You are on page 1of 2

Replektibong Sanaysay

“Paaralan, ikalawang tahanan. Guro, ikalawang magulang” katagang kayang patunayan ng


kahit na sino man, katagang nagpapa-alala na sa lahat ng bagay may mga taong handang
gumabay at handang damayan sa mga araw na kailangan mo ng kaagapay o kanlungan.
Maituturing ko ang High School ang pinakamasayang parte ng aking pag-aaral. Doon ko
naranasan ang mga masasaya at malulungkot na karanasan.

Unang tungtong at pasok ko sa buhay High School akala ko mahirap, maraming mga
tanong ang tumatakbo sa aking isipan at pagdududa sa aking sarili. Pero sa una lang pala ang
lahat, marahil dahil sa bagong nasa paligid ko, bagong paaralan, bagong mga guro at mga
bagong uri ng kaklase na pakikisamahan. Noong unang taon ko sa High School napansin ko agad
na madaming pagbabagoang nangyari sa aking buhay bilang estudyante. Isa na dito kung paano
ako dapat mag-aral sa mga bagong asignatura at makipagsapalaran upang pumasa at magkaroon
ng magandang marka.

Isang magandang pagbabago na nangyari sa akin ang maagang pagkaroon ng mga


pangalawang magulang na gumagabay sa pang araw-araw na gawain ko sa paaralan. Na sila ang
tumulong sa paghubog ng aking kaalaman at kakayahan sa pag-aaral. Napakasaya nang
magkaroon ako ng mga bagong kaibigan na pakikisamahan sa bawat araw sa loob nag paaralan
na magiging bahagi ng buhay ko at makakasama ko sa kasiyahan, lungkot ng buhay ko at
makakaramay ko sa oras na may problema ako.

Dumaan ang mga araw at mga taon na hindi ko namamalayan na nasanay na pala ako sa
mga ginagawa ko sa High School. Tumuntong ako ng ika-walo hanggang ika-sampung baitang
na madami ring mga pangyayari ang naganap sa akin sa paaralan. Kabilang na dito ang paglahok
sa mga programa, mga patimpalak at organisasyon na humubog lalo sa aking kakayahan.

Marami akong hindi malilimutan na mga selebrasyon kagaya ng Acquaintance Party,


Christmas Party at Teachers Day, na kung saan nag-iwan ng maraming masasayang alaala sa
piling ng aking kamag-aral at mga guro. Hanggang nakatungtong ako ng senior high school sa
parehong paaralan. Dalawang taon na pinuno naming ng mga alaala at aral na hindi ko
malilimutan at dala dala ko pa hanggang ngayon. Madami akong natutunan sa senior high schoo
ko.

Sa Grade 11 napagtanto ko na kung ano ang akin, lagi akong handa sa maaaring
patutunguhan nito. Higit sa lahat, masasabi ko ang Grade 12 masaya at masasaya pang mga
alaala na gagawin pa lamang. Ang saya dahil dito naranasan ko lahat umiyak, tumawa, mabigo,
magtagumpay. Ito ang itunuturi kong buod ng buhay HighSchool.

You might also like