaunlad ng Talata - Maliban sa malakas na argumentong magpapatunay sa


isinasaad ng talata ang ebidensya batay sa pananaliksik.
 Ebidensya -May dalawang uri ang ebidensya: pangunahin at di-pangunahin.
Pangunahin—interbyu, karanasan, sarbey, anekdota, eksperimento
Di-pangunahin—mga teksto, libro, artikulo, pahayagan, website.

Mahalaga ring ang ebidensya ay mapagkakatiwalaan, may katotohanan at wasto.


Sino ang may akda? Kailan ito isinulat o isinagawa? Ano ang layunin ng may-akda?
Pinondohan ba ito? Sino ang nagpondo? Ginawan ba ito ng ebalwasyon o rebyu ng mga
iskolar o awtoridad sa larangan?

 Argumento - Ito ang magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang datos sa


gustong patunayan o tesis. Sapat at angkop ba ang datos o ebidensya para
pangatuwiranan ang paksa? Lohikal ba ito?
Ang argumento ay mapalawak at mapalakas pa sa pamamagitan ng
sumusunod:
Halimbawa at ilustrasyon
Datos - estadistika, detalye, impormasyon
Mga testimonya - sipi, anekdota

3.Pagbubuo- ilang elemento sa pagbubuo ng talata ang dapat bigyang-diin gaya ng:
 Pagsisimula ng bagong talata

Isinasagawa ito:
-kapag may bagong ideya o punto:

6
-kapag may magkokompara ng impormasyon o ideya
-bilang pahinga para sa mambabasa kung masyadong mahaba na ang
talata: at
-kapag tatapusin ang introduksyon o sisimulan ang kongklusyon.

 Mga transiyon sa bawat talata at sa loob ng talata- Nagsisilbi itong tulay


upang maipakita ang daloy ng ideya at pagtutuloy-tuloy ng mga ideya sa
pagitan ng mga talata at pangungusap sa loob ng talata.

Halimbawa:
Sa kabilang dako, gayunpaman, gayundin, isa pa, taliwas dito, bagama’t

 Haba ng Talata - karaniwang may tatlo hanggang limang pangungusap


ang isang talata. Binabalanse rin ito upang hindi sobrang haba ng iba at
sobrang ikli naman ng ilan. Inaayos din ito sa sukat ng papel. Gayundin,
mas maikli ang introduksyon at kongklusyon kaysa katawan. Halimabawa
ng sukat:

Introduksyon - 5 pangungusap
Katawan - 5+5+5 pangungusap sa bawat talata
Konklusyon - 5 pangungusap

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Katangian ng mapanuri at kapani-paniwalang Layunin at Gamit


pagsulat
Layunin Mapaunlad ang mga konsepto at katuwiran

Upang higit mong maunawaan ang pamamaraan at katangian ng pagsulat pagbuo ng


isang organisado at kapani-paniwalang sulatin, punan ang talaan gaya ng nasa ibaba.
Sundan ang halimbawang nakalagay sa unang linya. (Maaari mong balikan ang tinalakay
upang maging gabay sa pagbuo ng gawain, Isulat ang sagot sa sagutang papel)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 :

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Isulat ang sagot sa sagutang papel)
1.Ano - ano ang mga nalaman mong dapat taglayin upang makasulat ng isang organisado,
malikhain at kapani-paniwalang sulatin?

2. Batay sa mga itinala mo sa kahon sa itaas, masasabi mo bang mayroon ka ng kakayahang


sumulat ng sariling sulating pang-akademiko na taglay ang iba’t ibang katangian at
pamamaraang nakapaloob sa isang sulatin? Patunayan.

Pakikipagpalihan

7
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 :

Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng teksto, suriin ang kayarian at


pamamaraan ng pagkakabuo nito. Sagutin lamang ang sumusunod na katanungan na
makikita sa ibaba matapos basahin ang talumpati . (Isulat ang sagot sa sagutang papel.)

Mga gabay na tanong :

1. Tungkol saan ang binasa mong artikulo?

2. Maituturing bang organisado, malikhain at kapani-paniwala ang mga


datos na nakasaad sa artikulo? Magbigay ng mga patunay at
ebidensya.

3. Paano sinimulan ng may-akda ang artikulo?

4. Ano – anong katangian ang tinataglay ng nakasulat na artikulo at ano


ang layunin nito ?

5. Naging makatwiran ba ang pagkakalahad ng may-akda? Naging


mabisa ba ang layunin ng may - akda upang maipabatid sa mambabasa
ang kaisipang nakapaloob?

ARTIKULO TUNGKOL SA WIKA

WIKA

Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga


simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.

Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan


at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdam in at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang
kabuoan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay
nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang
pulutong ng mga tao.

Ang Pilipinas ay may iba't ibang wika dahil sa iba't ibang bayan at trib o
rito sa bansa na mayroong sariling lokal na ling guwahe na ginagamit.

Ang Tagalog, Filipino, at Pilipino ay iba. Bawat isa ay may ibang


kahulugan.
Ang Wikang Tagalog, [ 3] na kilala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa
sa mga pangunahing wika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto ("sa
katunayan") ngunit hindi de jure ("sa batas") na batayan na siyang
pambansang W ikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino [ 3] ).
(tl.wikipedia.org) Ang tagalog ang isa sa wikang ginagamit ng ating mga
kababayan at isa sa madalas ginamit dahil sa malaking lawak ng lugar na
gumamit nito.

8
Ang wikang Filipino [ 2] ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na
wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng
1987.(tl.wikipedia.org)

At ang Pilipino ay hindi isang wika ngunit ito ay tayo, tayong mga
sambayanang Pilipino na gumagamit sa W ikang Filipino at mga taong nakatira
sa bansang Pilipinas,

Ang W ikang Opisyal ay isang wika o lengguwahe na binigyan ng bukod -


tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang
teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay
ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa
ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno

Itinalaga ang Tagalog bilang wikang opisyal sa unang saligang batas


ng Pilipinas, ang Konstitusyon ng Biak -na-Bato (Artikulo VIII: Opisyal na
W ika) ng 1897. [ 11] Noong 1935, itinalaga ng saligang batas ng Pilipinas ang
Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika, subalit iniatas ang pagpapaunlad
at pag-aangkin ng isang karaniwang wikang pambansang batay sa isa sa mga
buhay na mga katutubong wika. [ 12] Pagkaraan ng pag -aaral at talakayan, pinili
ng Surian ng W ikang Pambansa (o National Language Institute sa Ingles;
isang komiteng binubuo ng pitong mga kasaping kumakatawan sa iba't ibang
mga rehiyon ng Pilipinas) ang Tagalog bilang batayan ng pagpapaunlad at
pag-aangkin ng isang wikang pambansa ng Pilipinas. [ 6] [ 13] (tl.wikipedia.org)

Ang pambansang wika ay isang wika (o diyalekto) na natatanging


kinakatawan ang pambansang pag kakilanlan ng isang lahi at/o bansa.
Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at
tinatalaga ng pamahalaan ng isang bansa. Gayumpaman, hindi nag -iisa ang
Filipino, bilang opisyal na wika ng Pilipinas, ang saligang batas ng 1987 ay
nagtakda ng Ingles, bilang isa rin sa opisyal na wika, kung pahihintulutan ng
batas. (tl.wikipedia.org)

Ang wikang panturo ay isang wika na ginagamit sa eskwelahan sa


pagturo sa mga estudyante. May 3 antas ng wikang panturo, una ay ang lokal
na dayalekto sa lugar, pangalawa ang tagalog, at pangatlo ang tag alog at
ingles.

Sanggunian:
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk02PvObO3TKsMGXIXFRt0DX1IIJi7g%3A16
12835380253&ei=NOohYOr-
Du6Rr7wP74KnyAI&q=halimbawa+ng+artikulo+tungkol+sa+wika&oq=halimbawa+ng+arti
kulo+tungkol+sa+&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgCMgQIIxAnMgQIIxAnMgQIIxAnMgIIADIC
CAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoHCCMQsAMQJzoHCAAQRxCwAzoGCAAQFhA
eUMrRC1ig3Atg1O8LaAFwAngAgAH2AYgBwwuSAQUwLjkuMZgBAKABAaoBB2d3cy13a
XrIAQnAAQE&sclient=psy-ab

9
Natitiyak kong may kasanayan ka na sa pagsulat ng iba’t ibang sulatin. Halina’t mas palawakin
natin ang iyong kaalaman ukol sa paggawa nito.

Paglalapat

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6 :

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba, at sumulat ng isang organisado, malikhain at


kapani-paniwalang sulatin

 Kalagayan ng Ekonomiya sa Panahon ng Pandemya


 Kalagayan ng Edukasyon sa Panahon ng Pandemya
 Estado ng sosyo-politikal sa bansa
 Epekto ng Online/Modyular na Pagtuturo sa mga Mag-aaral
 Epekto ng Covid-19 sa Kabuhayan ng Pamilya

Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat sa ibaba:

KRAYTIRYA 4 3 2 1
Lubos na Naisagawa Bahagyang Hindi
naisagawa naisagawa naisagawa
1. Maayos ang
organisasyon ng
pagkakasulat ng napiling
sulatin (may panimula, gitna
at wakas)
2. Bunga ng pananaliksik
ang nilalaman ng sulatin
3. Wastong gamit ng mga
salita/pahayag na gamit sa
pagsulat ng sanaysay.
4.Nasunod ang batayang
paksa na ginamit sa
pagsulat.
5.Isinaalang-alang ang
mekaniks sa pagsulat na :
wastong bantas, wastong
gamit ng malalaki at maliliit
na letra, at kalinisan ng
gawain.
KABUOAN

REPLEKSYON

10
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7 :

Panuto: Ngayong nakasulat ka na ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang


sulatin, ngayon naman ay gumawa ka ng repleksyong papel tungkol sa iyong
isinagawang sulatin. (Isulat ang sagot sa sagutang papel)

Gamitin ang mga gabay na tanong upang makabuo ng repleksyong papel:


1.Ano ang napili mong paksa?
2.Bakit ito ang iyong napiling paksa ?
3.Ano-ano ang naging batayan mo sa pagpili ng paksa\?

Panapos na Pagtataya

Gawain sa Pagkatuto Bilang 9:


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik T kung ang sumusunod na pahayag sa ibaba ay
tama at M kung mali.
_____1. Introduksyon ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. May gustong
patunayan ang paksa at makatutulong kung sa bahaging ito ay nililinaw na ang nais
patunayan sa pamamagitan ng paksang pangungusap.
_____2. Obhetibo ang posisyon-batay ito sa pananaliksik, iniiwasan dito ang anomang
pagkiling. Makikita ang pagka-obhetibo sa paksa, organisasyon, at mga detalye
_____3. Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba-Ito ang piniling ideya o kaisipan
na gustong patunayan ng sumulat
_____4 Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na pangungusap ang
magpapalakas din ng mga argumento at batayan o datos
_____5. Mahalaga ring ilahad nito ang layunin, rasyonal o kahalagahan ng paksa, at
pamamaraan bilang overview.
_____6. Ilang elemento sa pagbubuo ng talata ang dapat bigyang-diin gaya ng pagsisimula
ng bagong talata.
_____7 Haba ng Talata-karaniwang may sampo hanggang labinlimang pangungusap ang
isang talata.
_____8. Salaysay ang magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang datos sa gustong
patunayan o tesis.
_____9. Sa simula pinauunlad at nagsusulat ng mga talata.
_____10. Induktibo o mula pangkalahatang ideya tungo sa mga detalye na magpapatunay
rito ang kayarian ng isang mapanuring pagsulat.

Napakahusay mo! Nalampasan mo ang mga pagsubok ng araling ito ng walang pag-
aalinlangan dahil na rin sa iyong kagustuhang matuto. Alam kong nasiyahan ka sa naging
resulta ng iyong mga Gawain sa araling ito. Dahil masaya ka sa kinalabasan, maaari kang
dumako sa isa pang araling kasunod nito. Tiyak akong mas lalawak pa ang iyong kaalaman.

SANGGUNIAN
https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/
https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati
https://philnews.ph/2019/07/25/bionote-ang-kahulugan-at-mga-halimbawa/
https://quizlet.com/307302095/filipino-sa-piling-larangan-teknikal-bokasyonal-akademik-
sy1819-1t1q-flash-cards/#_=_
Galileo S. Zafra, et.al., 2016, Filipino sa Piling Larangan - Akademik, Quezon City: Rex
Publishing house.

11

You might also like