You are on page 1of 5

St.

Matthew Academy of Cavite


“A Christ Center School”
Niog 1, Bacoor City, Cavite. *Tel. No. (046) 417-3348

KENSHIN Z. GUTIERREZ ABM 12


PANUTO: Magsaliksik ng isang replektibong sanaysay sa online.

Suriin ang sanaysay na nasaliksik batay sa katangiang dapat

taglayin ng isang mabuting sanaysay na natalakay sa araling

ito. Gamitin ang pormat sa pagsagot ng Gawain.

“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”

Sa Panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles

             Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay

kapara ng isang walang katapusang paglalakbay sa mundong

sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-

makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang

baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa

diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng

ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan

upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang

sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa

ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa

lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa

kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo

ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na

pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na


kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong

magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang

panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng

paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang paraiso. Bagamat

hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon

naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay

patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit

na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga

matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang

dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga

karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na

siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing

balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo.

Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng

iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang

aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako

ay nasa ika-4 na baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin

ay mapanglaw at natatangi lamang.

Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa

mo. Wala akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa paaralan

na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng

pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang


sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking

mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang

katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay

panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng

entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang

kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking

nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila

isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking

mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko

ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa.

Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-

unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit

kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang

katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang

isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong

magsipag at umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase.

Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala

pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa

aking magiging kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon

maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang

maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag.

Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa

panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa


akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral

ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na

noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin

natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman ang batid na

ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din

itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan

at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang

dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro

nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito.

Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa

pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa

kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking

mga pangarap sa buhay.

Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad

hindi lamang sa aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na

rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa

aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa

mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga

pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong

magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing

proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at

sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.


SAGOT:

1. Pamagat ng Replektibong Sanaysay na Nasaliksik: “ANG PAG-IBIG NG


EDUKASYON”

2. May-akda: Dian Joe Jurilla Mantiles

3. Sanggunian: https://dianmantiles.wordpress.com/2017/04/15/your-girl-is-back/

4. Uri ng Sanaysay: Replektibong Sanaysay

5. Tungkol saan ang Sanaysay? Tungkol sa pagpapahalaga ng Edukasyon.

6. Pagsusuri sa Kabuuan:
Ang sanaysay na ito ay may ibat-ibang katangian na dapat

taglayin ng isang maaayos na sanaysay, ito ay naglalaman ng

personal na nangyari sa kanyang buhay na umaayon sa kahulugan ng

replektibong sanaysay. Ginamitan din ito ng anyong tuluyan or

prosa. Ang may akda ay gumamit rin ng kanyang sariling

perspektibo, opinion, at pananaliksik sa paksa. Gumamit rin ang

may akda ng isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa

pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na

pangyayari. Tunay ngang mahusay ang pagkakagamit ng mga katangian

ng isang replektibong sanaysay ng may akda.

You might also like