You are on page 1of 2

Ang aking pangarap

(Ni John Reynold Magbuhos)

Nag simula sa aking imahinasyon

Inasam na sana’y maging ganoon

Idinalangin ko sa panginoon

Nawa’y tulungan niya akong makamtam yun

Hindi masa na tayo ay mangarap

Kung sasamahan natin pagsisikap

Kaginhawaan pagkatapos ng hirap

Walang kasing tamis walang kasing sarap

Pangarap mo ay iyong tangan-tangan

Isa puso mo at huwag mong kalimutan

Tulang ito sana’y maging kalakasan

Diyos nawa’y ako ay inyong gabayan

Aking ama’t ina, salamat sa lahat

Utang na loob ko aking buong buhay

Di man kasing taino ni Jose Rizal,

Sisikaping makasungkit ng parangal


Mga ka mag-aral wag patumpik-tumpik

Pag-aaral muna ang asikasuhin

Nang ating mga magulang hindi malungkot

Upang mga pangarp ay ating makamit

At para sa aming mabubuting guro

Salamat sa matiyagang pagtuturo

Para sa mag aaral na katulad ko

Hangad ay ang kaginhawaan ninyo

Isang pangarap ang nais kong matupad

Kahit ang pag asang maabot ay kay liit

Sa pamamagitan ng hiling kong ito

Nawa’y matupad ang pinapangarap ko.

You might also like