You are on page 1of 10

MODYUL 12

PANANALIKSIK: PAGPILI NG PAKSA


PAKSA?
PAGPILI NG PAKSA SA PANANALIKSIK
Pinakamahirap na suliranin ng isang mananaliksik ang pagpili at
paghahanap ng suliranin ng Pag-aaral. Hindi madaling pumili ng suliranin na
siyang magiging paksa ng isasagawang pananaliksik.Nagiging mahirap lamang
ang bahaging ito kung hindi npalabasa o palaaral ang naitalagang mananaliksik
o kaya naman ay napilitan lamang ang magsasaliksik dahil isa ito sa mga
kahilingan ng kursong kinukuha.
Pangkalahatang Prinisipyo sa pananaliksik ng Lalong Mataas na Edukasyon (CHED).

Pananaliksik ang pangunahing ekspresyon ng makabago at malikhaing


kapangyarihan ng indibidwal. Kinakailangan matiyak ng sektor ng lalong mataas na
edukasyon na ang kaligirang pang-akademiko ay mangangalaga at tutustos sa
kasanayang pananaliksik ng mga Pilipino.
Lumalago ang pananaliksik sa kapaligirang may malayang daloy ng impormasyon,
katapatan at masusing pagpapalitan ng mga ideya, at nakatutulong na palisiya at
istrukturang administratibo. Ang mga palisiya ng Lalong Mataas na Edukasyon ay
kinakailangan magpahusay sa kapasidad ng institusyon at indibidwal na kakayahan
na makapagsasagawa nang malaya, kolaboratibo at produktibong pananaliksik.
Isa sa mga pangunahing tungkulin ng sektor ng Lalong mataas na edukasyon ang
pananaliksik. Partikular sa mga pamantasan ay inaasahang manguna sa
pagsasagawa nang nakabatay sa disiplina, nakatuon sa palisiya, nakagaya sa
teknololohiya at makabago/malikhaing mga pananaliksik na tumutugon sa
pangangailangang lokal at kompetibong global.
Mga maaaring paghanguan ng paksa:

1. Internet o Social Media


• bahagi ng buhay ng tao
• unang tinitignan paggising sa umaga at huling sinisilip sa gabi

2. Telebisyon
• isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital television

3. Dyaryo at Magasin
• pag-ukulan ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinyon, editoryal at mga artikulo

4. Mga Pangyayari sa iyong paligid


• ang mga pangyayari at mga bagong kalakaran sa paligid ay maaring maging paksa

5. Sarili
• may mga tanong kang naghahanap ng kasagutan subalit hindi mo naman basta maihanap ng kasagutan
• may interes ka ka o mga bagay na curious ka at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa
1. Kasapatan ng datos – Kinakailangang may sapat na
impormasyon na tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti
ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring
kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.

2. Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng


pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung
hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong
pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang
gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya
nangangailangan ng mahabang panahon para
maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang
iyong kakayahang pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at
mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaaring hindi mo matapos ang
iyong pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong malaki
ang mailalabas na pera. 4. Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa,
hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa
halip dapat ito ay makakatulong din sa iba
pang mananaliksik at ibang tao.
5. Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo
na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay
gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas
mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa
ay nakabatay sa iyong interes.
Mga Paalala sa Pagpili ng Paksa
1. Interesado ka o Gusto mo ang paksang
pipiliin mo
Paksang marami ka nang nalalaman
Paksang gusto mo pang higit na makilala o
malaman
Paksang napapanahon
2. Mahalagang maging bago o naiiba (unique)
at hindi kapareho sa mapipiling paksa ng mga
kaibigan mo.
3. May mapagkukunan ng sapat at malawak
na impormasyon
4. Maaaring matapos sa takdang panahong
nakalaan.
Mga Hakbang saPagpili ng Paksa

1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin


Ito ay para maihanay o maiugnay mo sa layunin ang iyong gagawin.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
Ito ay para may pagpilian. Ang mga paksa ay nakaugnay sa layunin.
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
Muling balikan at isa-isahing basahin ang mga isinulat mong ideya.
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
Lagyan ng check (/) ang mga paksang maaari mong ipursige bilang paksa sa iyong pananaliksik.
- Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso?
5. Paglilimita ng paksa
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
- Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
- Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa kanilang Gawaing
Pang-akademiko.
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
- Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Heneral
Gregorio Del Pilar Hign School at ang Epekto Nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko. SMART
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG

You might also like