You are on page 1of 16

Sulating Pananaliksik

Sagutin:
Ano-anong ang mga tungkulin o
responsibilidad ng isang mananaliksik
na tulad mo? Paano mo maihahanda
ang iyong sarili upang matugunan ang
mga ito sa iyong bubuoing sulating
pananaliksik?
Layunin:
Nasusuri ang ilang halimbawang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,
gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
TIP SA PAGPILI NG
PAKSA
(Pananaliksik )
Paksa
Ang pangkalahatan o sentral naideyang
tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng
matagumpay na sulating pananaliksik ang
pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na
pinag-isipang paksa. Mahabang panahon
ang ginugugol sa paghanap ng datos kaya
naman, makabubuting napag-isipang
mabuti ang paksang tatalakayin bago pa
magkaroon ng pinal na desisyon.
Gayunpaman, kung sa proseso ng
pangangalap ay marami kang natuklasang
impormasyong higit na makapagbubuti sa
iyong sinusulat kung rerebisahin mo ng
bahagya ang paksa, maaari mo pa ring
gawin subalit huwag kalilimutang
konsultahin muna ang iyong tagapayo o
guro tungkol sa modipikasyong gagawin mo.
Tip/Paalala sa Pagpili ng Paksa ng
Pananaliksik
1. Interesado ka o Gusto mo ang Paksang
Pipiliin
Upang mapanatili ang iyong interes at
pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan
gaano man ito kabusising gawin
a. Paksang marami ka nang nalalaman
b. Paksang gusto mo pang higit na malaman
c. Paksang napapanahon
2. Mahalagang maging bago o naiiba
(unique) at hindi kapareho ng mapipiling
paksa ng mga kaibigan.
Paglalahad mula sa mga bagong
matutuklasan sa halip na pag-uulit lang ng
anumang natuklasan na ng ibang
mananaliksik. Magiging mas mahirap din sa
paghahanap ng materyales at sa taong
makakapanayam.
3. May mapagkukunan ng sapat at
malawak na impormasyon
Habang pumipili ng paksa ay pag-isipan
na kaagad kung saan-saan o kung sino-sino
ang panggagalingan ng impormasyon.
Makabubuting matiyak na ang resources
(tao man o bagay) ay nariyan at maaaring
magamit sa oras o panahong kakailanganin
para sa gagawin.
Maaring Panggalingan:
*Sarili
*Nabasa
*Napakinggan
*Napag-aralan
*Mga Babasahin
*Iba’t ibang tao
4. Maaring matapos sa takdang Panahong
Nakalaan
Dito pumapasok ang paalalang ang
paksa ay dapat angkop sa kakayahan ng
mananaliksik. Tandaang habang binubuo
mo ang sulating pananaliksik sa isang
asignatura ay may iba ka pang asignaturang
mangangailangan din ng iyong panahon at
atensyon.Kaya umiwas sa masyadong
malalawak o masaklaw na paksang aabutin
ng mahabang panahon bago matapos.
Upang maiwasan ang masaklaw na paksa
bigyang pansin ang paglilimita gaya nang:
a. Panahong saklaw ng pag-aaral
b. Gulang ng mga kasangkot
c. Kasarian ng mga kasama
d. Lugar na kasangkot
e. Pangkat ng taong kinabibilangan
f. Kombinasyon ng iba pang batayan
5. Kakailanging Gastusin
Sa simula pa lang ng pagpili ng paksa,
isipin ang mga praktikal na aspeto gaya ng
iyong gagastusin.
Sagutin ang mga Katanungan:
1. Paano makatutulong sa isang
mananaliksik kung marami na siyang nalala-
Man sa paksang susulatin?
2. Bakit mabuting pumili ng paksang wala ka
pang gaanong ideya subalit gusto mong
higit na makilala o malaman pa?
3. ano- anong kabutihan ang maidudulot ng
pagpili ng paksang napapanahon?
4. Bakit mahalagang pumili ng paksang
naiiba sa paksang napili ng mga kaibigan o
nakararami sa mga kaklase?
5. Bakit kailangang bago maging pinal ang
pagpili mo ng paksa ay may ideya ka na
kung saan-saan o sino-sino ang pagkukunan
mo ng mga datos o impormasyon?
6. Bakit mahalagang sa pagsulat mo ng
pananaliksik ay piliin momng mabuti at
maging interesado ka sa paksang iyong
susulatin?
Kompletuhin ang Pahayag

Pagkatapos ng aralin:
Nalaman kong ___________
Naramdaman kong __________
Napatunayan kong ________

You might also like