You are on page 1of 1

Sa silong ng paaralan ay puno ng mga karanasan, pagsubok, at mga pagpapasyang bumubuo sa

aking landas. Bawa’t Isa sa atin ay may isang masalimuot na yugto


Ang dumaan sa ating buhay dahil sa pandemyang kumalat sa buong mundo. Ang pag-usbong ng
COVID-19 ay nagdulot ng malawakang epekto sa ating pang
Araw-araw na pamumuhay, kahit na sa mga hindi malalayong sulok ng mundo.

Noong una, di-nagtagumpay sa akin ang biglang pagbabago ng takbo ng buhay. Subalit, sa
pagtatrabaho ko nang husto upang mapanatili ang mataas na grado, Hindi ko na namalayan ang
oras, hindi ko napansin nawawalan na ako ng oras, oras sa mga bagay na mahahalaga. Ang takot
ko sa pagkabagsak o hindi pagkakaroon ng sapat na kasanayan ay nagdulot ng sobrang pressure,
na nagbunga ng negatibong epekto sa aking kalusugan. Alam Kong lahat tayo ay may iba’t ibang
karanasan pag dating sa dito o meron ding pagkakapareho. Hindi maitatanggi na simula noong
dumating ang pandemya ang mga estudyante na katulad ko ay nahihirapan makapag focus sa
mga aralin or mga takdang aralin, nagkakaroon kasi sa loob ng bahay ng mga istorbo halimbawa
nalang ang mga huni ng aso, manok o minsan ang mga kapitbahay na nag aaway o ang mga
sasakyan. Dahil diyan ang mga mag aaral ay napapabayaan ang kanilang pag aaral, marami Ang
huminto marami din ang bumagsak. Ngunit habang pa unti-unting kumakapa upang masanay,
naka hanap ako ng mga kaibigan na nakilala ko online, tulad ko ding sa academic struggle ang
problema. Sa bawat pangarap ko na makapag tapos ng pag aaral, natutunan kong ang mga tunay
na kaibigan ay hindi lamang nagbibigay ng suporta, kundi pati na rin ng inspirasyon. Ang
kanilang sariling pangarap, kasama ng kanilang pagtitiyaga, ay nagiging tanglaw sa landas ng
aking mga pangarap. Sa pamamagitan ng pagkakaibigan at pagtutulungan, mas nagiging magaan
ang bigat ng akademikong hamon. Hindi lang sila mga ka-study group, kundi mga kasama sa
paglalakbay patungo sa pangarap na makapag tapos ng pag aaral. Sa pagsasanib ng mga
pangarap at pagtutulungan, nahanap ko ang kahulugan ng tunay na pagkakaibigan.

Sa kabila ng mga pressures at pagod, napagtanto ko na ang mga kaibigan ay hindi lamang
nagbibigay kulay sa aking buhay, kundi nagbibigay liwanag sa landas
Ng tagumpay. Ang pagbuo ng mga mabubuting kaibigan ay nagsisilbing gabay at inspirasyon sa
paglalakbay patungo sa pangarap na makapag tapos ako ng pag aaral.
Natutuhan ko mula sa aking karanasan na mahalaga ang pagtuklas ng mga estratehiya para
mapanatili ang balanse sa buhay. Ang malasakit sa sariling kalusugan, tamang pagpaplano ng
oras, at pagtutok sa mga personal na interes at pangarap ay mahahalaga para sa isang masusing
pag-unlad sa larangan ng pag-aaral.

You might also like