You are on page 1of 2

TALUMPATI NG PAGTATAPOS

Magandang araw po sa inyong lahat sa mga guro, mag-aaral, magulang at ang


mga kaibigan na naririto ngayong espesyal na araw para sa ating mga anak at para sa
ating mga mag-aaral ng Lucban Academy. Ako po ay narito ngayon bilang inyong
mananalumpati, na may layuning magbahagi ng ilang salita sa pagtitipon na ito. Bago
ang lahat, nais kong magbigay-pugay at pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng
tagumpay na ito. Sa mga minamahal kong mga guro simula ng ako’y pumasok sa
paaralang ito, mga tagapagturo na walang sawang nagbigay ng kaalaman at
inspirasyon, maraming salamat po. Kayo ang mga pangalawa naming magulang na
nagbigay ng liwanag sa aming landas, at sa inyong mga kamay, kami ay nagiging mga
alagad ng karunungan.Hindi rin mawawala ang pagkilala sa ating mga minimahal na
magulang na walang sawa na sumoporta para sa ika gaganda ng buhay ng kanilang
mga anak, kamag-anak, na handa rin na tumulong sa kabila ng mga pagsubok at sa
mga kaibigan na laging maasahan at malalapitan sa oras ng problema at kasiyahan, at
dahil dito sa bawat hakbang ng aming pag-aaral, ay naging mga tangkay kayo ng
suporta at pag-asa. Ang inyong pagmamahal at pag-aalaga ay nagbibigay sa amin ng
lakas na harapin ang mga hamon ng buhay. Dahil sa inyo, kami ay narito ngayon, dahil
sa inyo kami ay handa ng magtapos at handa nang harapin ang bagong yugto ng aming
buhay. Salamat sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal. Sa lahat po ng
nandito, itong araw na ito ay hindi lamang para sa amin, mga mag-aaral, kundi para sa
inyong lahat. Dahil lahat kayo ay naging daan at gabay sa aming buhay. Ito'y isang
pagkakataon para magkasama-sama, magbigayan ng inspirasyon, at magtulungan na
itaguyod ang kinabukasan. Maraming salamat po.

Bago ko po, tapusin ang talumpating ito nais ko po munang magkwento sa aking
mga pinagdaan bago ko po ito makamit. Maraming pagsubok na dumating na minsan
nga ay gusto mo na lamang sumuko pero sa tulong ng mga taong nakapaligid sayo
nalalagpasan at nagagawan mo ito ng sulosyon. Dumadaan ang araw na tinatamad ka
ng pumasok, mag-aral dahil sa loob mo ay ayaw na pero naisip mo yung mga taong
may tiwala at laging gumagabay sa iyo. Laging puyat dahil hindi agad ginagawa ang
mga gawain o di kaya minsan lagi kang nag-iisip ng mga bagay-bagay na negatibo para
sayo dahil nga sa stress sa buhay sa dami ng ginagawa sa dami ng pinagdadaanan,
nagagawa mo yung mga bagay na hindi dapat naman tagala ay iyong ginagawa pero,
dahil sa dala ng panahon sa gulo ng buhay sa mga araw na iyon hindi ito maiwasan.
Pumapasok sa paaralan kahit walang laman ang bulsa, walang umagahan, o di kaya ay
hindi tuwid ang uniporme na iyong suot dahil nalilimutan mo ito, o di kaya ay dahil wala
naman talaga. Pero laging andyan ang mga taong nagmamahal sa atin at kahit ano
pang mangyari mahal nila tayo, at patuloy na ipinakikita ang tunay na suporta at
pagkakaisa para tayo ay makatapos kahit ano paman ang pagsubok na dumaan at
tatahakin pa. Mahirap mag aral, oo andoon na tayo eh pero mahirap kapag hindi man
lang tayo nakapag-aral kaya nga napaka swerte ng mga kabataan ngayon dahil ang
mga magulang nila ay binibigay na ang lahat makapagtapos lang pero anong ginagawa
ng iba, binabalewala ang mga paghihirap ng kanilang mga magulang para lang sila ay
makapag-aral. Kaya sa anumang problema na aking mga napagdaan at mga hinaharap
ay magulang rin, kaibigan, at mga mapagkakatiwalaang tao ang aking kasangga para
makamit ko ang gantong karangalan sa buhay. Maraming salamat at walang sawang
pasasalamat, sa mga taong andyan sa pinansyal man o sa mentalidad ko ay andyan at
maasahan ko kayo, kaya andto ako sa inyong harapan para masuklian ang mga bagay
na inyong tiniis at pinahalagahan sa mga dumating na araw, buwan, at taon.

Sa lahat ng naririto sa mga nakarinig at mga nakaranas rin ng kwento ko


huwag kayong mawawalan ng pag-asa, dahil ang mga pagsubok ay laging may
kaakibat na solusyon. Dahil sa bawat sandali lagi mo dapat pinili na maging masaya at
limutin ang mga negatibong bagay na gumugulo sa iyo, gawin mo lang yung mga bagay
na magdadala sa iyo sa kabutihan at kaayusan, wag mag papadala sa mga salitang
mapangakit. Lagi nyo lang tandaan andyan ang ating mga magulang, kaibigan, mga
pangalawang magulang, di man naayon sa atin ang panahon wag mong kalimatan na
andito lang din lagi ang ating panginoon na laging gumagabay sa atin. Pag may
problema ka tawag ka lang, di mo man marining ang sagot niya, hindi mo man
napapansin pero lagi niya itong binibigyan ng solusyon, dahil nga ang sabi walang
problemang hindi na nasusulusyunan. Dahil kaya nga binigyan tayo ng problema para
bigyan natin ito ng sulusyon dahil hanggang ngayon naniniwala parin ako sa kasabihan
na “nasa diyos ang awa na sa tao ang gawa” dahil uulit-ulitin kong sasabihin na nasa
ating mga kilos ang solusyon sa problemang ating pinagdadaan sa ating buhay. Wag
mawalan ng pag-asa laging lang tayong positibo at lagi nating tandaan malayo pa, pero
malayo na ang ating narating. Padayon sa mga mga taong nandirito at sa mga taong di
nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Marlon M. Cosejo
12- STEM Excellence

You might also like