You are on page 1of 5

Posisyong Papel

Ayon kay Jocson, sa kanilang aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang
pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay sa
susunod na mga paliwanag:
*Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na
tinatanggap ng nakararami.
*Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan.
*Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at maipahayag
ang mga opinyong ito sa iba.
NARITO ANG MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA SA ISANG MABISANG
PANGANGATWIRAN:
1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3.Sapat na Katwiran at katibayang makapagpapatunay
4. Dapat may kaugnayan sa paksa ang katibayang makapagpapatunay.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng
kaalamang ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran.
Sa araling ito ay tatalakayin ang isang paraan ng pagpapakita ng isang masining na
pagpapahayag ng mga katwiran sa pamamagitan ng pagsulat ng posisyong papel. Ang posisyong
papel, kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang
tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami
depende sa persepsiyon ng mga tao.
Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay katanggap-
tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong
ipinaglalaban gamit ang mga ebidensiyang magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan o
pinaninindigan.
Ayon naman kay Grace Fleming, sumulat ng artikulong “How to Write an Argumentative
Essay.” ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang
kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw
o posisyon.
Kapag nailatag na ang kaso at ang posisyon hinggil sa isyu, mahalagang mapatunayang totoo at
katanggap-tanggap ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga ebidensiyang kinapapalooban ng
mga katotohanan, opinyon ng mga taong may awtoridad hinggil sa paksa, karanasan, estadistika,
at iba pang uri ng katibayang magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan.
Ayon sa kanya, sa pagsulat ng posisyong papel ay mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay
at magandang paksa ngunit higit na mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu.
Maaaring ang paksa ay maging simple o komplikado ngunit ang iyong gagawing argumento o
pahayag ng tesis ay mahalagang maging matibay at malinaw.

MGA NG POSISYONG PAPEL HAKBANG SA PAGSULAT


Ang pagsulat ng posisyong papel ay hindi lamang sining ng paglalahad ng argumento at
pangangatwiran kundi ito rin ay isang agham na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa
pamamagitan ng pananaliksik. Kaya naman, napakahalagang mapag-isipan at mapaghandaang
mabuti ang paggawa nito. Narito ang mga hakbang na maaaring sundin sa pagsulat ng posisyong
papel.
1. Pumili ng paksang malapitsa iyong puso. Ang posisyong papel ay kadalasang naglalaman ng
mga paniniwala at paninindigan ng may-akda. Makatutulong nang malaki kung ang paksang
tatalakayin ay malapit sa iyong puso at lubos na nakaaantig ng iyong interes at maging ng
maraming makababasa nito. 2. Magsasagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling
paksa. Ang pagsasagawa ng panimulang pananaliksik ay naglalayong malaman kung may sapat
na ebidensiyang makakalap hinggil sa nasabing paksa. Magsaliksik sa mga aklatan, maging sa
mga mapagkakatiwalaang web site tulad ng educational at government sites upang makahanap
ng mga propesyonal na mga pag-aaral at pananaliksik at mga estadistika tungkol sa iyong
napiling kaso o isyu.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis. Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo
S. Zafra sa kanilang aklat na Kasanayan sa Komunikasyon II, ang pahayag ng tesis ay naglalahad
ng pangunahin o sentrong ideya ng posisyong papel na iyong gagawin. Isa itong matibay na
pahayag na naglalahad ng pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa
na handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng datos o ebidensiya.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng inyong pahayag ng tesis o posisyon. Ito ay
napakahalagang bahagi sa pagsulat ng posisyong papel. Kailangang mabatid ang mga posibleng
hamon na maaaring harapin sa gagawing pagdepensa sa iyong napiling tesis o posisyon hinggil
sa isyu. Ilatag din ang mga kahinaan ng pinasusubaliang posisyon sa pamamagitan ng pag-iisa-
isa sa mga argumentong maaaring iharap dito upang mapagtibay ang kahinaan at kakulangan
nito.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya. Kapag ganap nang
napatunayan na ang napiling posisyon ay may matibay at malakas na laban sa pinasusubaliang
posisyon ay maaari nang magsagawa nang mas malalim na pananaliksik. Maaaring isaalang-
alang ang sumusunod na mga sanggunian sa pangangalap ng mga katibayan batay sa
kakailanganing impormasyon.
Para sa higit na pagpapatibay ng iyong posisyon ay maaari ding gamitin bilang saligan ng
paliwanag ang mga pananaw ng mga taong eksperto sa larangang iyong tinatalakay tulad ng
doctor, abogado, propesor, at iba pa o kaya naman ay personal na karanasan ng kaibigan, kamag-
anak, o kakilala na makapagdaragdag ng impormasyon para sa iyong paksa.
Ayon kay Constantino at Zafra, nauuri sa dalawa ang mga ebidensiyang magagamit sa
pangangatwiran: 1. Mga Katunayan- Ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinanggap na totoo dahil
ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama. Hindi
kinakailangang ang mananaliksik mismo ang nakaranas o nakakita ng pangyayari para magamit
itong katibayan, maaari ding ito ay nasaksihan o naranasan ng ibang tao. Ang kanyang pahayag
ay magagamit bilang testimonya o patotoo. gayunman., tiyaking reliable o mapagkakatiwalaan
ang testimonyang gagamitin sa iyong posisyong papel.
Gayundin, dapat isaisip na hindi lahat ng itinuturing na katotohanan ay unibersal at
panghabampanahon. Ito ay maaaring mabago depende sa mga bagong tuklas na datos o
impormasyon batay sa pag-aaral o pananaliksik hinggil sa mga nabanggit na katotohanan kaya
maging handa rin sa pagharap sa mga hamong ito.
b. Mga Opinyon – ito naman ay tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig
hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay lamang na totoo. Hindi ito katunayan kundi pagsusuri o
judgment ng katunayan. Kung gagamiting ebideniya ang opinyon sa iyong sulating papel,
kailangan manggaling ito sa taong may awtoridad na magsalita hinggil sa isang isyu o paksa.
6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel. Bago tuluyang isulat ang kabuoang sipi ng
posisyong papel ay gumawa muna ng balangkas para dito. Narito ang pormat na maaaring
gamitin.

I. Panimula
a. Ilahad ang paksa
. b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong
pag-usapan. c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa
isyu.
Sa pagsulat ng panimula, mahalagang maunawaan na ito ay may dalawang layunin. Una, upang
ipakilala ang paksa at ang tesis. Pangalawa, upang maantig ang interes ng mga babasa nito.
Tunghayan ang halimbawa nito:
a.Isa sa napapanahong isyung pinag-uusapan sa lipunan ngayon ay ang Enhanced Basic
Education Act of 2013 Republic Act No. 10533
b.Bawat pamilya at mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyan ay labis na naaapektuhan ng
programang ito. Puspusan ang isinasagawang paghahanda at pagsasanay ng pamahalaan upang
maihanda ang mga paaralan at mga guro sa maayos na pagpapatupad nito.
c. Mahalagang maihanda ang mga mag-aaral sa totoong buhay lalo na sa paglinang sa kanilang
mga kasanayang kakailanganin sa papasuking larangan o trabaho kaya mahalagang maipatupad
ang programang ito.
II. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o Kumokontra sa Iyong
Tesis. a.Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis
b.Ilahad ang mga kailangang impormasyon para mapasubalian ang binggit na counterargument
c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad.
d.Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa.
Maaaring matukoy ang mga posibleng counterargument tungkol sa isyu sa pamamagitan ng pag-
iisip ng mga tanong na maaaring iharap sa isang taong nakaalam ng paksa tungkol sa iyong
posisyon sa isyu sa pangkalahatan. Matapos mong matukoy ang mga posibleng counterargument,
pag-isipan kung paanong sasagutin o pangangatwiranan ang mga ito.
Kailangang mahimok at mapaniwala ang mga mambabasa na higit na matibay ang katotohanang
iyong pinaniniwalaang nakasaad sa tesis. Gayunman, mahalagang mailahad ang bawat
pangangatwiran bilang iyong depensa sa pinasusubaliang argumento nang patas at obhetibo
upang maipakitang iyong lubos na napag-aaralan ang bawat anggulo ng isyu at hindi lilitaw sa
iyong isinulat na binabatikos mo lamang ang kabilang panig nito.
Mas mainam kung iyong pagtutuonan lamang ang dalwa o tatlong mabibigat na
counterargument nang may malalim na pagpapaliwanag kaysa maglatag ng maraming
counterargument na hilaw na hilaw o kulang na kulang naman sa mga obhetibong paliwanag o
tugon para rito at mga ebidensiya. Tiyaking ang mga tugon na ilalahad ay sumusuporta sa
inilatag na tesis o posisyon.
Mas mainam kung iyong pagtutuonan lamang ang dalwa o tatlong mabibigat na
counterargument nang may malalim na pagpapaliwanag kaysa maglatag ng maraming
counterargument na hilaw na hilaw o kulang na kulang naman sa mga obhetibong paliwanag o
tugon para rito at mga ebidensiya. Tiyaking ang mga tugon na ilalahad ay sumusuporta sa
inilatag na tesis o posisyon.
III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
A. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
1.Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto.
2.Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian
B. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
1.Ilahad ang iying matalinong pananaw tungkol sa ikalawang punto.
2.Maglahad ng mga patunay ebidensiya na hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
C. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.
1.Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikatlong punto.
2.Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa tatlong mapagkakatiwalaang
sanggunian.
IV. Kongklusyon
a.Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.
b.Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o
isyu.
Ang pinakamabisa at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas ng posisyong papel ay sa
pamamagitan ng muling pagbanggit sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito at pagtalakay sa
mga magiging implikasyon nito.

You might also like