You are on page 1of 11

Raizza Angela T.

Dacillo
Grade-12 HERACLES
Brgy. San Isidro Biliran, Biliran

Pagsasanay 5:
Pagsulat ng Posisyong Papel

SIMULAN MO!
Nababalikan ang dating kaalaman hinggil sa sining ng pangangatwiran
Ano-ano ang natatandaan mo tungkol sa pangangatwiran na natalakay ninyo nang ilang
beses sa mga nakaraang aralin sa Filipino? Ibahagi ang iyong nalalaman gamit ang Frayer
Concept Model Organizer.

Mga Katangian
-May lubos na kaalaman sa paksa.

-May malawak na talasalitaan o bukabularyo

-May malinaw na pananalita.

-Maayos maghanay ng kaisipan


Kahulugan
-May tiwala sa sarili
Ang kahulugan ng salitang Pangangatwiran ay,
-Mahinahon
pagpapaliwanag, pagdedepensa, pagtatama.
-Mabilis mag-isip

-Tumatanggap ng kamalian at itinutuwid ito.

-Marunong Kumilala ng Katotohanan.

-Nakauunawa sa katwiran ng iba.


Mga Halimbawa Mga Hindi Halimbawa
 “Nangangatwiran si Peter sa kanyang Isang araw nahuli ni aling nena ang kanyang
ama kung bakit hindi niya nadala ang asawa na may kasamang ibang lalaki. nagalit siya
kanyang notebook” at kinuwestion ang kanyang nagawa. sinabi ng
 “Naririnig namin ang aming kaklase mister niya na nagawa lamang niya iyon sapagkat
na nangangatwiran sa kanyang kasintahan” wala ng halos oras si nena sa kanayang asawa.
 “Hayop ka! Nangangatwiran ka pa!” Hindi tama ang pangangatwiran noya kay aling
nena.

PAG-USAPAN NATIN
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong kaugnay ng tinalakay sa aralin.
1. Ano ang layunin ng pagsulat ng posisyong papel?
o Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang
pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan.
2. Ano ang kaugnayan ng pagsulat ng posisyong papel sa pangangatwiran?
o Mahalaga ang pagkakaroon ng  Posisyong Papel sa pangangatwiran dahil ito
ay makakapagbigay ng malinaw na argumento kung nais sumalungat sa
kabilang panig. Magkakaroon ng pagkakataon ang naglahad ng posisyong
papel na makumbinse ang mga nakikinig na pag-isipan ang magkabilang
katwiran.  
3. Ano ang dapat na isaalang-alang para sa isang mabisang pangangatwiran?
o Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.
o Dapat maging maliwanag at tiyak sa pagmamatuwid.
o Sapat na kattwiran at katibayanh makapagpapatunay.
o Dapat may kaugnayansa paksa ang katibayan at katwiran upanh makapanghikayat.
o Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at bukas na kasisipan sa pagpapahayag
ng kaalamang ilalahad.
o Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran.
4. Bakit nasabing bukod sa paglalahad ng argumentasyon at pangangatwiran ay isa ring
agam na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa pamamagitan ng pananaliksik
ang isang posisyong papel?
o Dahil isa rin ito sa nagpapatibay ng mga ebedensiya sa Posisyong Papel naka
ukit ang lahat ng mga katotohanan.
5. Ilahad ang dalawang uri ng ebidensiyang magagamit sa pangangatwiran ayon kay
Constantino at Zafra.
o Mga katunayan(facts)
o Mga opinyon
6. Ano-ano ang iba’t-ibang sangguniang maaring magamit sa pagkalap ng impormasyon
para sa isang posisyong papel? Ibigay ang uri ng impormasyong makukuha sa mga
ito.

Iba’t-ibang sangguniang maaring


magamit sa pagkalap ng Uri ng impormasyong makukuha sa
impormasyon para sa isang mga ito.
posisyong papel
o Talatinigan, ensayklopedya, o Panimulang impormasyon at
handbooks pangkalahatang kaalaman
tungkol sa paksa
o Aklat, ulat ng pamahalaan o Mga pagaaral hinggil sa paksa
o isyu
o Mapagkakatiwalang artikulo
o Pahayagan, magasin o Napapanahong isyu
o Sangay ng pamahalaan at o Estadistika
mga organisasyon/ samahan

7. Ibigay ang pormat ng isang posisyong papel. Ano-ano ang dapat tandaan sa bawat
bahagi ng balangkas na nito?
I. Panimula
a. Ilahad ang paksa
b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit
mahalaga itong pag-usapan.
c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon
tungkol sa isyu

Sa pagsulat ng panimula, mahalagang maunawaan na ito ay may dalawang


layunin. Una, upang ipakilala ang paksa at ang tesis at pangalawa, upang
maantig ang interes ng mga babasa nito. Tunghayan ang halimbawa nito:
a. Isa sa napapanahong isyung pinag-uusapan sa lipunan ngayon ay ang
Enhance basic Education Act of 2013 o Republic Act No. 10533.
b. Bawat pamilya at mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyan ay labis na
naapektuhan ng programang ito. Puspusan ang isinasagawang paghahanda
at pagsasanay ng pamahalaan upang maihanda ang mga paaralan at mga
guro sa maayos na pagpapatupad nito
c. Mahalagang maihanda ang mga mag-aaral sa totoong buhay lalo na sa
paglnang sa kanilang mga kasanayang kakailanganin sa papasuking
larangan o trabaho kaya mahalagng maipatupad ang programang ito

II. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o Kumokontra


sa Isyong Tesis
a. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis
b. Ilahad ang mga kinakailangan impormasyon para mapasubalian ang
binanggit na counterargument
c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na
iyong inilahad
d. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang
panunuligsa

Maaaring matukoy ang mga posibleng counterargument tungkol sa


isyu sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga taong maaaring iharap sa isang
taong nakaalam ng paksa tungkol sa isang posisyon sa isyu sa
pangkalahatan.

III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu


a. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng isyong posisyon o paliwanag.
 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto.
 Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian.

b. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag.


 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikalawang punto.
 Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian.

c. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.


 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikatlong punto.
 Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian.
IV. Kongklusyon
a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.
b. Magbigay ng mga plano na Gawain o plan of action na makatutulong sa
pagpapabuti ng kaso o isyu
8. Kung iyog susuriin ang halimbawang posisyong papel na binasa sa araling ito. Ano
ang iyong masasabi sa bahagi na ito?
a. Panimula- ito ay mahalagang parte dahil ditto inilalahad ang paksa.
b. Paglalahad ng Counter Argument- sa parting ito naman inilalahad ang mga
kinakailangan impormasyon para mapasubalian ang binanggit na counterargument
kaya tiyak na ito ay mahalaga din sa pagsusulat ng posisyong papel.
c. Paglalahad ng Posisyon- ang parteng ito naman ang pinaka mahalaga para saakin
dahil dito inilalahad ang unang punto ng isyong posisyon o paliwanag.
d. Kongkluson- sa parteng ito naman mulig maisusulat ang iyong argumento o tesis.
9. Masasabi mo bang epiktibo at kapani-paniwala ang nasabing halimbawa? Magbigay
ng sariling posisyon tungkol ditto.
o Oo, aking masasabi na epektibo at kapani-paniwala ang mga nasabing
halimbawa dahil lubos na hindi mahirap unawain ang mga nabasa sa
halimbawa.

Pagsulat ng Journal
Bakit mahalagang malaman ang tamang paraan ng pagsulat ng posisyong papel?
- Mahalagang malaman ang tamang paraan ng pagsulat ng posisyong papel upang mas
madali kang makapagsulat ng iyong posisyong papel at maisulat mo ng wasto at mas
madaling maunawaan ng iba ang iyong maisulat na posisyong papel.

SAGUTIN NATIN
A. Natutukoy ang tamang pahayag hinggil sa pagsulat ng posisyong papel.
Itiman ang kung ang pahayag hinggil sa pagsulat ng posisyong papel ay wasto at
itiman ang kung mali.
1. Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na isulat ang posisyong papel.
2. Ang pagpapakilala ng paksa at pagkuha ng interes ng mambabasa ang
pangunahing layunin sa pagsulat ng pagsisimula.
3. Ang pagbibigay ng opinion at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensiyang
magagamit sa pagsulat.
4. Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi gaanong kailangan sa
pagbuo ng sulatin.
5. Kailangan mapatunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument
na nakalahad sa sulatin.
6. Makapagbibigay na ng matibay na ebidensiya ang pagbibigay ng isang
sanggunian.
7. Ang pagbibigay ng plano para sa Gawain ay dapat ding isaalang-alang sa
pagbibigay ng kongklusyon.
8. Ang pagbibigay ng opinion ng isang taong may awtoridad o kaalaman hinggil sa
paksa ay nakapagpapatatag ng pangangatwiran.
9. Nakabatay sa pananaw at paniniwala ng isang tao ang mga katunayan o facts.
10. Ang thesis statement ay naglalahad ng pangunahing ideya ng isang posisyong
papel.

B. Napagsusunod-sunod ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel


Pagsunod-sunurin ang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel. Lagyan ng biang 1
hanggang 7 ang bilog.
1. Pagbuo ng balangkas ng posisyong papel
2. Pagbuo ng thesis statement o pahayag ng thesis
3. Pagpapatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya
4. Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
5. Pagsubok ng katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
6. Pagsulat ng posisyong papel
7. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso

C. Naiisa-isa ang balangkas sa pagbuo ng posisyong papel


Isa-isahin ang balangkas sa pagsulat ng posisyong papel gamit ang concept map sa ibaba.
Lagyan ng maikling paliwanag ang bawat bahagi.

I. Panimula II. Paglalahad ng


Counterargument o mga
Sa parteng ito inilalahad ang paksa,
Argumentong Tumututol o
magbigay ng maikling paunang
Kumokontra sa Isyong Tesis
paliwanag tungkol sa paksa at kung
bakit mahalaga itong pag-usapan, at Sa parteng ito naman ilalahad ang mga
ditto ipapakilala ang tesis ng posisyong argumentong tutol sa iyong tesis, ang
papel o ang iyong stand o posisyon mga kinakailangang impormasyon para
tungkol sa isyu. mapasubalian ang binanggit na
counterargument, at dito papatunayang
mali o walang katotohanan ang mga
counterargument na iyong inilahad.
Balangkas ng
Posisyong Papel
V. Paglalahad ng Iyong Posisyon o IV. Kongklusyon
Pangangatwiran Tungkol sa
Ito ang pinakahuling parte sa pagsulat ng
Isyu
posisyong papel. Dito ilalahad muli ang
Dito naman ipapahayag o ilahad ang iyong argumento o tesis at magbigay ng
unang punto ng isyong posisyon o mga plano na Gawain o plan of action na
paliwanag, ang ikalawang punto ng makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o
iyong posisyon o paliwanag, at ang isyu.
ikatlong punto ng iyong posisyon o
paliwanag.

BUOIN NATIN
Magsaliksik ng isang halimbawa ng napapanahong posisyong papel sa inyong silid-
aklatan o Internet. Suriin ang nasaliksik na halimbawa bilang paghahanda sa isang posisyong
papel na iyong gagawin sa huling bahagi ng araling ito. Gamitin ang balangkas na RAPS sa
Gawaing ito.

(Read) Pamagat ng Nabasang Posisyong Papel


PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAGPATAYIN ANG
PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURONG FILIPINO,
KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

(About) Tungkol Saan ang Posisyong Papel


Ito ay tungkol sa pagpapanatili ng asignaturang Pilipino sa kolehiyo at na hindi mawala ang
pambansang karapatan ng wikang Filipino, mga gurong nagtuturo ng Filipino sa mga paaralan, at
ang karapatan ng mga kabataang Pilipino at mamamayang Pilipino.

(Point 2) Punto 2
(Point) Punto 1
Sa pangunguna ng Kagawaran ng
Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong
Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ngPilipinas (PUP) na
Unibersidad ng Pilipinas (PUP), tinaguriang "largest state
Samahan ng mga Dalubguro sa university in the country" na
Filipino (SADAFIL), Samahan ng binubuo nghumigit kumulang 70, 000
mga BatangEdukador ng Wikang na mga mag-aaral na nagmula
Filipino at mga Sining sa sa iba't ibang panig ng
Pilipinas, PUP Sentro sa bansakatuwang ang iba pang mga
organisasyon ay matatag na
MalikhaingPagsulat, at PUP
naninindigan na panatilihin
Ugnayan ng Talino at
angFilipino bilang asignatura sa
Kagalingan. Kurikulum ng Pangkalahatang
Edukasyon sa kolehiyo.
(Summary) Buod ng Binasang Posisyong Papel
Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHEDang
malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang
saAgosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-
estadongunibersidad sa bansa sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito
para manatili angasignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiralat ginagamit sa
araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusangtumanggap nito bilang
wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito angidentidad ng lipunang Pilipino.
Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kungihihiwalay sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino,tinanggal natin ang identidad natin bilang
Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon angidentidad mo!

MAGAGAWA NATIN
Maraming mga isyu ngayon ang direktang nakaaapekto sa mga kabataan. Ibigay ang
iyong paninindigan sa ilang mga isyung ito at maglahad ng mga punto kung paano ito
nakatulong o nakakatulong para sa iyong kabutihan. Sa huli bumuo ng sariling kongklusyon
kung bakit mahalagang magkaroon ng paninindigan sa buhay.

Ang aking paninindigan…

Paggamit ng tablet o Mas marami at mas madaling maghanap ng mga nais


iba pang gadget sap mong matutunan gamit ang tablet o mga gadget dahil i-
ag-aaral sa halip na connect mo lamang ito sa wifi at mapapadali na ang
pagsagot sa iyong mga katanungan at matututo ka ng mas
aklat sa paaralan
madali sa pamamagitan lamang ng pagsearch sa internet.

Ang aking paninindigan…

Karamihan sa kabataan at estudyante sa panahon ngayon


ay hindi pa handa para pumasok sa kolehiyo kaya
Malaki ang tulong nga karagdagang dalawang taon sa
Basic Education, dahil matutulongan nitong
madaragdagan ang kaalaman ng mga bata at
matutulongan silang mas maging handa.
Pagdaragdag ng
dalawang taon sa
Basic Education (K
to 12 Program,
Senior HS)

Ang akin paninindigan…


Malayang paggamit
Mas malaki ang negatibong dulot ng internet at social
ng Internet at social
media sap ag-aaral at pagpapahayag kesa sa
media sa pag-aaral positibong dulot nito. Kaya para saakin ay hindi
at pagpapahayag mabuti ang malayang paggamit nito sa kabataan dahil
maaari itong makadulot ng masama sa kanilang
mental health at eye sight.

Kailangan kong magkaroon ng paninindigan dahil…

Malaki ang maitutulong nito sa aking pamumuhay, kapag ang isang tao ay may
paninindigan nakikilala niya kung sino at kung anong personalidad mayroon siya, at kung
minsan ito ang nagiging dahilan ng kanyang kapintasan. Ang paninindigan ng isang tao ay isang
aspetong sumusuri sa pagkatao ng isang tao, at kung gaano ka tibay ang paninindigan sa
kanyang pinaglalaban o pinaniniwalaan.

PALAWAKIN NATIN
Nakasulat ng posisyong papel hinggil sa isang napapanahong isyu
Ipahayag mo nang buong-buo ang iyong paninindigan sa isa sa mga isyung nakatala
sa Magagawa Natin. Sumulat ka ng isang posisyong papel upang maipakita ang katotohanan
at katibayan ng iyong pagmamatuwid at mahikayat ang mga kabataang tulad mo na maganda
at tama ang iyong paniniwalang panig. Maaring pumuli ng iba pang paksa malapit sa iyong
pusong alam mong may malaking kaugnayan sa buhay ng mga kabataang gaya mo sa
kasalukuyan nang may pahintulot ng iyong guro.
Malayang paggamit ng Internet at social media sa pag-aaral at
pagpapahayag
Sa panahon ngayon kung saan nasa sentro tayo ng pandemya at ang ating bansa na lamang
ang isa sa mga natitirang nagpapatuloy parin sa online at modyular learning, karamihan sa
mga mag-aaral ay malayang gumagamit ng internet at social media sa pag-aaral at
pagpapahayag, isa na ako doon.
Walang duda na malaki talaga ang naitutulong ng internet sa pag-aaral ng mga estudyante sa
ganitong sitwasyon dahil halos lahat ng aralin na gusto nilang pag-aralan ay mahahanap sa
internet sa pamamagitan lamang ng pag-search. Marami kang matututunan at maraming aral
ang maidadagdag sa iyong kaalaman kapag lawakan mo at laliman moa ng pagsesearch sa
internet.
Ngunit sa kabila nito ay may masasama din itong epekto sa mga mag-aaral, at hindi hamak na
mas marami at mas malaki ang negatibong dulot nito sa mga mag-aaral. Dahil mayroong
ibang mag-aaral na mas pinipiling mag internet at mag social media kesa pumasok sa
kanilalng online class. May iba din na sa halip ay gumawa ng mga aktibidades ay mas pinipili
at nagagawa nilang mag facebook, Instagram, o tiktok. Hindi din mabubuting aral lamang
ang makukuha mo sa social media, marami kang possibleng makuhang masasamang
impormasyon na makakasira sa iyong mentalidad. Bilang isa mag-aaral, saksi ako sa kung
ano ang mga negatibong dulot ng internet at social media sa mga mag-aaral dahil ako mismo
ay nakaranas nito. Maraming mag-aaral sa Biliran Science High School ang nakakaranas ng
hindi mabuti o mga negatibong dulot ng internet at social media sa kanilang mga pag-aaral.
Sa aking palagay, mas matindi o mas malaki ang negatibong dulot ng internet at social media
sa mga mag-aaral at nakakaapekto din ito sa kanilang mga pag-aaral.

You might also like