You are on page 1of 2

Saktong buhay sa dekalidad na edukasyon pinanday

Isang magandang umaga ating mga tagapangasiwa, guro, magulang


at higit sa lahat sa ating mga mahal na estudyante, bigyan po natin ng isang
masigabong palakpakan ang ating mga nagtapos na mag-aaral!
Hindi po naging madali ang daan na tinahak ninyo at ng ating mga
magulang at guro, upang mapuntahan ang inyong nakamit ngayong araw na
ito mga mahal naming estudyante. Tulad ninyo naging isa din akong magaaral na nakaupo at nakikinig ng talumpati mula sa isang tao na di ko na
ngayon maalala, ang pumapasok sa isip ko noon ay Ang tagal naman
magsalita ni Sir, gusto ko nang umuwi wala pa akong ideya kung gaano
kaimportante ang pag-aaral noong akoy kasing edad ninyo. Paglipas ng mga
taon, sa aking pagpasok sa kolehiyo ay doon ko naintindihan ang
importansya ng dekalidad na edukasyon upang mas maging madali ang mga
susunod na yugto ng aking pag-aaral at lalong-lalo na sa mga pagsubok at
tagumpay na haharapin sa buhay.
Dahil sa aking mga guro noong akoy nasa mababang paaralan, at sa
kanilang sikap na akoy turuan ng mga subject ng basic science, reading and
math ang mga natutunan ko dito ang naghasa sa aking murang isipan upang
akoy maihanda sa mga mas mahirap na pagsubok sa mataas na paaralan.
Ngunit saan nga ba nagmumula ang dekalidad na edukasyon? Maaring
ang karamihan sa inyo ay sasabihing ang paaralan ang nagbibigay ng
dekalidad na edukayon, iba sa inyo ay maaaring sa mga guro, para sa akin
ang kasagutan ay laging nagdedepende sa mga taong makakasalamuha mo
sa buhay. Ang pagiging edukado ng isang tao ay nasusukat hindi lamang sa
intellectual na antas ng pagiisip kundi pati na rin sa tamang asal at
pakikitungo sa ibang tao.
Ang dekalidad na edukasyon ay nagsisimula sa tahanan, dito natin
natututunan ang aspeto ng pagsunod sa mga utos, tiwala at pagmamahal
mula sa ating mga magulang, sila ang nagsisilbing ilaw ng ating murang isip,
sa ating mga kapatid at mga kamag-anak natututunan din natin ang respeto
at tamang pakikitungo sa ibang tao. Ang susunod na mga aspeto ay
malalaman naman natin sa eskwelahan, ang pagiging masipag, determinado
at masikap dahil ito ang mga kailangan nating ipamalas sa larangan ng pagaaral at upang patunayan ang ating mga sarili upang makakuha ng
magagandang marka sa klase. May aspeto din ng kalidad ng edukasyon na
ating natututunan mula sa ating mga kaibigan, ang pakikisama at pagiging
matulungin ay ilan sa ating naipamamalas na kagandahang loob sa ating
mga kaibigan at ibang mahal sa buhay.
Sa mga nakakuha na matataas na marka at recognition ngayong taon,
binabati ko po kayo. Ito ay ilan lamang sa patunay na ang paghihirap at

sakripisyo ay may kapalit na gantimpala. Kung hindi naman naging


kagandahan ang inyong marka sa inyong pagtatapos, wag kayong
malungkot hindi pa ito ang sukatan ng tagumpay, naniniwala akong meron
kayong talento o kakayahan na kayo lamang ang biniyayaan, hinihimok ko
po kayo na mas magsikap pa at patunayan sa mundo na kaya ninyo ang
inyong mga sarili. Para sa inyong lahat, hindi dito natatapos ang pagaaral sa
buhay, pilitin nyong matutunan ang ibat-ibang kakayahan na hindi nyo pa
nagagawa, naway maging bukas ang inyong isipan sa mga bagay na hindi
nyo alam at pilitin itong matutunan para sa ikauunlad ng inyong
pamumuhay.
And dekalidad na edkasyon ay hindi lamang natatago sa eskwelahan,
sa ating mundo na kung saan malaya ka nang matututo mula sa pagluluto,
pag-guhit hanggang sa tamang pagsisimula ng negosyo na sa panahon
ngayon ay makikita na sa internet o youtube. Gamitin natin itong mga
kagamitan upang umunlad at madagdagan ang ating kaalaman at hindi
lamang makuntento sa kung ano ang kaalaman natin ngayon.
Sa realidad ng ating buhay, maaring hindi natin ma-baon habangbuhay
ang mga formula ng algebraic expressions, ang table of elements o maaring
makalimutan na rin natin ang ilang linya sa Noli me Tangere pagdating ng
panahon, ngunit ang mananatili sa atin ay ang mga araw-araw nating mga
sariling pag-aaral and mga bagay na ating pinaghirapan, pinagdaanan, ang
mga tagumpay, pagmamahal at ang mga kaibigan na nakilala natin sa
pagtahak ng landas na ito ang mananatili sa ating mga puso. Para sa akin
iyon ang tunay na dekalidad na edukasyon, ang inyong mga natutunan sa
tunay na pagharap sa buhay. Muli, binabati ko kayong lahat sa inyong
panibagong tagumpay na nakamit. Maraming Salamat sa inyo at Mabuhay
kayong lahat!

You might also like