You are on page 1of 24

LAYUNIN SA AKADEMIKONG PAGSULAT

• MAGPABATID
• MANG-LIW
• MANGHIKAYAT
• NAGBIBIGAY KAALAMAN AT PALIWANAG
MGA GAMIT SA AKADEMIKONG
PAGSULAT
• Depinisyon- pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.

• Hal: Ang pormal na depinisyon ng “kalayaan”, mga salitang


kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito.
ENUMERASYON
• Pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri o
klasipikasyon.

• Halimbawa: Ayon sa lahi, uri, kulay, kasarian, panahon, interes at iba pa.
ORDER
• Pagsunod-sunod ng mga pangyayari o proseso.

• Halimbawa: Kronolohiya ng mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896


hanggang 1898.
PAGHAHAMBING O PAGTATAMBIS
• Pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao.
Halimbawa: Benigno III at Gloria Macapagal- Arroyo), lugar (Coron at El
Niño at El Nido), Pangyayari (EDSA I, EDSA II, at EDSA III).
SANHI AT BUNGA
• Paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na
epekto nito.

• Halimbawa: Dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura, laging


bumabaha sa kalakhang Maynila.
PROBLEMA AT SOLUSYON
• Paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga
ito.

• Halimbawa: Ang Edukasyon ang sagot sa kahirapan.


KALAKASAN AT KAHINAAN
• Paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay,
sitwasyon, o pangyayari.

• Halimbawa: Mga kalakasan at kahinaan ng programang K-12 sa Sistema


ng edukasyon sa Pilipinas.
Mga katangian ng Akademikong Sulatin
• Pormal ang tono
• Karaniwang sumusunod sa tradisyonal na kumbensiyon sa pagbabantas, grammar, at baybay
• Organisado at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
• Hindi maligoy ang paksa
• Pinahahalagahan ang kawastuan ng mga impormasyon
• Karaniwang gumagamit ngmga simpleng salita upang maunawaan ng mambabasa
• Hitik sa impormasyon
• Bunga ng masinop na pananaliksik
MGA ANYO NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
TAKDANG ARALIN
• Isa kang meteorologist ng PAGASA. sinangguni ka ng isang TV producer upang maging
isa sa mga resource person para sa binubuong programa tungkol sa climate change. Ang
malalakas na bagyo sa Pilipinas ang tuon ng iyong panayam. Bilang paghahanda,
magsusulat ka ng hindi bababa sa 500 salitang gabay ang maging malinaw at wasto ang
mga impormasyong iyong ibabahagi. Naglalaman ito ng mga sumusunod:
• 10 pinakamapinsalang bagyo sa Pilipinas sa ika-21 siglo, bilang ng mga nasawi at
nawawala, pinsala sa kabuhayan at imprastruktura, at lakas ng hangin o taas ng tubig.
Iuugnay mo ang mga ito sa Climate change. Tatayain ang isinulat mo ayon sa kasapatan
at kawastuan ng impormasyon, gamit ng akademikong lengguwahe, at organisasyon.

You might also like