You are on page 1of 3

PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL AT PAGHAHANDA NG TENTATIBONG

BIBLIOGRAPIYA

Tiyak na Layunin:

1. Nasasabi ang katuturan ng konseptong papel


2. Natutukoy ang mga bahagi ng konseptong papel

Ang konseptong papel ay paunang plano sa gagawing pananaliksik, Sa


malayang universidad,nakakapili ang mga mag-aaral ng adviser nila sa pananaliksik.
Ang konseptong papel ang hinihingi ng napiling adviser bago magsabi na pumapayag
siya o hindi na maging adviser. Ito ay tinatawag ding panimulang pag-aaral o
panukalang pananaliksik. Ipinapaliwanag, nililinaw at inoorganisa nito ang mga ideya
sa pagsulat. Tinatawag nina Constantino at Zafra (1997) ito bilang framework ng
paksang tatalakayin ng isang ideya na tumatalakay sa ibig patunayan, linawin o tukuyin.

ANG KONSEPTONG PAPEL


- Isang kabuuang ideyang nabuo mula sa isang gawain balangkas ng paksang
bubuuin.
- Isang pangunahing hakbang na ginagawa bago ang aktuwal na pagsulat ng
isang papel ng pananaliksik
- tinitiyak nito ang pagkakaroon ng isang komprehensibong plano at awtput ng
pananaliksik ukol sa isang paksa.
- ito ang nagsisilbing proposal para sa isang binabalak na pananaliksik.
- sa pagsulat ng konseptong papel isang mabisang paraan ang paglalagay ng
mga susing salita hinggil sa kanyang napiling paksa

BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL

1. RASYUNAL (Bakit ito ang Gagagawing Pananaliksik)

Inilalahad ang kaligiran (background) o pinagmulan ng ideya. Ang interes ng


mananaliksik ay mahalaga sa pagpili ng paksang pag-aaralan. Sa bahaging ito
ibinibigay ng mananaliksik ang paunang paliwanag ukol sa naging batayan sa
pagsasagawa ng nasabing pananaliksik. nararapat nag gawing tiyak ang paglalahad sa
bahaging ito upang bigyang kaisipan ang mambabasa hinggil sa gagawing
pananaliksik. Ang mga katungan na maaring sagutin ay tulad ng:
Ano ba ng tungkol sa pag-aaral?
Bakit ito ang gusto kong pag-aralan?
Bakit mahalaga ang pag-aaral na ito?
Ano ang kahalagahan nito sa akin sa lipunan?
Bakit kailangang pag-aralan ito?

2. LAYUNIN (Ano ang inaasahang matamo?)


Ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng mapiling paksa. Mahalaga ang
dahilan ng pananaliksik o kung ano ang gustong matamo. ano ang gustong malaman o
matuklasan sa pananaliksik, kailangan ang paunang layunin upang mabigyang
katuturan ang napiling paksa. May dalawang uri ang layunin
1. Pangkalahatang Layunin – Ipinapahayag ang kabuuang layon, gustong gawin,
mangyari o matamo sa pananaliksik. Kalimitan tuwiran itong kaugnay ng
pamagat/paksaa ng pag-aaral

2. Tiyak – Ipinahahayag ang mga ispesipikong pakay sa pananaliksik sa pamamagitan


ng mas tiyak na mga pahayag at tanong. Ito ang nagbabalangkas sa daloy ng
paglalahad. Kapag nasagot na ang lahat ng tiyak na layunin, nasagot na rin ang nais
tuklasin ng pag-aaral

3. METODOLOHIYA (Paano isasagawa ang pananaliksik)


Isa sa layunin ng pananaliksik ay makapagbigay ng impormasyon tungkol sa lugar ng
paksang bibigyan ng pag-aaral. magagawa lamang ito sa tulong ng:
aklat;
na paraan tulad ng tsart at grap.
sarbey sa
pamamagitan ng paglalapat ng mga ideya ng mga naunang akademikong pag-aaral at
ayon sa panayam ng isang eksperto sa paksa.

4. INAASAHANG RESULTA
Inilalahad sa bahaging ito ang inaasahang resulta ng isasagawang pananaliksik, mga
inaasahang bunga ng pananaliksik
-aaplay ng kaalamang natuklasan
sa pananaliksik;

pangangalap ng dagdag na mga impormasyon.

You might also like