You are on page 1of 1

"INSPIRASYON"

Isinulat ni: Laurence M.Mangaoang

Lahat ng tao may pangarap sa buhay.


Lahat ay may mga bagay na nais makamtan, Lugar na nais mapuntahan
at mga pangyayaring nais maranasan.
Mayroong mga tao na nagtutulak sa atin upang magpatuloy at wag
susukuan ang iba't -ibang mga problema sa buhay.at ang taong ito ay
ang mga magulang ko.

Sila ang Inspirasyon ko sa pagkamit ng mga pangarap ko


Mula pagkabata ay nawalay na ako sa mga magulang ko.
pumunta sila sa ibang bansa upang mag trabaho.para may puhunan
para sa mga pangangailangan ko.Lumaki akong hindi Minsa'y
nahawakan at niyakap ang mga magulang ko.masakit man sa kalooban
ko ngunit hindi ako susuko at magpapatuloy sa pag aaral upang mabawi
man lang ang paghihirap sa akin ng mga magulang ko.

Minsa'y napapagod at nahihirapan na ako sa bawat iyak,lungkot at tubig


na tumutulo sa mga mata ko,hindi ako susuko dahil alam kong ganito
din ang pinagdadaanan ng mga magulang ko.
minsan sa parke ay may makikita akong buo at masayahing Pamilya,at
sa bawat pagtawa nila ay tumutulo ang luha ko at sa bawat pagpatak ng
luha na dumadaloy sa mga mata ko may pinaparating ng mensaheng "
umuwi kana miss na kita oh mga magulang ko"

Ngunit hindi lang sa mga magulang ko,nagpapasalamat ako dahil may mga
Lolo at lola akong pinalaki at inaruga akong mabuti at masipag na tao.
Hindi ako lumaking mabuti at masipag na tao kung wala ang mga mabubuting
lolo at lola ko.at malaki ang pasasalamat ko dahil lumaki akong may
pananampalataya at may takot sa diyos.tinuturuan ako ng mga mabubuting
asal sa akin nung bata pa ako hanggang sa paglaki ko. sa Lolo at lola kong nag
palaki,at nag aruga at magulang kong nag sakripisyo Maraming Salamat sa
inyo.

Pinapangako kong pagbubutihan ko pa


ang pag-aaral ko mapasaya lang ang mga magulang ko.Sa bawat pawis, sakripisyo,luha at
iyak ng mga magulang ko gagawin ko
itong motibasyon at inspirasyon upang magpatuloy at wag susuko sa
pagkamit ng mga pangarap ko masuklian lang ang mga pagsasakripisyo ninyo.Magulang ko
na aking inspirasyon kaya ako bumabangon at hinaharap ang mga hamon.Magkalayo man
ako sa mga
magulang ko,buo at hindi naman mawawala itong pagmamahal ko.Mahal ko
kayo mga magulang ko at kayo a
ang Inspirasyon ko

You might also like