You are on page 1of 1

"Ang aking Ama at Ina"

Simula nang ako’y mabuhay, sa mundong ito.

Ang aking mga magulang ang taga gabay at umaalalay.

Sa mundong puno ng lungkot at problema,

Hindi nila ako pinabayaang mag-isa.

Malaking pasasalamat ko sa pag-aalaga at pag- aaruga,

Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may takot sa diyos,

Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod

Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.

Kapag may problema, laging handa para ako'y dinggin.

Dahil sa ako’y mahal ng aking ama't ina.

Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.

Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito,

Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.

Salamat sa inyo, aking ama’t ina.

Sa walang sawa niyong pagsuporta.

You might also like