You are on page 1of 17

Inilalahad ng Pangkat Isa;

 Ang posisyong papel ay isang salaysay na naghahayag


ng posisyon, pananaw o opinyon ng may akda o
entidad ukol sa isang napapanahon o kontrobersyal na
paksa.
 Inilalathala ang posisyong papel sa iba't ibang sangay
tulad ng akademya, pulitika, batas, at iba pang
larangan.
 Ang balangkas ng posisyong papel ay payak at
naghahayag ng pananaw o mungkahi ng sumulat ukol
sa nasabing paksa.
 Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na
naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at
karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na
entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala
ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa
batas at iba pang dominyo.
 Sa Akademya
Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya
upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang
walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na
karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat.
Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga
kuro-kuro o mga posisyong inihirap gamit ang
ebidensiya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng
naturang paksa.
 Sa Politika
Pinakakapaki-pakinabang ang mga posisyong papel sa
konteksto kung saan mahalagang nakadetalye ang pag-
unawa ng pananaw ng isang entidad; sa gayon, karaniwan
itong ginagamit sa mga kampanya, organisasyong
pampahalaaan, sa mundo ng diplomasya, at sa mga
pagsisikap baguhin ang mga kuro-kuro (e.g. sa pamamagitan
ng pamamathala ng lingkurang bayan) at branding ng mga
organisasyon. Mahalaga itong bahagi ng proseso ng Model
United Nations.
Sa pamahalaan, ang posisyong papel ay nasa pagitan ng white
paper at green paper kung saan kinakatigan nila ang mga
tiyak na opinyon at nagmumungkahi ng mga solusyon ngunit
hindi umaabot sa pagdedetalye ng planong kung paano
ipapatupad nito.
 Sa Batas
 Sa pandaigdigang batas, ang terminolohiyang
ginagamit para sa isang posisyong papel ay Aide-
mémoire. Ang isang aide-Mémoire ay isang
memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto
ng isang iminumungkahing talakayan o di-
pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa mga di-
diplomatikong komunikasyon.
 Ito ay nararapat na maging pormal ang format, mga
gagmiting termino.
 Organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya.
 Ibinibigay ng maliwanag ang panig na pinapaboran
ngnit ipinakikitang nagsisiyasat siya sa magkakaibang
panig.
 Mayroong inilalahad na ebidenysa na
mapagkakatiwalaan.
 Panimula –
A. Ilahad ang Paksa.
B. Magbigay ng maikling paliwanag ukol sa paksa at
kung bakit mahalagang pagusapan ito.
C. Ipakilala ang iyong posisyong papel o iyong Stand o
posisyon tungkol sa Isyu.
 Paglalahad ng Counter Argument o Mga
argumentong tumututol o Kumokontra sa iyong
Thesis.
A. Ilahad ang Argumenting tutol sa iyong Posisyon.
B. Ilahad ang kinakailangang impormasyon para
mapasubalian ang binanggit na counter argument.
C. Patunayang mali o walang katotohan ang mga
argumento o counter argument na iyong inilahad.
D. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang
iyong ginawang panunugligsa.
 Paglalahad ng iyong posisyon o pangangatwiran
ukol sa isyu
A. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong
posisyon o paliwanag.
- Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol
sa unang punto.
- Maglahad ng mga patunay at ebidensya na
hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
B. Ipahayag o Ipaliwanag ang ikalawang punto ng iyong
posisyon o paliwanag.
- Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol
sa pangalawang punto.
- Maglahad ng mga patunay at ebidensya na
hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
C. Ipahayag o Ipaliwanag ang ikatlong punto ng iyong
posisyon o paliwanag.
- Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol
sa pangatlong punto.
- Maglahad ng mga patunay at ebidensya na
hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
 Konklusyon
A. Ilahad muli ang iyong argumento o Stand.
B. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action
na makakatulong sa pagbubuti ng kaso o isyu.
1. Bumuo ng thesis statement. Ang thesis statement ang
nagbibigay ng direksyon sa iyong posisyong papel. Ito ay ang
nagbibigay ng ideya sa iyong mga mambababasa ukol sa iyong
posisyon tungkol sa isyu.
2. Isulat ang introduksyon. Importante ang introduksyon dahil
dito unang napupukaw ang interes at atensyon ng iyong
mambabasa.
3. Isulat ang katawan ng posisyong papel. Sa katawan ng
iyong posisyong papel, talakayin ang dalawang panig ng isyu
ngunit magbigay ng mas maraming puntos sa panig na iyong
nais panigan. Kapag mas marami kang naibigay na mga puntos
at paliwanag na susuporta sa panig na iyong papanigan, mas
magiging lohikal ang iyong posisyong papel. Sa pagsulat ng
taludtod, isulat muna ang pangunahing ideya. Huwag
kalimutang ilahad ang mga pros at cons ng mga panig.
4. Isulat ang konklusyon ng posisyong papel. Sa
konklusyon, kailangan ibuod ang mga pangunahing
puntos at gawing malinaw kung ano ang panig na iyong
sinuportahan o pinanigan sa iyong posisyong papel.
5. Banggitin ang mga sanggunian o references. Ilista
ang mga sanggunian na iyong ginamit.
6. I-proofread ang iyong ginawang posisyong papel. Ito
ay para masigurado na tama ang iyong mga sinulat at
maiwasan ang mga mali (kagaya ng maling baybay).
 Maaaring naisin ng isang presidente na hinirang ni Rodrigo Duterte na maipaliwanag nang detalyado
kung bakit napopoot siya sa kalakalan sa iligal na droga kaya gusto niyang ipatupad ang mga
trafficker.Habang ang ilang mga kasuklam-suklam na krimen ay ginawa ng mga indibiduwal na
mataas sa mga droga - ang mga batang babae ay pinagahasa at pinatay, o mga ina na pinatay ng
kanilang mga anak, halimbawa - mas marami ang maaaring masubaybayan sa kahirapan.Ang mga
droga ng kurso ay maaaring maging sanhi ng maraming iba pang mga problema bukod sa marahas na
krimen. Sa ating bansa, ito ay pinagmumulan ng katiwalian, at may isang tunay na panganib na ang
pera ng droga ay maaaring gamitin upang manalo ng suporta sa pulitika. Ang ilan sa mga pinaka-
kilalang drug convicts ay nagpatakbo ng kanilang mga operasyon noong sila ay mga opisyal ng
barangay. Ang mga nananakot ng droga ay patuloy na nagkakamali sa mga tauhan sa National
Penitentiary.Dapat malaman ni Duterte ang mga ulat na ang mga komunistang rebelde ay
pinaghihinalaang nagpapalaki ng pondo mula sa alinman sa pagprotekta sa plantasyon ng marijuana
o sa kanilang sarili na lumalaking cannabis. Ang mga grupong rebelde ng Colombia ay magkatulad
din sa plantasyon ng coca.Ang mga gamot ay maaari ring magprito ng mga talino ng mga kabataan,
na madalas na permanenteng pinsala. Maaaring suportahan ng mga magulang ng gayong mga
kabataan ang matigas na paninindigan ni Duterte sa mga droga.Mukhang inilagay ni Duterte ang
digmaan sa harap at sentro ng droga sa kanyang pagkapangulo. Ngunit gaano ang labis ang
problema? Tinatanaw ba niya ang iba pang mga prayoridad?Mahirap magsagawa ng
komprehensibong pag-aaral sa lawak ng problema sa droga sa ating bansa. Ngunit mas mabuti na
subukang malaman ang labis na pag-abuso sa mga gamot sa partido, ang uri na pumatay sa limang
kalahok sa concert ng CloseUp "Forever Summer" kamakailan. Sinabi ng mga lawmen na ang ilang
mga party na bawal na gamot ay kaya bago ang kanilang mga aktibong sangkap ay hindi pa kasama sa
listahan ng mga pinagbawalan o pinagtibay na mga sangkap.Tandaan na isa lamang itong halimbawa.
Mas maganda pa rin na ikaw ay gumawa ng sariling mong papel tungkol sa War on Drugs.
 In the past two decades the rapidly growing world trend has been toward globalization.
With the emergence of the internet as a means of communication and the increasing
accessibility of international trade physical barriers are not the only barriers withering
away. Protective tariffs are plummeting and free trade agreements are becoming more
prevalent. Romania appreciates that globalization creates favorable situations for
expansion of commercial as well as economic assets. In the past year Romania has seen a
foreign direct investment (FDI) increase of 199%. Inward FDI increased from EURO 234
million in 2005 to EURO 699 million in 2006. However, Romania realizes that increased
globalization does not automatically produce more equality. Globalization and
Development can contribute to the advancement of the overall international human
condition; however, the delegation of Romania recognizes that without proper regulation
the potential for advancement will remain limited to an elite few individuals, businesses,
and nations. Unless checked and aimed toward the common good, globalization cannot
effectively serve the global community. Crucial in dealing with the complexities of
globalization, good governance must act with solidarity and responsibility. Romania
believes that in involving people in globalization we must promote moral values,
democratic principals, inclusive global political culture, institutions that safeguard both
individual civil rights and inherent freedoms, and the common good. In addition, coping
with the influx of information from globalization governments must act with solidarity
and insight. Access to digital education will undoubtedly result in the confidence of
citizens in their respective administrations and allow for a greater degree of transparency,
and therefore a lesser degree of corruption.
Mahirap na lalong naghihirap! At mayayaman na lalong yumayaman sapagkat sila lamang
ang tunay na nakikinabang. Taliwas sa pahayag na iaangat ang mga mahihirap. Mayaman
ang dapat na maghirap ngunit ang mga maliliit na tao lamang ang pumapasan ng kalbaryo
ng buwis na dapat sana ay para sa negosyanteng ganid at sumisira sa kalikasan at kalusugan.
Ipinatupad ang Train Law noong taong 2017 ni Pangulong Duterte na naglalayong taasan
ang buwis ng mga produktong nakakasama sa kalusugan at sa kalikasan. Isang magandang
adhikain ngunit hindi man lamang niya naisip na magtupad din ng batas na nagbabawal sa
pagpapasa sa konsumer ng buwis. Tanging mahihirap lamang ang lalong naghihirap dahil sa
sistemang ito. Dahil una hindi papayag ang mga negosyante na magbayad ng dagdag buwis
dahil sa Train Law sapagkat nababawasan ang kita nila. Hindi naman iisipin ng mga ito ang
hinaing ng mga konsumer dahil wala namang magagawa ang mga ito dahil bibili at bibili pa
rin ang mga ito ng kanilang produkto. Hindi naman sila ang nagsasakripisyo, sapagkat sila
ang nakikinabang. Pangalawa ay negosyante ang mga ito at iisipin nilang nagnegosyo sila
para kumita hindi para malugi. Iyan ang kanilang iniisip hindi nila tatanggapin ang dahilan
at esensya ng batas. WALA namang pake ang mga ito sa kalusugan ng kanilang mamimili at
kalikasang kanilang pinapakinabangan ngunit hindi pinag-iingatan. Ang mahalaga lamang
sa kanila ay ang pagtangkilik ng mga ito ng kanilang produkto. At panghuli ay pera lamang
ang iniisip ng mga ito ang buwis na idadagdag sa kanila ay hindi nila ibibigay na nanggaling
mismo sa kanila. Ito ay manggagaling pa din sa mga konsumer dahil ipinapasa lamang nila
lagi ito sa konsumer. Pera iyan lamang ang mahalaga sa kanila. Dahil muli hindi naman sila
ang naghihirap.

Ganoon mag-isip ang mga negosyanteng dapat ay nagbabayad ng tamang buwis. Kaya dapat
sana ay naglabas o nagpatupad din ng batas na huwag ipasa sa konsumer ang lahat. Dahil
ang maliliit na tao ang tunay na naghihirap samantalang ang mga mayayaman ay
nagpapakasasa lamang. Tumataas ang mga bilihin ngunit hindi nagtataas ang sahod. Sana
ay nag-isip ng mabuti ang Pangulo bago niya ito ipinatupad. Sana ay hindi naghihirap ng
husto ang pamilyang Pilipino dahil sa inflation.

You might also like