You are on page 1of 2

Sa lahat ng ating kagalang galang na mga panauhin, sa ating Public Schools

Division Superintendent OIC Gng.TEOFILA V. TABULINA, sa ating punong barangay G.


PABLO V. CABRERA sa ating panauhing tagapagsalita Binibining.SHARMAINE C.
PUMA, aming minamahal na punungguro,GINOONG MARLITO U .ARCO.. sa lahat ng
masisipag naming mga GURO, sa lahat ng mga magulang,kapamilya at sa mga kapwa ko
magsisipagtapos, ISANG MAPAGPALANG ARAW PO SA ATING LAHAT.

Isang KARANGALAN para sa akin ang mabigyan ng pagkakataon upang


mkapagsalita sa inyong harapan upang magbigay ng isang talumpati. Sa aking
pagkakatanda pinangarap ko lang ito dati habang pinapanood ko ang aking KUYA 7 yrs
ago. sa kaparehong pwesto kung saan ako nkatayo ngayon..Sa murang edad nasabi ko sa
sarili ko dati na, darating ang panahon tatayo din ako jan para magbigay ng talumpati sa
harap ng mga kapwa ko magsisipagtapos.. Ngayong araw ang munting pangarap na iyon
ay natupad..

Kasama ng aking mga kapwa mag aaral Ito ang araw na ating pinakahihintay, ang
katuparan ng ating masidhing pangarap na matapos ang ating puspusang pagpupunyagi sa
pag aaral.

Gradweyt ng K-12; Hinubog ng Matatag na Edukasyon .

Mula nang pumasok ako sa paaralan, pinangarap kong mapabilang sa magagaling


sa klase. Dahil sa pangarap na ito, kinailangan kong magsikap upang ang pangarap na
iyon ay maisakatuparan. At habang lumilipas ang mga taon, nalalaman ko na di ito ganon
kadali. Maraming mga bagay na maaaring maging hadlang at maraming pagsubok ang
kailangan lagpasan. Isa na rito ang pag usbong ng nakamamatay na virus na COVID-19,
na nagdulot ng pandemya na nakaapekto di lang sa kalusugan ng mga tao, kundi na rin sa
iba pang aspeto ng buhay tulad ng EDUKASYON.

Sa isang iglap biglang NABAGO ang lahat.. Kung dati, tayo ay nasa paaralan at
nakikinig sa guro na nasa ating harapan, nung nagkaroon ng pandemya, tayo ay nananatili
lamang sa kanya kanyang tahanan at doon mag aaral sa pamamagitan ng MODULAR
DISTANCE LEARNING. Tayo ay nahirapan magadjust di lang tayong mga estudyante
pati na rin ang ating mga magulang dahil sila ang nagsilbi nating GURO sa gitna ng
pandemya.. Ito ay sa kabila ng kanilang mga gawaing bahay at paghahanapbuhay. Maging
ang ating mga guro ay nahirapan din dahil sa mga karagdagang gawain tulad ng paggawa,
pagaayos ng mga MODULES at pagbibigay nito sa mga mag aaral.

Oo, alam natin na may mga di magandang epekto satin ang nangyaring pandemya
ngunit kung titingnan natin sya sa POSITIBONG PANANAW, aminin natin na mas
TUMATAG tayo bilang isang mag aaral. Paano ko nasabi? Dahil sa distance learning,
natutunan natin na matuto ng mag isa, mag aral, magbasa, umintindi sa sarili nating sikap
at natutunan din nating IMANAGE ang ating oras. Aminin man natin o hindi ang mga
pagsubok na ito ang humubog sa atin. Mas pinatibay ng pagsubok na ito ang bawat isa sa
atin sa larangan ng pag aaral. At pagkatapos ng tatlong taon na pandemya, andito tayong
lahat upang ipagdiwang ang tagumpay dahil nalampasan natin ito ng sama sama at
nagkakaisa.

Ang pagtuntong sa entabladong ito upang tumanggap ng DIPLOMA ay tanda na


nalagpasan natin ang mga pagsubok na kinaharap natin sa pag aaral sa loob ng 7 taon. Sa
araw na ito ay natapos na ang unang yugto ng ating buhay mag aaral. SA KABILANG
BANDA magsisimula naman ang pangalawang yugto sa ating pagtuklas sa mas mataas na
antas ng karunungan. Ang mga napagdaanan nating pagsubok ang gamitin nating sandata
sa pagharap sa susunod na yugto ng ating hinaharap.

Sa pagkakataong ito, nais kong pasalamatan ang mga tao sa likod ng aking munting
tagumpay..Una sa ating POONG MAYKAPAL na siyang nagbigay sa akin ng karunungan
at paggabay sa araw araw. Pangalawa sa aking mga naging GURO mula kinder hanggang
sa ikaanim na baitang, maraming salamat po sa pagbahagi nyo sa amin ng inyong
karunungan..sa pagttiyaga sa aming kakulitan, at sa pagsisilbing pangalawang magulang
sa amin. Lahat ng ito ay aming babaunin sa susunod na yugto ng aming pag aaral

Sa aking mga MAGULANG, na nagmahal at kumalinga sakin simula’t sapul, na


nagsilbing inspirasyon ko kung bakit ako nagsisikap sa pag aaral, Mula sa pag aaruga,
pagpapalaki, pagpapaaral at pagmamahal, tunay pong kayo ay dakila. Napakaswerte ko at
kayo ang aking mga magulang. Kayo dapat ang sinasabitan ng MEDALYA para sa inyong
sakripisyo at paghihirap. Hindi ko mkakamit ang karangalang ito kung hindi dahil sa inyo.
Maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta at paggabay sa lahat ng aking
ginagawa. MAMI, DADI, KUYA, para sa inyo ito. MAHAL KO KAYO.

Sa mga kapwa ko magsisipagtapos at mga kaibigan, salamat sa pitong taon na ating


pinagsamahan, hangad ko ang tagumpay ng bawat isa sa atin. Simula pa lamang ito ng
malayo layo pa nating paglalakbay. GOODLUCK at MALIGAYANG PAGTATAPOS SA
ATING LAHAT.

MULI, MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT, MARAMING SALAMAT PO…

You might also like