You are on page 1of 11

Kapag naririnig ninyo ang

salitang flyers ano ang


pumapasok sa inyong isipan?
Meron bang pinagkaiba ang
leaflets sa flyers?
Ang flyers o leaflets ay paraan ng patalastas kung saan malikhaing
inilalapat sa maliit na papel ang mga detalye ng isang produkto,
konsepto, paalala o polisiya.
Katulad ng mga komersyal sa telebisyon o radyo, maging mga
poster o billboards sa mga tabing kalsada at establisyemento. Ito ay
nagbibigay daan upang mas mapabilis na maibahagi ang
impormasyon sa nakararami.
Kadalasang ipinamimigay ng libre ang mga ganitong uri
ngpatalastas.
Leaflet ang tawag kapag ang isang flyer ay nakatupi.
Upang magpalaganap sa ibang tao at
para may malaman ang ibang tao kung
ano man ang nilalaman ng isang flyers,
dahil ipinapamahagi ito sa mga tao
upang may pagtuunan ng pansin ang
kanilang nababasa sa flyers.
Tiyak at direkta
- Sigurado ang mga impormasyon at may direktang
patutunguhan ang bawat salita.
Hindi maligoy
- Walang mabulaklak na salitang ginagamit.
May katanungan at kasagutan
- May mga paunang tanong upang maging interesado ang mga
mambabasa at may sagot din sa mga tanong.
May biswal na katangian
- Ang mga biswal ay may iba’t-ibang hugis at desenyo.
Makulay
- Gumagamit ng mga kulay upang sa mga sulat at disenyo.
May kontak at logo
- Nakalagay ang mga kontak na numero upang maaari
silang tawagan at maaaring makipag-ugnayan sa kanila kung
may iba pang mga katanungan.
May mapaglarong salita
- May kasamang mapaglarong salita upang lalong maging
interesado ang mambabasa.

You might also like