You are on page 1of 10

INTRODUKSIYON

AT PAGLALAHAD
NG SULIRANIN
INIHANDA NI:
GNG. ANDREA JEAN M. BURRO
PAGPILI NG PAKSA
• Ang paksa ang pangunahing ideya na nagbibigay-
daan sa takbo ng isinasagawang pananaliksik kaya
mahalaga ang pumili ng paksa.
• Maraming maaaring mapagkunan ng paksa: mga
nabasa, napakinggan o napag-aralan.
• Mga babasahin: diyaryo, magasin, at journal
balita, lathalain, kolumn at iba pa
MAHAHALAGANG PUNTO SA
PAGPILI NG PAKSA:
Tandaan na ang pagpili ng paksa ay magiging sentro ng saliksik. Kailangang
pag-isipan ang sumusunod:

1. Kahalagahan at kabuluhan ng paksa.


 Ano ang makukuha kung sasaliksikin ang naturang paksa?
 Ano ang nais mong matuklasan gamit ang pananaliksik?
 Maaaring may paksa kang naiisp, ngunit tingnan ang kahalagahan nito.
 Kailangang malinaw ang iyong layunin upang walang masasayang na oras at
maging kapakipakinabang ang naturang pananaliksik.
2. Interes sa Paksa
 mainam kung ang paksang pipiliin ay iyong
interes
 mas magiging kasiya-kasiya ang iyong
pananaliksik dahil ito ang paksang nais mo
pang matutunan at matuklasan.
 maaaring mayroon kang adbokasiya na nais
isulong.
3. May sapat na impormasyon
 ang pananaliksik ay pangangalap ng
impormasyon
 bagaman may paksang nagawan na ng
maraming pag-aaral, ang mga ito at bukas pa
rin sa masusing pananaliksik
 alamin din kung saan makukuha ang mga
impormasyong kailangan
4. Haba ng nakalaang panahon para
isagawa ang pananaliksik
 depende sa paksang pipiliin an
kakailanganing panahon para sa inyong
pananaliksik.
 kung kailangan mong magsarbey,
makipagpanayam sa mga eksperto, o
magtungo sa isang malayong lugar,
mahabang panahon ang kakailanganin
5. Kinakailangang gastusin
 isipin din ang mga praktikal na aspekto gaya
ng iyong gagastusin.
 hal: pagphophotocopy ng mga material, renta
ng kompyyuter kung ika’y walang sariling unit,
transportasyon sa mga lugar na kailangang
puntahan, at iba pa.
 ito ay magiging gabay sa feasibility o
probability na makakayang tapusin ang
pananaliksik
PAGBUO NG SULIRANIN
 nabubuo ang suliranin matapos makapili ng paksa
 ito ang katanungang nais bigyan ng kasagutan ng
pananaliksik
 binibigyang-linaw ang napiling paksa sa
pamamagitan ng pagbubuo ng pangunahing tanong na
naglilinaw sa tiyak na isyu o paksang nilimitahan
Upang maiwasang maging masaklaw ang pag-aaral,
bigyang-pansin ang paglilimita sa sumusunod:

 panahong saklaw
 gulang ng mga kasangkot
 kasarian ng mga kasama
 lugar na kasangkot
 pangkat ng taong kinabibilangan
 haba at kalidad ng teksto o naratibong nakalap
 kombinasyon ng ba pang batayan
BERNALES (2009)
Ang pamagat ng pananaliksik ay kailangang maging
malinaw at hindi matalinghaga, hindi maligoy, at tiyak.
 Ang mga salitang gagamitin sa pamagat ay hindi kukulangin
sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu.
 Huwag kalimutan ang ugnayan ng paglalahad ng suliranin at
pamagat ng pananaliksik.
 Mahalagang ang salitang ginamit sa pamagat ay malinawan
sa paglalahad ng suliranin (magbibigay-linaw sa punto ng
pamagat)

You might also like