You are on page 1of 16

Ang PAKSA NG PANANALIKSIK ay ang maikling pangalan o pangkalahatang tawag sa

inyong paksa. Hindi pa ito ang pamagat ng pananaliksik. Halimbawa: BASURA;


KAWALAN NG TRABAHO
Ang PANGUNAHING SULIRANIN ay ang Pangunahing Tanong na nais ninyong masagot sa
iyong pananaliksik. Halimbawa: Ano-ano ang mga dahilan ng kawalan ng trabaho ng
mga kabataan edad 17-20 sa Dasmarinas Cavite? Ang Pangunahing Layunin ay ang
sentence form ng Pangunahing Suliranin. Halimbawa: Malaman ang mga dahilan ng
kawalan ng trabaho ng mga kabataan…
Ang PAMAGAT NG PANANALIKSIK ay ang espesipiko at pinal na pamagat ng inyong papel.
Nilalaman nito ang malinaw na baryabol (mga kasama sa pag-aaral) ng inyong
pananaliksik. Halimbawa: Epekto ng Pagpapalit ng Katawagan sa kursong Sex
Education;Ebolusyon ng Fashion mula Dekada 60  hanggang Dekada 90 (Konsultahin
ang propesor hinggil sa pagtanggap sa mga malikhaing pamagat. Pinapayagan ito ni
Ms. Gonzales. Halimbawa: Nangangamote na ba si Juan: Kamote bilang Pangunahing
Pagkain sa Pilipinas) Huwag nang gumamit ng mga salitang: Isang pag-aaral… Isang
masusing pag-aaral… dahil LAHAT ng pananaliksik ay “pag-aaral.”
SA MGA TIYAK NA SULIRANIN: Isa-isahin ang mga tanong na nais masagot sa inyong
pananaliksik. isiping mabuti kung ano ang hinahanap sa inyong pananaliksik.
Sa PAKINABANG SA PAG-AARAL, ano ang magiging ambag ng inyong pananaliksik kapag
natapos na ito? Huwag ilagay: Makadagdag sa kaalaman….dahil lahat ng
pananaliksik ay dapat makadagdag sa kaalaman. Ilagay ang kongkretong ambag ng
papel ninyo sa komunidad o sa kung sino man (indibidwal o grupo) na maaaring
makinabang sa inyong pananaliksik.
TEORYANG PANSUPORTA. Ilagay dito ang mga konseptong inyong napag-aralan na
maaaring gamiting pampatibay sa inyong pananaliksik. Halimbawa: Paksa ay
tungkol sa bandalismo = teoryang sikolohikal (psychology) (ayon sa mga teoya ng
sikolohiya, bakit nagagawa ng tao ang bandalismo?).
METODOLOHIYA: Uri ng pananaliksik – Tinalakay ito sa modyul. Alin sa mga ito ang
inyong pananaliksik na gagawin?
MGA KALAHOK SA PAG-AARAL – Sino ang inyong sampol (bahagi ng populasyon) na
bibigyan ng sarbey/ sino ang mga respondente/ interviewee? Depende ito sa
gagawing pananaliksik.
10.PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS- Ipaliwanag ang mga gagawin ninyo sa pangangalap
ng datos. (Maaaring interbyu, focus group discussion, document analysis)
11.PAGSUSURI NG DATOS: Ipaliwanag kung paano susuriin (analyze) ang inyong
makukuhang mga datos pagkatapos ng sarbey, interbyu, atbp, ano na ang gagawin 
ninyo sa datos?
PAGLILIMITA NG PAKSA
Ilimita ang paksa para hindi maging masyadong
masaklaw at hindi maging hadlang dito ang
limitasyon ng panahon ng pananaliksik. Batayan sa
paglilimita ng paksa ang mga sumusunod:
1. Sakop ng panahon
 Tiyakin ang panahong sakop ng pag-aaral. Baka masyadong mahabang panahon ang
sakop ng pag-aaral ninyo, hindi ito matatapos.

Halimbawa:
1. Pangkalahatang paksa: Brain Drain at Epekto Nito sa Larangan ng Siyensya at
Teknolohiya ng Bansa

Nilimitahang paksa: Brain Drain sa Dekada 90 at Epekto Nito sa Larangan ng Siyensya


at Teknolohiya ng Bansa

Lalo pang nilimitang paksa: Brain Drain at Epekto Nito sa Larangan ng Siyensya at
Teknolohiya sa Bansa: 1994-1996
 
2. Pangkalahatang paksa: Mga Karanasan ng mga Kababaihan sa Panahon ng Amerikano

Nilimitahang paksa: Mga Karanasan ng mga Kababaihan sa Unang Dekada ng Panahon ng


Amerikano

Lalo pang nilimitahang paksa: Mga Karanasan ng mga Kababaihan sa Unang Hati ng
Unang Dekada ng Panahon ng Amerikano: 1901-1905
2.Sakop ng edad
 Ilimita ang paksa ayon sa partikular na paggugrupong batay sa edad o
kaya’y ayon sa partikular na edad mismo

Halimbawa:
Pangkalahatang paksa: Mga Imbentor na Pilipino at ang Hinaharap ng
Teknolohiya sa Pilipinas

Nilimitahang paksa: Mga Batang Imbentor na Pilipino at ang


Hinaharap ng Teknolohiya sa Pilipinas

Lalo pang nilimitang paksa: Mga Batang Imbentor na Pilipino (edad


10-15) at ang Hinaharap ng Teknolohiya sa Pilipinas
3. Sakop ng kasarian
 Partikular na kasarian ang titiyakin dito para mas lalong
malimitahan ang paksa

Halimbawa:
Pangkalahatang paksa: Ang mga NGO Bilang Tagapuno ng
Kakulangan sa Serbisyo ng Pamahalaan

Nilimitang paksa: Ang Papel ng mga Kababaihan sa NGO


Bilang Tagapuno ng Kakulangan sa Serbisyo ng Pamahalaan
4. Sakop ng propesyon/grupong kinabibilangan
 Maaaring ang trabaho o grupong sosyal , etnolinggwistiko o propesyunal ang
maging batayan ng paglilimita.

Halimbawa:
1. Pangkalahatang paksa: Ang Kulturang Muslim at ang Paniniwala Nila sa
Pag-aasawa
Nilimitang paksa: Ang Kulturang Muslim at ang Paniniwala Nila sa Pag-
aasawa : Kaso ng mga Tausug
 
2. Pangkalahatang paksa: Pag-aaral sa Wika ng mga Bakla

Nilimitang paksa: Pag-aaral sa Wika ng mga Baklang Propesyunal

Lalo pang nilimitang paksa: Pag-aaral sa Wika ng mga Baklang Propesyunal


sa Larangan ng Pelikula
5. Sakop ng anyo/uri
 Maaaring batay ito sa anyo, istatus na panlipunan, istruktura o itsura

Halimbawa:
1. Pangkalahatang paksa: Pag-angkop ng mga Taga-Bikol sa Teknolohiya

Nilimitang paksa: Pag-angkop ng mga Taga-Bikol sa Teknolohiyang


Pangkomunikasyon

Lalo pang nilimitang paksa: Pag-angkop ng mga Taga-Bikol sa


Teknolohiya Pangkomunikasyon: Ang Fax, Cellphone, E-mail at Internet
 
2. Pangkalahatang paksa: Pagtutol ng Mamamayan sa Relokasyon Bunga ng
Pagtatayo ng Golf Course sa Boracay

Nilimitang paksa: Pagtutol ng mga Mahihirap na Mamamayan sa Relokasyon


Bunga ng Pagtatayo ng Golf Course sa Boracay
6. Sakop na partikular na halimbawa/kaso
 Lalo nitong tinitiyak ang paksa sa pamamagitan ng partikular na kaso

Halimbawa:
Pangkalahatang paksa: Epektong Pangkapaligiran ng Turismo sa
Pilipinas

Nilimitang paksa: Epektong Pangkapaligiran ng mga Beach Resorts


sa Pilipinas

Lalo pang nilimitang paksa: Epektong Pangkapaligiran ng mga


Beach Resorts sa Pilipinas: Kaso ng Puerto Galera
7. Sakop ng iba’t ibang perspektiba
 Iba’t ibang perspektiba, lapit, pagtingin at aspekto ang batayan ng ganitong
paglilimita
Halimbawa:
1. Pangkalahatang paksa: Epekto ng Globalisasyon sa Lipunang Pilipino

Nilimitang paksa: Epekto ng Globalisasyon sa Pamumuhay ng mga Pilipino

Lalo pang nilimitang paksa: Epekto ng Globalisasyon sa Pamumuhay na


Ispiritwal ng mga Pilipino
 
2. Pangkalahatang paksa: Epekto ng Pedopilia sa mga Biktima

Nilimitang paksa: Epektong Sikolohikal ng Pedopilia sa mga Biktima

Lalo pang nilimitang paksa: Epekto ng Pedopilia sa Pagkakatuto at Pag-


aaral ng mga Biktima
8. Sakop ng lugar
 Maaaring partikular na lugar ito o mas malawak na lugar
Halimbawa:
1.Pangkalahatang paksa: Preperensya ng mga Taga UP sa Panonood ng mga
Programang Kultural sa Kampus

Nilimitang paksa: Preperensya ng mga Estudyante ng UP Diliman sa Panonood


ng Programang Kultural sa Kampus

Lalo pang nilimitang paksa: Preperensya ng mga Estudyante ng UP College


of Mass Communication ng Diliman sa Panonood ng Programang Kultural sa
Kampus
 
2.Pangkalahatang paksa: Naiibang Tradisyon ng Piyesta sa Katagalugan

Nilimitang paksa: Naiibang Tradisyon ng Piyesta sa Bulacan

Lalo pang nilimitang paksa: Naiibang Tradisyon ng Piyesta sa Malolos,


Bulacan
9. Sakop ng iba’t iba o halu-halong batayan
 Maaaring malimita ang paksa batay sa iba’t iba o kaya’y pinagsamang dalawa o
mahigit pang batayan

Halimbawa:
1. Pangkalahatang Paksa: Atityud ng mga Estudyante sa Online Classes sa
Panahon ng Pandemya
Nilimitang paksa
-ayon sa perspektiba: Preperensya ng mga Estudyante…
- ayon sa perspektiba at uri : Preperensya ng mga Estudyante ng SHS
-ayon sa perspektiba ,uri at lugar : Preperensya ng mga Estuduyante ng
SHS ng DLSU…
- ayon sa perspektiba ,uri , lugar at anyo : Preperensya ng mga
Estudyante ng SHS ng DLSU-Dasmarinas sa Paraan ng Pag-aaral
KWIZ TAYO!
PANUTO: Lumikha ng pamagat na nalimitahan mula sa paksang napili ng
pangkat noong nakaraang sesyon. Pumili sa mga napag-aralang batayan ng
paglilimita ang mga gagamitin sa inyong paksa.
PAKSA:
SULIRANIN SA PAKSA:
PANGKALAHATANG PAMAGAT:
NILIMITAHANG PAKSA:
PINAGBATAYAN SA NILIMITANG PAKSA:
a. Panahon
b. Edad
c. Kasarian
d. propesyon/grupong kinabibilangan
e. Sakop ng anyo/uri
f. Sakop na partikular na halimbawa/kaso
g. Sakop ng iba’t ibang perspektiba
h. Sakop ng lugar
i. Sakop ng iba’t iba o halu-halong batayan

You might also like