You are on page 1of 25

Layunin ng Pagkatuto

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
2. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik
(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos
empirikal, atbp.
3. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik
• Pagpili ng paksa
• Pagsulat ng
tentatibong
balangkas
• Pagbuo ng
tentatibong
bibliograpi
Paglalapit
Mga paksa
1. Computer Games
2. Kapaligiran
3. Bullying
4. Paaralan
5. Pamilya
6. Teknolohiya
7. Kultura
8. Paninigarilyo
9. Social Networking Sites (Social Media)
10.Edukasyon
Paglalapit
Pangkatang Gawain.
Panuto. Pumili ng isang titulo ng papel-pananaliksik. At tukuyin ang
angkop na klasipikasyon na hinihingi sa mga sumusunod: a. Paksa b.
Malayang Baryabol c. Di- malayang baryabol d. Lokal

1. Epekto ng Paglalaro ng Dota sa mga Piling Mag-aaral ng Cagayan de


Oro National High School-Senior High School
2. Global Warming sa Pananaw ng mga Estudyante sa Ikalabindalawang
Baitang ng Strand na Science Technology Engineering Mathematics sa
Cagayan de Oro National High School-Senior High School.
3. Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Programang Project
Pulot sa Cagayan de Oro national High School-Senior High School.
Paglalapit
4. HIGIT PA SA AWAY BATA: KAALAMAN, KARANASAN, AT SALOOBIN NG
MGA MAG-AARAL NG ST. JOSEPH COLLEGE OF BULACAN NA
KUMUKUHA NG KURSO NG PAGTUTURO UKOL SA ISYU NG BULLYING

5. MGA NAKIKITANG EPEKTO NG CYBER BULLYING SA PAG-AARAL NG


MGA ESTUDYANTE NG STI COLLEGE ALABANG

6. EPEKTO NG PAGSALI SA MGA SOCIAL NETWORKING WEBSITES SA


MGA PILING 1ST YEAR NA MAG-AARAL MULA SA KOLEHIYO NG
KOREMSIYO SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Paglalapit
Epekto ng mga Makabagong Teknolohiyang Ginagamit sa mga
Pasyenteng May Malalang Sakit

Ang Kontribusyon Ng Makabagong Teknolohiya, Partikular Ang


Kompyuter Sa Mabilis Na Pag-Aaral Ng Nasa Unang Lebel Ng Kursong
Accountancy

Mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga


estudyante sa kursong teknolohiya sa medisina
Tuklasin
Ang unang hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ay ang
pagpili ng paksa. Ito rin ang bahaging pinakamahirap
simulan dahil hindi sapat na gusto mo lamang o kabilangsa
mga hilig mong gawin ang nais isulat. Kailangan dinng
magandang dahilan kung bakit ito ang napiling saliksikin
upang paipakita ang kahalagahan nito atmaiaambag nitong
bagong kaalaman
Tuklasin
Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing
pananaliksik. Ang paksa ay ang pangunahing ediya sa gagawing pag-
aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating pamanahong
papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha
ng mga ilalagay nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating
mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o saliksikin. Sa pagpili ng
paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng ating gagawing pamagat
kung saan dito na papasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating
gagawing pag-aaral. Sa pagpili ng paksa may mga dapat isaalang-
alang upang maisakatupatan ng maayos ang gagawing pananaliksik
at ito ay mababasa natin sa baba:
Tuklasin
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa:
Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa
napili mong paksa. Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong
paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.
Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang
oras kung hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May
mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya
nangangailan ngahabang panahon para maisakatuparan.
Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong
kakayahang pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at mabigat sa
bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik
sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na pera.
Tuklasin
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa:
Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay
napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay makakatulong din sa iba
pang mananaliksik at ibang tao.
Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo
ang isang bagay lahat ay gagawin mo para makuha ito. Sa
pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong
paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ng
komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong
paksa.
Tuklasin
Hangga’t maaari, iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa
sumusunod:
1. Mga pinagtatalunang paksa na may kinalamansa relihiyon at
usapin ng moralidad na mahiraphanapan ng obhetibong pananaw
atnangangailangan ng maselang pagtalakay.
2. Mga kasalukuyang kaganapan o isyo dahilmaaaring wala pang
gaaning material namagagamit bilang saligan ng pag-aaral.
3. Mga paksang maituturing nang “gasgas” o gamit na gamit sa
pananaliksik ng mga mag-aaral
Tuklasin
Mga Hanguan ng Paksa
Ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili, pwede ka nang
humanap ng mga paksang iyong sasaliksikin. Ngunit saan nga ba magandang
kumuha ng paksa? Narito ang ilan na pwede mong pagkunan:
Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring
ang maging paksa natin ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa,
napakinggan at maging sa ating mga kaalaman na natutunan. Halimbawa, ikaw
ay isa sa kabataang lulong sa computer games, maari mo itong gawing paksa sa
iyong pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon o magkaroon pa
ng impromasyon ukol sa paksang ito.
Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang
mga napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa na pwede nating pagbatayan
sa pipiliin nating paksa.
Tuklasin
Mga Hanguan ng Paksa
Radyo at TV – Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok din sa mga programa
ng telebisyon at radyo ang mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito, maari
din tayong makakuha ng mga ediya na pwede nating gawing paksa sa gagawing
pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa isport, edukasyon at maging sa mga
balita. Halimbawa ng isyung napapanahon na napapanood natin sa T.V at
napapakinggan natin sa radyo ay tungkol DROGA, DENGVAXIA, POLITIKA at
TRAIN Law.
Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong
magkaroon at makabuo ng ediya batay sa mga impormasyong ibibigay nila
patungkol sa gagawin nating pananaliksik.
Tuklasin
Internet – Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang
ating pangangalap ng impormasyon. Sa pamamagitan ng pag browse
sa internet, makakakalap tayo ng mga ediya na pwede nating gawing
paksa. Maari tayong makakuha ng paksa sa mga social media
websites tulad ng Facebook, sa pagse-search sa Search Engines tulad
ng Google, at sa mga online web articles na ating nababasa.
Aklatan – Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa
Aklatan. Magandang kumuha ng paksa sa aklatan kung ang nais
nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa Edukasyon
at Akademya.
Tuklasin
Paglilimita ng paksa
Nakapili ka na ba ng paksa? Kung oo, lilimitahan naman natin ito para hindi maging masyadong
malawak ang ating pag-aaralan. Paano nga ba natin lilimitahan ang ating paksa at paano tayo
makakagawa ng epektibong pamagat sa ating pananaliksik? Sa paglilimita ng paksa, maari na
tayong magkaroon ng tiyak na Pamagat kung saan dito lamang iikot sa pamagat na ito ang ating
gagawing pananaliksik. Narito ang ating pwedeng pagbatayan sa pag lilimita ng ating paksa:
Paglilimita ng Paksa
Mga elementong makapaglilimita ng paksa:
1. Panahon
2. Uri o Kategorya
3. Edad
4. Kasarian
5. Lugar o espasyo
6. Pangkat o sector na kinasasangkutan
7. Perspektiba o pananaw
8. Kombinasyon (Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Tuklasin
Paksa: Droga
1. Panahon
Nalimitahang Paksa: Epekto ng droga noong taong 2017-2018
2. Uri o Kategorya
Nalimitahang Paksa: Epekto ng Droga sa kalusugan
3. Edad
Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa mga kabataang may edad na 15-18.
4. Kasarian
Nalimitang Paksa: Epekto ng droga sa kalalakihang nagamit nito.
Tuklasin
Paksa: Droga

Lugar – Saan isasagawa ang pananaliksik


Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa Universty of Example, Manila
Pangkat o Grupo
Nalimitang Paksa:
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral
Partikular na halimbawa o kaso
Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga estdyanteng nagsisimula
pa lamang gumamit nito
Tuklasin
Paksa: Droga
Kombinasyon – Para mas maging tiyak o partikular ang ating paksa,
maari pa nating pagsama samahin ang mga batayan.
Halimbawa:
1. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng University of Example,
Manila sa taong 2017-2018
2. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga mag-aaral ng UOE, Manila sa
taong 2017-2018
Tuklasin
Pagdidesenyo at Paggagawa ng Epektibong Pamagat para sa Pananaliksik

Sa paggawa at pagdisenyo ng pamagat ng pananaliksik, dapat ito ay maging


malinaw, madaling maintindihan, tuwiran at maging tiyak. Sa bilang ng mga
salita, dapat ay hindi bababa sa sampu(10) ngunit hindi tataas sa
0
dalwampu(20). Mas magandang sumasagot sa tanong na “Saan”, “Kanino”,
“Kailan”, at “Papaano” ang gagawing pamagat para sa pananaliksik .
Sa Tanong na “paano”, pwedeng gamitin ang mga salitang “Isang Pag-aaral”, ”
Isang Pananaliksik”, “Isang Pagsusuri” “Paghahambing na pagsusuri” at iba
pang salita na maiihalintulad dito.
Tuklasin
Bahagi ng Pamagat ng Papel-pananaliksik

Resirts Gol (Research Goal) – Ano ang hinahanap ng riserts n’yo o ano ang
gustong gawin sa riserts n’yo Hal. (Epekto, Nakakaapekto)
Malayang Baryabol (Independent Variable) – mga problema na gusto ninyong
0
imbestigahan o mga problema na nakakaapekto sa mga respondent ninyo. Hal.
(Covid 19, mobile legend, facebook)
Di-Malalayang Baryabol (Dependent Variable)- apektado ng Independent
Variable. Ito ang tinatamaan, nakakatanggap ng epekto ng Independent
variable. Hal. Respondent (mga pagkukuhaan ng data gaya ng estudyante,
empleyado, kabataan, Komunidad at Iba pa.
Tuklasin
Bahagi ng Pamagat ng Papel-pananaliksik

Resirts Gol (Research Goal) – Ano ang hinahanap ng riserts n’yo o ano ang
gustong gawin sa riserts n’yo Hal. (Epekto, Nakakaapekto)
Malayang Baryabol (Independent Variable) – mga problema na gusto ninyong
0
imbestigahan o mga problema na nakakaapekto sa mga respondent ninyo. Hal.
(Covid 19, mobile legend, facebook)
Di-Malalayang Baryabol (Dependent Variable)- apektado ng Independent
Variable. Ito ang tinatamaan, nakakatanggap ng epekto ng Independent
variable. Hal. Respondent (mga pagkukuhaan ng data gaya ng estudyante,
empleyado, kabataan, Komunidad at Iba pa.
Lokal – hal. Paaralan, barangay o espisipikong lugar.
Tuklasin
Bahagi ng Pamagat ng Papel-pananaliksik

Epekto ng Mobile Legend sa Akademikong pagganap


Gol Independent variable Dependent Variable
ng mga Estudyante sa Cagayan 0de Oro National High School
Dependent variable lokal
Senior High School
PAGTATAYA 1
. Panuto: Subuking bumuo ng tatlong research title o
pamagat ayon sa mga sumusunod na Paksa; Kulturang
Filipino, Ekonomiya, at Kabataang Pilipino. Sikaping
limitahin sa dalawampung salita (20) ang pamagat at
maging tiyak sa pagsulat nito.
SALAMAT
SA
PAKIKINIG

You might also like