You are on page 1of 2

TAMA BA ANG DAAN NA AKING TINATAHAK?

By Nelle Ann P. Soldevilla

Magandang umaga, tangahali, hapon sa inyong lahat! Narito tayo ngayon,


nagtatagumpay sa harap ng mga pagsubok na dala ng edukasyon at ang mga
karanasan tungkol dito. Naging hamon ang pagbabalik ng face to face para sa bawat
isa sa sa atin, mula sa mga mag-aaral hanggang sa mga guro. Hindi maikakaila ang
mga paghihirap ng paglipat galing sa online na modality na halos dalawang taon.
Isa, dalawa, tatlo. Isang bagong pamilya ang nabuo, dalawang taon lang ang itatagal
sa allied health na kursong ito, tatlong salita lamang ang masasabi ko at yun ay ang
mahal ko kayo!

Nagtatagpo at nagkakaisa, upang ibahagi ang mga karanasan sa kursong


Allied Health. Ito ay dalawang taon na puno ng kaba, pananabik, at mga bagong
pag-asa para sa isang bagong produktibong pag-aaral. Mga alaala sa unang
pagtungtong sa paaralan, tila ba ang oras ay humihinto at naging makulay ang
paligid. Ang unang araw ng pasukan ay isang pagkakataon upang buksan ang
bagong kabanata ng ating buhay para sa bagong simula. Mula sa pag-aaral ng mga
bagong aralin hanggang sa pagkakaroon ng mga bagong kaibigan, ang unang araw
ng pasukan ay nagdudulot ng maraming damdamin at karanasan.

Sa unang pagkakataon na pumasok sa silid-aralan, napuno ang mga puso ng


bawat mag-aaral ng kasiyahan at takot. Pananabik dahil alam natin na sa bawat
pag-aaral ay mayroong pagkakataon upang mas lalo pang mapalawak ang
kaalaman at maabot ang mga pangarap. Subalit, kasabay nito ay ang takot sa mga
bagay na bago, sa mga pagbabago, at sa pagtanggap ng mga responsibilidad.
Nakakatakot ang bagong simula, ngunit alam nating lahat na ito'y bahagi ng paglaki
at pag-unlad. Ang bawat hakbang na ating tatahakin ay nagdadala ng mga
pagsubok at tagumpay. Hindi natin maaaring maiwasan ang mga pagkakamali at
pagkukulang sa mga bagay na ginagawa natin sa paaralan, ngunit mahalaga ang
ating mga natutunan mula sa mga ito.

Ang Allied Health ay isang makulay na daigdig ng edukasyon, hindi biro ang
mga pinagdaanan natin mula sa mga oras ng aral, mga kasanayang kinakailangan
nating pagdaanan. Marami ang nabigla dahil napakarami ng mga paksa ang dapat
na talakayin, nagbabago ang mga guro sa bawat semestre, at ang mga mahal natin
na mga kaklase ay napadpad na sa ibang seksyon para sa panibagong pasukan.
Kailangan nating magsanay ng masusing pagsusuri, maging handa sa mga kritikal
na sitwasyon, at matutunan ang sining ng pakikipagtulungan. Subalit, sa mga pagod
at hirap na ito, nahanap natin ang sarili natin sa pag-aaral para makakuha ng mga
mataas na marka.
Sa bawat pagkakamali, mayroong pagkakataon na maging mas matatag at
mas matalino. Sa bawat pagkukulang, mayroong pagkakataon na mapabuti at
maging mas magaling. Ang unang araw ng pasukan ay isang pagpupunyagi na
isinasalaysay ang kwento ng pagsisikap at determinasyon. Hindi natin dapat
kalimutan na tayo'y nandito hindi lamang para sa sarili, kundi para rin sa mga
magulang, guro, at mga taong sumusuporta sa atin pataas. Ang edukasyon ay isang
biyaya na may kasamang malalim na responsibilidad. Ito ay hindi lamang tungkol sa
pag-aaral ng mga libro kundi ang pagbuo ng ating pagkatao, pagpapalalim ng ating
pang-unawa sa mundo, at paghahanda para sa hinaharap. Sa lahat ng pagod, hirap,
at pagsisikap sana maging matagumpay tayo sa daan na ating pinili. Sa bawat
problema na tinatahak araw-araw ay siyang naging gabay sa pagharap sa hamon ng
buhay. Ito ang humuhubog sa kung ano man ang mararating balang araw.

You might also like