You are on page 1of 2

Graduation

Magandang araw sa inyong lahat! Ako ay


nagagalak at nasisisyahan dahil nandito tayong
lahat para makisama sa progma natin ngayun.
Ako'y nasa iyong harapan upang ibahagi ang
talumpati na aking ginawa pero bago ko simulan
gusto ko munang magpakilala sa inyo ako si
Analiza M. Loogan na mag-aaral sa Lubon National
High School na handang magbigay ng inspirasyon
at magpakita ng aking kakayahan. Sa araw na ito,
ako ay lubos na nagpapasalamat sa pagkakataong
magsalita sa harap ninyong lahat. Sa bawat araw ng
aking pag-aaral, patuloy kong pinapangarap na
makapagtapos at maging isang matagumpay na
tao sa hinaharap. Alam ko na hindi madali ang mga
pagsubok at hamon na darating sa aking buhay,
ngunit naniniwala ako na ang bawat tagumpay na
nagsisimula sa mga simpleng hakbang. Kaya
naman, sa mga kapwa ko mag-aaral, huwag nating
isipin na mahirap ang ating mga pangarap. Sa halip,
bigyan natin ito ng tamang panahon, sipag, at tiyaga
upang ito ay magkatotoo. Sa ating mga guro,
maraming salamat po sa inyong walang sawang
pagtuturo at paggabay. Kayo po ang aming mga
inspirasyon upang magpatuloy at magtagumpay sa
buhay. Sa mga magulang naman, maraming
salamat sa inyong walang sawang suporta at
pagmamahal. Kayo po ang aming mga
tagapagtanggol at gabay sa bawat hakbang na
aming gagawin. Sa lahat ng nandito ngayon,
maraming salamat po sa inyong pagdalo at
pagbibigay ng inspirasyon sa amin. Sana po ay
maging inspirasyon din ako sa inyo upang
magpatuloy sa pagsisikap at pagkamit ng ating
mga pangarap. Muli, maraming salamat po at
magandang araw sa inyong lahat!

You might also like