You are on page 1of 27

Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang

araw na ito sa aming lahat upang magampanan namin


ang aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay
at pagkalingan sa pagtupad ng aming mga gawain.
Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga desisyong
ginagawa. Pagpalain mo ang aming mga guro sa
matiyagang pagahahatid sa amin ng mga leksyon sa
araw-araw. Pagpalain mo rin ang aming mga magulang
sa patuloy na pagsuporta sa amin.
Maraming salamat po, Panginoon
sa lahat ng biyayang iyong ibinibigay
sa aming lahat. Ikaw po ang
aming sandigan at kalakasan.
Amen
Balik-aral
1. Ano-ano ang pangunahing
layunin sa akademikong
pagsulat?
2. Bakit mahalagang malaman
ang layunin kapag
nagsusulat ng
akademikong
teksto?
3. Paano magiging
akademikong sulatin ang
isang autobiography?
4. Sa iyong palagay, ano ang
mangyayari kung hindi
malinaw sa iyo ang
layunin ng isusulat?
Pangkatang Gawain
1. Mga salitang may kinalaman sa
pag-ibig
2. Maglahad ng mga katangiang
nais sa isang kapareha.
3. Hakbang sa tamang
panliligaw sa
isang tao.
Pangkatang Gawain

4. Pagkakaiba at pagkakatulad ng
mga kalalakihan at kababaihan.
5. Maaaring mangyari kung
pagsasabayin ang pag-aaral at
pagkakaroon ng
kasintahan.
Mga Gamit sa
Akademikong
Pagsulat
Sa pagbabasa ng sanaysay,
encyclopedia,batayang aklat, balita
at iba pa pang akademikong
sulatin, maoobserbahang may iba’-
ibang gamit o hulwarang ginagamit
upang maging malinaw ang daloy
ng mga ideya.
Kabilang dito ang mga sumusunod.
Depinisyon- pagbibigay ng
klatuturan sa konsepto o
termino. Halimbawa, ang pormal
na depinisyon ng “kalayaan,” mga
salitang kasingkahulugan nito at
etimolohiya o
pinanggalingan ng
mga salitang ito.
Enumerasyon- pag-uuri o
pagpapangkat ng mga
halimbawang nabibilang sa
isang uri o klasipikasyon.
Halimbawa, ayon sa lahi, uri,
kulay, kasarian, panahon,
interes at iba pa.
Order- pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari o proseso. Halimbawa,
kronolohiya ng mga pangyayari sa
Pilipinas mula 1896 hanggang 1898,
proseso ng pagluluto ng adobo, at
pagsunod-sunod ng mga pangyayari
na nagdudulot sa paglubog
ng barkong MV Dela Paz.
Paghahambing o pagtatambis-
pagtatanghal ng pagkakatulad o
pagkakaiba ng mga tao (Ferdinand
Marcos at Rodrigo Duterte) lugar
(San Juan at Lobo) pangyayari
(EDSA I, EDSA II at EDSA III),
konsepto (katarungan
at hustisya), at iba pa.
Sanhi at Bunga- paglalahad ng
mga dahilan ng pangyayari o
bagay at ang kaugnay na epekto
nito. Halimbawa, dahil sa kawalan
ng disiplina sa pagtatapon ng
basura(sanhi), laging
bumabaha sa mga
mababang lugar
(bunga)
Problema at Solusyon-
paglalahad ng mga suliranin
at pagbibigay ng mga
posibleng lunas sa mga ito.
Halimbawa, edukasyon
ang sagot
sa kahirapan.
Kalakasan at at kahinaan-
paglalahad ng positibo at
negatibong katangian ng isa o
higit pang bagay, sitwasyon, o
pangyayari. Halimbawa, mga
kalakasan at kahinaan ng
programang K to 12
sa sistema ng
edukasyong sa Pilipinas
Gumagamit ng mga hulwaran
upang maging organisado, at
malinaw ang daloy ng mga
ideya sa akademikong sulatin.
Maaaring gumamit ng higit sa
isang hulwaran sa isang akda,
lalo na kung ito ay may
kahabaan katulad ng kritikal
na sanaysay o papel-
pananaliksik.
Ibigay ang ginamit na hulwarang sa
mga sumusunod na pahayag.
1. Pagpapaliwanag sa kahulugan ng
salitang “metodolohiya”
2. Listahan ng mga ekonomista sa
Pilipinas
3. Mga hakbang sa
pagsasagawa ng
pamanahong papel.
4. Ang sistemang patriyarka ang
dahilan ng mababang pagtingin
ng marami sa mga babae.

5. Mas maunlad ang


Singapore kaysa Pilipinas.
Mga Katangian ng Akademikong
Sulatin
• Pormal ang tono
• Karaniwang sumusunod sa
tradisyonal na kumbensiyon sa
pagbabantas, grammar, at baybay
• Organisado at lohikal ang
pagkakasunod-sunod
ng mga ideya
Mga Katangian ng Akademikong
Sulatin
• Hindi maligoy ang paksa
• Pinahahalagahan ang kawastuhan ng
mga impormasyon
• Karaniwang gumagamit ng mga
simpleng salita upang maunawaan
ng mambabasa
• Hitik sa impormasyon
• Bunga ng masinop na pananaliksik
Ilan pang anyo akademikong sulatin
• Pamumuna
• Manwal
• Ulat
• Sanaysay
• Balita
• Editoryal
• Encyclopedia
• Rebyu ng aklat, pelikula
• Mungkahing saliksik
Ilan pang anyo akademikong sulatin
• Tesis
• Disertesyon
• Papel-pananaliksik
• Pagsasalin
• Anotasyon ng bibliograpi
• Artikulo sa journal
• Rebyu ng mga pag-aaral
• Metaanalysis
• White paper
Ilan pang anyo akademikong sulatin
• Liham
• Korespondensiya opisyal
• Autobiography
• Memoir
• Plano ng pananaliksik
• Konseptong papel
Isa kang meteorologist ng PAG- ASA.
Sinangguni ka ng isang TV producer upang
maging isa sa mga resource person para sa
binubuong programa tungkol sa climate
change. Ang malalakas na bagyo sa
Pilipinas ang tuon ng iyong panayam.
Bilang paghahanda, magsusulat
ka ng hindi bababa sa 300
salitang gabay upang maging
malinaw at wasto
ang mga impormasyong iyong ibabahagi
Naglalaman ito ng mga sumusunod: 10
pinakamapinsalang bagyo sa Pilipinas sa
ika- 21 siglo, bilang ng mga nasawi at
nawawala, pinsala sa kabuhayan at
imprastruktura, at lakas ng hangin o taas
ng tubig. Iuugnay mo ang mga ito sa
climate change. Tatayain ang
isinulat mo ayon sa kasapatan
at kawastuhan ng impormasyon,
gamit ng akademikong
lengguwahe, at organisasyon.
Kraytirya sa Pagmamarka

Kasapatan at kawastuhan ng impormasyon


Gamit ng akademikong lengguwahe
Organisasyon
Pamamahala ng oras

You might also like