You are on page 1of 9

KALIKASAN NG

PANANALIKSIK
Introduksyon

Mahalagang matutunan mo ang pananaliksik. Isa itong pangangailangan sa


mga iba’t iba asignatura sa kolehiyo. Isa rin itong paraan para
mapagsanayan at mapatunayan ang iyong tiyaga, sipag at disiplina bilang
mag-aaral.Sa asignaturang ito ang mga batayang kaalaman sa pananaliksik
ang iyong matututuhan. Pagdating sa mga kursong pandisiplina, mas
magiging ekstensibo ito at mas ispesipiko kaugnay ng paksa, datos, at
metodolohiya.
Pananaliksik: Kahulugan, Katangian at Layunin

Kahulugan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang masursing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,


konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o
pasubalian.
 Masusi ito dahil bawat detalye, datos, pahayag at katwiran ay
inuusisa, nililinaw at pinag-aaralang mabuti bago gumawa ng
mga konklusyon.
 Paagssisiyasat ito dahil anumang pamamalagay, ideya o haka-
haka ay hinahanapan ng katibayan para patunayan
 Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng pagsisisyasat ay
tinitimbang, tinataya at sinusuri.
 Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang maaari ng alam ng marami
pero mangangailangan ng dagdag na impormasyon at
paliwanag.
 Nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay, haka-haka at
paniniwala.
 Nagpapasubali ito sa mga dati nang pinanialaan pero
inaakalang may mali, hindi totoo o hindi dapat paniwalaan.
Katangian ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay:

 Obhetibo. Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di-


kinikilingang mga batis. Ang gma interpretasyon ay batay sa
paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na ito.

 Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na datos.Lahat ng posibleng


pagkunan, maging ito’y nakasulat sa wikang banyaga o kaya’y nasa
ibang bansa, ay mga datos na magagamit sa pananaliksik. Ang
anumang problema kaugnay ng pinansya, distansya, at lenggwahe
ay limitasyong dapat harapin ng mananaliksik.
 May pamamaraan o angkop na metodolohiyana tutulong sa
ikahuhusay ng pananaliksik.

 Masuri o kritikal sa paggamit ng mga datos at sa pagtitimbang-


timbang sa mga ideya.

 Dokumentado sa mga materyales na ginagamit bilang pagkilala


sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.
Layunin ng Pananaliksik
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang
tanggap o pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya.
5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya,
interpretasyon, paniniwala, palagay, o pahayag
6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo..

You might also like